VIEN's POV
Nang magising ako kinabukasan medyo masakit ang katawan ko.Parang tinatamad pa akong bumangon. napansin ko na parang ang init ng unan na yakap yakap ko nagtataka rin ako bakit parang may mainit na hininga akong nararamdaman sa bandang noo ko. Unti- unti kong binuksan ang mga mata ko. At nagulat ako ng makita si Stell sa tabi ko at walang damit na suot! Unti-unti ko namang tinignan ang sarili ko at nawindang ako ng makitang wala na rin akong suot na kahit na ano.
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH"
STELL's POV
"AAAAAAAHHHHHHHHHHHHH"
Nagising na lang ako ng biglang may sumigaw sa tabi. Sa sobrang gulat ko ay nahulog pa ako sa kama.
"AAA---Aray ko!" Uminda ako sa sobrang sakit ng balakang ko sa pagkabagsak.
"HOY! IKAW STELLVESTER! ANONG GINAWA MO SAKIN HA!" Halos mangiyak ngiyak niyang tanong sa akin.
"Ha?! Ako?"
"Oo Ikaw! Sino pa ba?! Dalawa lang naman tayo dito! Tsaka bakit ka nakaganyan! Tsaka Ako? Aahhhhhhh Mommy!" Turo sa akin dahil wala akong suot na damit
"Teka,Vien sanda---"
"Ang sama mo! pinagsamantalahan mo ako!" Nauumpisa naang tumulo ang luha niya.
"Ha?! Teka! Ako pa talaga ang nagsamantala sayo ha?! Ha! Pambihirang buhay to oh!" hindi ako makapaniwala sa babaeng to!
"W-What are you trying to say huh? Ako pa ang nagsamantala sayo ganun ba?!" Tanong nito sa akin
"Eh talaga naman! Sabi ko na nga ba eh. Wala kang maalala!" Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na kumunot ang noo niya.
FLASHBACK
Ilang minuto na ako dito sa loob ng kwarto pero hindi ako mapakali, hindi ako makatulog dahil sa sobrang init. Tinignan ko ang aircon mukhang okay naman pero bakit ang init pa rin.
Nagdecide akong maliligo sana pero nakita kong biglang pumasok si Vien sa kwarto.
"Uy, Ok lang ba?" Nakita ko kasi siyang parang hinihingal.
"H-hindi. A-aircon."sabi niya habang tinuturo ang aircon at papunta na sana siya sa kinaroroonan ng aircon ng bigla naman siyang ma out-of-balance, buti nalang naalalayan at nasalo ko siya bago pa siya tuluyang madapa.
Nagkatinginan kaming dalawa. Ramdam ko ang init ng hininga niya at nangungusap niyang mata. Hinawakan niya ng dalawa niyang kamay ang magkabilang pisngi ko. Nakita ko kung paano niya tinignan ng deretso ang mga labi ko. Magsasalita pa sana ako na bigla na lang niyang sunggaban ang labi ko.
Ramdam ko ang malabot na labi niyang dumampi sa labi ko pero habang tumatagal parang mas nanggigigil ito. Hindi ko naman maiwasang hindi sagutin ang halik na ibinibigay niya. Dahil una, syempre lalaki rin ako, pangalawa, lunod na kaming pareho sa init na nararamdaman ng mga katawan namin.
Naramdaman ko ang mga braso niya na inilagay niya sa may batok ko, mga ilang minuto pa bago ako makabalik sa huwisyo ko, hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para itigil ang ginagawa namin.
"Vien sanda---" pero hindi namaan niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil tinulak na niya ako sa kama. Umibabaw siya sa akin habang hinihingal pa rin.
"S-Stell." Pagtawag niya sa pangalan ko, parang iba ang nararamdaman sa pagbanggit niya sa pangalan ko.muli niya akong hinalikan sa labi. Hindi ako makagalaw nakakulong ako sa mga braso niyang nakatuon sa kama.. Maingat ko siyang hinawakan para maging baligtad ang posisyon naming dalawa. Ngayon, siya naman ang nakahiga na sa kama at nakatuon naman ang mga braso ko sa kama.