NINE

55 4 0
                                    

VIEN's POV

"Naku Maam, pasensya na po,Hindi po kami pwedeng magbigay ng informations ng mga artist pasensya na, kung gusto niyo po sila makita bukas na lang ho sa Concert nila" sabi ng guard dito sa labas ng agency nila. Wala akong ibang maisip na pupuntahan ni Stell kundi dito lang.
"Kaso yun ho ay kung may makukuha pa ho kayong ticket, eh palagi po kasing sold-out ang ticket ng SB19 Maam, medyo mahihirapan ho kayo." Sabi nito.

Oo nga pala bakit nga ba nakalimutan kong sikat na sila.? Hindi na sila pwedeng basta basta makausap dahil mga Pop Icon na sila.

Ilang minuto pa akong nakaupo dito sa bench sa labas. Saan ako pupunta nito? Masyado nang gabi kung babalik pa ako. Masyado akong nagpadala sa sinabi ni Manang, hindi ko man lang naisip na sobrang gagabihin na pala ako.

Nagbabalak na sana akong umalis nang may mapansin akong pamilyar na lalaki.

"Hahaha.. loko loko ka talaga Stell Hahaha!" kung hindi ako nagkakamali, ito yung babaeng pinag uusapang dine date niya yung Julie.

"Talaga naman eh, tawang tawa ka naman" sabi ni Vester  habang nakikipagtawanan sa babaeng kasama niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, Kaya hindi na ako nakaalis hanggang sa mapagawi ang tingin niya sa direksyon ko. Nakita kong natigilan siya. Kaya nasisigurado kong nakita niya ako. Pero nasaktan ako sa sunod na nangyari, dahil kahit na nakita niya ako napatay malisya lang siya at tuloy tuloy na pumasok sa building kasama si Julie.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko dahil sa ginawang yun ni Vester. Pero hindi ko naman siya masisi, iniwan ko siya at hindi nagsabi o nagpaliwanang man lang. Kaya deserve ko talaga siguro ang nakaramdam ng ganito.

Pumunta na ako sa kotse at naghanap ng hotel na pwedeng matuluyan. Masyado nang gabi para tawagan pa ang mga kaibigan ko para lang makituloy sa kanila.

Buti na lang at nakahanap ako ng hotel na pwedeng matuluyan dahil eksakto naman ang buhos ng napaka lakas na ulan.

Habang hindi pa ako nakakatulog, nanood ako ng ilang videos at interview ni Stell sa internet.Napukaw ng atensyon ko ang isang video na may Tittle na Stell's Ideal Girl.

"Ano ba ano ba ang tipo ng isang Stell Ajero sa isang babae?" tanong ng host at rinig naman ang tiliian ng mga audience doon.

"Hmm, Ano ba? Siguro masasabi ko na kung makakilala man ako magandang babae bonus na lang iyon eh, siguro para sa akin mas mahalaga na naiintindihan niya yung industriyang pinagtatrabahuhan ko, tsaka sinusuportahan ako sa career na meron ako." sabi nito at tsaka muling ngumiti sa camera.

"Isang tanong pa Stell, malay natin dito maging exclusive ang pag amin mo hindi ba A'tin?" tanong ng host sa audience at gaya ng inaasahan ay nagsisigawan lamang ang mga ito.

"Totoo ba na may namamagitan na sa inyo ni Coach Julie?" deretsahang tanong ng host ng TV show.

"Haha, kayo ha. ino-on-the-spot niyo naman ako niyan eh haha.. pero siguro ang masasabi ko lang, kung ano na lang ang nakikita niyo, yun na lang ang isipin niyo. bahala kayo Haha! Eh kasi naman kayo, kapag sinabi kong magkaibigan lang kami maniniwala ba kayo? Oh diba Hinde? Edi bahala na kayo magdesisyon malalaki na kayo haha!" sabi nito habang kinakawayan ang mga fans niya na nasa audience.

'Kung ano ang nakikita? Kung ang pagbabasihan ko ay yung nakita ko kanina lang, mukha nga talaga silang espesyal sa isa't isa. Kitang kita na kumportable si Julie kay Stell. At ganun din naman si Stell sa kanya.'

STELL's POV

"At tsaka, mas bagay kaya kami ni Rayver, Haha"

"Hahaha! Loko loko ka talaga Stell, Hahaha" tawang tawa 'to si Julie, paano ba naman pinag uusapan namin ang tungkol sa hindi matapos na pag iisue sa amin dalawa. Pilit binibigyan ng malisya ng mga tao ang closeness namin ni Julie pero ang totoo, Kapatid ang turing namin sa isa't isa.

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now