SEJUN's POV
"Pau, may tumawag sa akin lasing na lasing daw si Stell sa bar!" sabi sa akin ni Josh. Agad ko namang itinigil ang ginagawa ko at umalis na papunta kay Stell.
Tita Mylene called us last time para sabihin ang nangyari kay Stell. Naawa ako sa kaibigan namin. Kahit na hindi niya inamin sa amin alam namin na mahal na niya si Vien at nahulog na ang loob niya rito.
Kahit kami ay hindi makapaniwalang iniwan ni Vien si Stell, pero ganun nga siguro talaga. Kailangan mong sumugal para gawin ang gusto at idinidikta ng puso mo. Pero dapat maluwag mong tatanggapin kung anuman ang magiging outcome ng desisyon na pinili mo.
Gaya ni Stell, pinili at desisyon niyang mahalin si Vien kahit pa alam niya na may boyfriend na ito at siya, asawa lang naman sa papel. Kaya ang nangyari, sobra siyang nasasaktan ngayon.
Nang makarating kami sa bar ay wala nang masyadong tao, nakita namin kung paano niya kinukulit ang bartender na bigyan pa siya ng inumin kahit lasing na lasing na siya.
"Sir, tama na po, lasing na kayo eh."
"Kuya naman sige naaaa.... May pambayad naman ako iiiihh" lasing na lasing na nga to.
"Hik.kantahan na lang kita ah hik listen to me Kuyang Bartender!" sabi pa nito pumunta siya sa may stage habang pasuray suray na naglalakad."Kakanta ako Kuya. Kakanta ako" sabi nito maganda pa rin naman ang boses niya kahit may espiritu na ng alak sa katawan niya. Napapailing na lang kaming apat sa nakikita namin. Miserableng miserable ang hitsura ni Stell.
'Cause this angel has flown away from me
Leaving me with drunken misery
I should have clipped her wings
And made her mine for all eternityNow, this angel has flown away from me
Thought I had the strength to set her free
Did what I did because I love her so...'"W-Will s-she ever find her w-way b-back home to me? Oh-oh" at tuluyan na nga siyang umiyak sa ibabaw ng stage. Sinenyasan ko na yung tatlo para puntahan na si Stell.
"Stell." pagtawag sa kanya ni Ken.
"Stell , tama na yan Tara na"- Jah
"Lasing na lasing kana Dre! lika na" sabi naman ni Josh
"Uuuuyyyyy!!! Kuya!" tawag niya sa bouncer na nakatayo sa gilid ng stage."Mga kaibigan ko to! Magagaling yang sumayaw! Go Ahead, magpapicture ka na, kapag sumikat yang mga yan wala ka nang chance sige ka HAHAHA" sinenyasan ko na lang si Josh at Ken na kunin na nila sila si Stell. Justine decided to go the bar to pay for Stell's bill. 'Ambait'
Nandito na kami sa sasakyan, Josh,Stell and Ken was on the back, Ako ang nasa passenger seat and Justin was the one who's driving.
Dumeretso na kami sa Studio para dun muna dalhin si Stell, at pagdating namin nagpupumilit na naman siyang uminom.
"M-May pera pa ako dito, bili tayo ----"
"Stell tama na," pilit kong pinakakalma
ang sarili ko dahil iniitindi ko amg pinagdadaanan niya.Pero konti na lang maiinis na rin ako dahil sa nakikita kong kalagayan niya ngayon."Sige na, Malamang ngayon D-Divorce na kami ni V-Vien kaya L-Let's Celebrate! Wooooooooh-------"
"TUMIGIL KA NA STELLVESTER!!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Naramdaman kong natigilan si Stell sa ginawa ko at nag umpisa nang umiyak. Nakonsensya naman ako sa ginawa dahil alam ko naman ang pinagdadaanan niya.Kaya nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabila niyang balikat.
"Tama na Stell, Tama na . Vien decided to leave you ,at wala tayong magagawa dun. Dre, ayusin mo na yang sarili mo, bumalik ka na sa dati. Sa tingin mo ba,gugustuhin niyang bumalik sayo, kung makikita niyang miserable ang buhay mo? Sa ginagawa mo ngayon, mas lalo mo lang pinatunayan na dapat ka lang niyang iwan. Fix yourself Dre, patunayan mo kay Vien na Leaving you was a wrong decision." Sabi ko at niyakap siya. As a leader, and as a friend masakit din sa akin na nakikita na ang mood setter ng grupo namin, ay may ganitong pinagdadaanan.