"Ano? bakit pati ako?" tanong ko kay Elaine. ang buong akala ko kasi ay tutulungan lang naming mamili si Eirine nang susuotin na bikini para pantapat kay Tanya. Hindi ko naman alam a kasama pala kami.
"Vien?, ano ka ba naman? nasa dagat tayo oh, anong balak mong suotin dito pajama? okay ka lang?"sabi nito, well dati naman na akong nagsusuot ng swimsuit nung dalaga pa ako. Pero simula ng nanganak ako. Iniwasan ko nang magsuot ng bikini's. Madalas mga rashguad na lang ang isinusot ko.
Medyo kinakabahan ako ng makalabas na kami sa kwarto, well naka cover up pa naman ako kaya lang naninibago ako kasi ang tagal simula ng huli akong mag suot ng ganito.
Napili kong magsuot ng two piece bikini, its Maroon kaya lutang lutang din ang kulay ko. String lang ang tali nito sa magkabilang baywang ko., pati na rin sa taas.Nang nasa seaside na kami, tinanggal na namin ang cover up na suot namin. Medyo nakakailang lang kasi meyo marami talaga ang napapatingin sa amin. Nagdecide na kami na maligo na lang at i-enjoy ang dagat. Maya-maya pa ay nagdecide kami to take selfie.
Tama nga si Eirine, it's been awhile since nung nakapagbonding kami ng ganito. nakakamiss lang yung mga panahon na naeenjoy namin ang mga buhay namin noon na wala masyadong pinoproblema kundi ang mag-aral.
Habang i-neenjoy namin ang view ay nakita namin na tapos na ang photoshoot at pababa na sila ng yate.
May kung anong ibang awra sa Mata ni Pablo, nakakatakot. Si Stell naman ay sabu-sabunot ang buhok niya habang papalapit din sa gawi namin.Nagulat kami ng biglang hilain ni Pablo si Eirine pabalik ng kwarto. Nakita ko naman si Stell na kumuha ng body towel sa kung saan at nagulat ako ng bigla nia iyong tinakip sa katawan ko. pero mas ikinagulat ko nang bigla niya akong buhatin.
"O-OY! Vester! Saan mo ko dadahin!?" sabi ko.
"Kanina ka pa Vivienne Marie! para kang nanadya na, nang-aasar pa!" sabi niya. 'Bakit ba? ano na naman ba ang ginawa ko?'
huli na nang malaman kong sa kwarto niya pala kami papunta!"H-HOY!S-STELLVESTER! Anong gagawin mo sa kin ha!?"sabi ko sa kanya nang bigla naman niya akong iniupo sa kama. Pagkatapos nun ay isinara nito ang mga bintana pati ang mga kurtina! And he even lock the door!
"Stellvester I-Im warning you!" sabi ko sa kanya kahit na ang totoo sobrang kinakabahan ako!
"Aba! tinatakot mo pa ako ha!" sabi nito habang tinatanggal ang wrist watch nito.
"Vester, anong gagawin mo? hindi ka naman ganyan noon ha!"
"Exactly! Hindi naman ako ganito noon, not even yesterday" sabi niya habang gumagapang papalapit sa akin sa kama, ako naman ay paatras na rin na gumagapang hanggang sa maabot ko na ang dulo at ang headboard ng kama.
"But becuase of what you did earlier this morning, and the guts of showing your body in public, kaya naging ganito na ako ngayon." sabi niya habang hinihingal, halatang may pinipigilan siyang sabihin o kung anuman. o baka naman sa sobrang inis niya mga nangyayari. Ano bang nangyayari?
"T-teka nga anong ginawa---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang iligay niya ang hintuturo niya sa mga labi ko.Parag may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang ginawa niya yun.
"First, that Spencer Guy, nakipagkilala ka sa isang lalaki sa bar?" sabi nito at halatang may inis siyang nararamdaman. "Second" idinagdag naman niya ang middle finger sa mga daliring nakalagay sa labi ko "You even chose his Mango shake over my strawberry milkshake na in-order ko for you?" kumunot ang noo ko. hinawakan ko ang kamay niya at inilayo yun sa labi ko para makapagsalita.
"E-eh h-hindi ko naman alam na s-sayo yun gal---"hindi na naman niya ako pinatapos magsalita."Kahit na." sabi niy at itinuon ang isang kamay niya sa headboard ng kama.
" and third, that piece of bikini na suot mo ngayon,"sabi nito at lalong mas lumalim ang paghinga niya. "Don't wear that again or else," sabi nito.