27

56 3 0
                                    


VIEN's POV

Nang magising ako kinabukasan nagtaka ako dahil wala si Vester sa tabi ko. Nilibot ko na ang buong yate pero  wala pa rin siya, maski ang nag ooperate ng Yate ay wala din dun. Ibig sabihin ako lang ang mag-isang nandito.

Dali dali akong pumunta sa kwarto para hanapin ang cellphone ko pero wala rin ito doon sa bedside table!

Hanggang sa napansin ko na may box at mga paperbag na nasa sofa. Binuksan ko at binasa ang note nandoon.

'Kung gusto mo pang makita sina Stell at Star, isuot at gamitin mo ang lahat ng nasa paper bag, piringan mo mo ang mga mata. Ipapasundo kitasa mga tauhan ko. Huwag kang magkakamali na suwayin ang utos ko, kung hindi, hindi mo na makikita ang mag-ama mo.'

-------------

Bigla akong kinabahan sa nabasa ko. Ano bang nangyayari? Dahil sa takot sa pwedeng mangyari sa mag-Ama ko, agad kong sinunod ang nakasulat sa note na iyon. Suot ko ang Skintone dress na kaninang nakalagay sa malaking box. Nag-ayos din ako gamit ang mga make-up na nasa paperbag. at isinuot ang sapatos na kasama rin ng mga iyon kanina.

Nang matapos ako ay inumpisahan ko nang iblind-fold ang mga mata ko. HIndi ko alam kung ano mga mangyayari pero kailangan kong sumunod sa kung sino man ang nagbigay ng sulat na ito dahil ayokong mapahamak ang mag-ama ko.

Maya maya pa ay narinig ko nang may tao na sa yate. Naramdaman kong dahan-dahan ng umaandar ang yate, sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko, para sa sarili at para kina Stell at Star.

"M-may t-tao b-ba diyan?" nagbabakasali ako na may taong nakatanaw sa akin mula rito.

"K-Kuya,l-ligtas ba y-yung anak ko ha? y-yung a-asawa ko?" naiiyak kong tanong pero bigo akong makarinig ng sagot. Abot-abot ang panalangin ko na sana ligtas lang ang mag-ama ko. Unti-unti na kaming nakakapagsimula ulit. At hindi ko kakayanin kung parehas silang mawawala sa akin.

Maya-maya ay may isang tao na umalalay sa akin na maglakad sa kung saan.Dahan-dahan ang pag-alalay nito sa akin. Dahil kinakabahan, sumunod na lang ako kung saan man niya ako dadalhin.

Ganun na lang ang gulat ko nang tinanggal ang piring sa mata ko ay nakita ko si

"Lo?!" nagtatakang tanong ko. At nakabihis ito tsaka ko lang naisipan igala ang paningin ko at mas hindi ako mapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon!

"Hindi ba't Beach Wedding ang pangarap mong kasal? Oh ayan na!" maluha-luha akong tinignan si Lolo. HIndi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Vien anak, Congratulations, finally,mag-aasawa ka na, Ulit, haha" nandito rin si Mommy at niyakap ko siya pro hanggang nagyon ay gulat na gulat pa rin ako.

"Ops,Ops Ops! I- retouch muna kita Besh! Eh kasi naman iba din mag plano ng kasal tong si Stell nakakanerbyos, kinabahan ka ba?" tanong sa akin ni Spencer habang nirere-touch ang make-up ko.

"Mama," napalingon ako sa likod at nakita ko kung gaano ka gwapo ang anak kong si Star. Pinunasan niya pa ang mga luha sa mga mata ko."Tara na po Mama, ihahatid na po kita kay Papa." sabi nito at inalok ang kamay niya.

Dahan-dahan kaming bumaba sa yate at ng makatapak kami sa carpet a nasa buhanginan ay nag umpisa nang tumugtog ang music.

"Oh, oh
When the visions around you
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you
Are secrets and lies"

Kumakantang lumabas mula sa aisle sina Justin at Josh at ibinigay sa akin ang bouquet.

I'll be your strength
I'll give you hope
Keeping your faith when it's gone
The one you should call
Was standing here all along

Sumunod namang lumabas si Ken, kasama si Elaine na siyang naglagay sa ulo ko ng Flower crown.

And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
'Til the day my life is through
This I promise you
This I promise you

At lumabas na rin si Pablo at Erine. Si Eirine ay nagkabit ng belo sa Flower crown na suot ko.

Hindi maipaliwanag ang saya na nasa puso ko ngayon.

I've loved you forever
In lifetimes before

Nakita ko nang si Stell sa unahan, nakatitig siya sa akin habang siya ang kumakanta

And I promise you never
Will you hurt anymore

Walang paglagyan ang tuwa at kilig ko habang alam kong hinihintay niya ako sa unahan.

I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won

Mula sa kinatatayuan ko ay kita ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya pero nagagawa niya pa ring kumanta ng maayos.

And with this vow
Forever has now begun

Hanggang sa nakarating na ako sa unahan at inabot ang kamay niya. At pagkatapos nun ay pumunta na kami sa unahan. Naririnig ko pa ring kumakanta ang apat as background music habang nagsasalita ang nagkakasal sa amin.

Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko para mahalin ako ng ganito ni Stellvester, Ako yung hindi nagtiwala noon na magiging maayos ang takbo ng buhay mag-asawa namin , ako yung nagdesisyon na iwanan siya sa pag-aakalang magiging masaya ako sa piling ng iba,  ako yung taong iniwan sa kanya lahat ng sakit at hirap, Pero ngayon ako yung nagtatamasa ng lahat ng sarap at saya sa buhay. Nandito siya sa tabi ko, ang anak naming si Star, ang mga pamilya namin, ang mga Lolo namin na naging dahilan ng lahat, ang mga kaibigan namin, at higit sa lahat ang Diyos.

Sinamahan niya kami sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay namin. Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Wala na akong mahihiling pa. pagkatapos nang araw na'to Tapos na Secret Marriage With Stell Ajero, dahil simula ngayon,

'I am Happily Married with Stellvester Ajero'

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now