STELL's POV
"Sir, kukunin niyo na po ba?" tanong sa akin ng saleslady dito sa mall. Nandito kasi ako ngayon sa isang jewelry shop, balak kong bumili ng graduation gift para kay Vien.
"Ah.Sige Ate kunin ko na po." excited na akong ibigay kay Vien ang singsing na regalo ko. Sa totoo lang, medyo naubos yung ipon ko pero okay lang kasi para naman sa kanya, tsaka isa pa, may trabaho na rin naman ako kaya okay lang.
Nang makauwi ako sa bahay, wala pa si Yen, ang sabi ni Manang lumabas daw kasama ng mga kaibigan niya. Agad naman akong pumunta sa kwarto namin at hinanap ang bag na paborito niya. Dito ko inilagay ang regalo ko sa kanya. Bihira niya tong gamitin kaya hindi ko alam kung kailan niya pa malalaman ang tungkol sa regalo ko.
Hindi ko mai-explain ang nararamdaman ko, tama bang sabihin na unti-unti nang nahuhulog ang loob ko kay Yen? Hindi ko pa masabi o baka hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil natatakot ako. Alam ko naman na boyfriend na niya si Peter. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para kay Yen. Nung unang beses ko pa lang siyang nakita iba na ang naramdaman ko. Love at First sight nga yata ang tawag dun. Minsan iniisip ko na gusto kong ipagpasalamat na nangyari ang kasunduang ito dahil nakilala ko si Vien.
Sa saglit na panahon, nahulog na ang loob ko para sa kanya, bukod sa maganda siya, nakikita ko na mabait din siya tao, sobrang mahal na mahal niya ang Lolo niya. May mga sweet gestures din siya na lalong nagpapaganda sa personality niya.
Pero wala akong lakas ng loob na sabihin ito sa kanya dahil alam ko naman na walang patutunguhan iyon dahil nga may boyfriend na siya. Siguro nga makuntento na lang ako na gustuhin at mahalin siya ng patago ang mahalaga kasama ko siya, at masaya na ako doon.
Nandito kami ngayong sa bahay/mansyon nila Yen. Dito kami nagcelebrate ng Graduation namin. Nasa kwarto ngayon si Yen ang iba naman ay nasa dining area. Pupuntahan ko na ngayon sina Lolo Juaning at Lolo Condrad sa garden dahil tatawagin ko na sila para kumain.
"Buti nga at pumayag yang si Vester na maikasal sa apo mo eh, kung hindi mag aantay na naman tayo ng bagong henerasyon bago ako makabayad ng utang ko sayo" sabi ni Lolo. nag uusap na sila bago pa ako dumating.
"Ano ka ba? hanggang ngayon ba naman ay iniisip mo pa rin yung utang mo na iyon? Ako nga eh nakalimutan ko na yun HAHA"
"Condrado, kilala mo ako, meron akong isang salita, sinabi ko noon sayo na ipapakasal ko si Jun sa anak mo, bilang bayad at utang na loob na rin dahil binayaran mo noon ang malaking pinagkautangan ko nang matalo ako sa sabong noon."
"Ikaw naman kasi eh, sadyang masyado kang lulong sa Sabong noon eh ano?? Kaya laging sayo inuubos ni Elizabeth ang mga plato ninyo noon.HAHA"
"Eh kung hindi sana nagtanan ang anak mo noon eh di sana matagal nang natapos ang kasunduan nating ito"
"HAHAHA! kaya nga eh. Sadyang matigas ang ulo ng anak kong iyon, Pero sa totoo lang Juaning, mas nagustuhan ko ang kasunduan na nangyari sa pagitan ng mga apo natin. Nakita ko kung paanong pinalaki ni Jun at Mylene si Vester. Mabait na bata ang apo mo. Kaya alam ko na aalagaan niya ang apo kong si Vien." narinig ko ng malinaw ang pinag usapan nila. ibig sabihin ang kasunduan na ito ay nag umpisa lahat dahil sa malaking utang at utang na loob.?
Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko napansin na nadali ko pala ang isang paso na nasa paanan ko kaya naman gumawa ito ng ingay at napalingon ang dalawang matanda!
"Vester! kanina ka pa diyan?!" tanong sa akin ni Lolo Juaning.
"Vester Apo, anong ginagawa mo diyan?" tanong naman ni Lolo Condrad
"Ah..Ahm K-Kakain na po tayo.T -tara na po." sabi ko na lang at tsaka umalis na doon.
VIEN's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, nagkakasiyahan sila at isini celebrate ang Graduation namin ni Vester. Pero ako mas gusto ko munang mapag isa. Kinakabahan ako dahil bukas na ako aalis papuntang America. Walang ibang nakakaalam nito bukod kay Peter. maski sina Eirine at Elaine ay hindi rin ito alam.