Thirteen

53 3 0
                                    

VIEN POV

Nang magising kami kinabukasan ay abala ang mga Staff at Crew sa labas.  Ngayon na kasi itutuloy ang naudlot na shooting kahapon. Naabutan ko si Elaine na nag-aalmusal sa may table.

"Goodmorning! Ms. Vivienne!" bati nito at ang tingin ang parang nang-aasar pa. Hindi na talaga maganda ang gising ko dahil naalala ko na naman ang nangyaring pagtatalo sa amin ni Vester.

"Bakit naman nakasimangot ang BFF kong maganda?" patuloy na sabi ni Elaine. Napatingin tuloy ang mga boys na nasa kabilang table lang

"Ano bang pinagsasabi mo ha?" inis kong tanong dito.

"Sus! kunyari pa to. Alam mo, kahit na medyo lasing ako kagabi alam ko na 'may poging lalaki ang umaaligid aligid sayo'." Nanlaki ang mata ko sa ssinabi ni Elaine. At halata naman na pinaririnig niya ito kay Vester na nasa kabilang table lang.

Lumapit ito sa akin at bumulong
"Makisakay ka na lang, pagseselosin natin yung Manok na pula diyan sa kabilang table haha" kahit kailan talaga puro to kalokohan.

"Naku, hindi natin nakuha yung pangalan niya no? sayang naman!" patuloy na sabi ni Elaine.
Maya-maya pa ay lumabas na rin si Eirine na maganda ang ngiti.

"Naks, ang ganda ng ngitian natin Marsie ah!" pang-aasar din nito kay Eirine. Sadyang maganda ang ngiti niya. Mula rin dito ay kita ko na maganda din ang ngiti ni Pablo. Halatang nagkaayos na ang dalawa.

"Iba talaga ang ngitian ng mga taong inlove, sana all haha" pangungulit ni Elaine. Nawala lang ang makulit na mood nito ng biglang dumating si Ken.

"Goodmorning." bati ni Ken. Nginitian lang namin ito. Pero hindi ni Elaine. Ano kaya ang nangyari, nung nakaraan lang halos dumikit siya nang dumikit kay Ken. Ngayon parang paiwas na siya. Anong nangyari?

Maya-maya pa, ay may lumapit sa amin na staff ng resto.
"Goodmorning Maam, Mango Graham Shake po." sabi ng Staff sa akin sabay abot ng isang baso ng Mango Graham Shake. Natakam naman ako dahil may  Pure Mango toppings ito.

"Ahm, Kuya sorry ha, pero hindi po ako umorder ng Mango Shake." sabi ko. Ang totoo mag-oorder pa lang sana ako ng Strawberry Milkshake bago ito dumating.

"Maam, bale po in-order po ito ni Sir para po sa inyo." sabi nito at sabay muwestra naman nito sa likod ko. Lumingon kaming lahat pati na rin ang boys na hanggang ngayon ay nasa kabilang table pa rin.

"OH TO THE M TO THE G! VIVIENNE MARIE!"
nagulat kami ng makita ulit ang lalaking na meet kO kagabi sa Bar.

"Wait, diba Siya rin yung lalaking lumapit sayo kagabi?" tanong naman ni Eirine.

"Oo siya nga yun! Hi!" kinawayan naman ito ni Elaine at tinanggal ng lalaking ito ang kanyang shades.

"Bakit parang mas pogi siya pag maliwanang?" sabi ni Eirine at tumingin sa akin ng nang-aasar. Narinig naman naming tumikhim si Pablo mula sa kabilang table.

"Psh. Oo na, mas Pogi ka Babe." sabi naman ni Eirine

"Oh my God! Vien, lalapit siya dito!" kinikilg na sabi ni Elaine

STELL's POV

(30 Minutes Ago)

"Goodmorning po, Sir Stell." sabi ng Staff ng Resto. Ako ang nauna dito sa table para sa breakfast, lahat sila nakani-kanilang kwarto at nag-aasikaso pa.

"Goodmorning, Kuya oorder sana ako ng Strawberry Milkshake, meron ba kayo nun?" tanong ko, balak ko kasing um-order para kay Vien.

Naisip ko na parang nasobrahan yata ang mga sinabi ko kagabi. Hindi ko naman intensyon na masaktan siya. Aaminin kong nag-aalala lang ako sa pwedeng mangyari kung malalasing sialng tatlo. Balak kong bigyan siya ng peace offering by giving her milkshake.

"Kuya, pakibigay na lang yan sa babaeng to mamaya ha!"sabi dito at ipinakita ang picture ni Vien sa phone ko."Pero wag mo na pong babanggitin na sa akin po galing. Thank you!"

"Ah, okay po Sir, noted po."sabi naman nito.

-----------------------

"Hi Vien! bati ng lalaking ito kay Vien, kanina lang ay nandon ito nakaupo sa malayo, ngayong pumunta pa talaga dito sa table nila at umupo sa tabi ni Vien!

"Ahm, hello."bati naman dito ni Vien at nginitian ang lalaking ito. 'Ayos ah. kanina mukha kang badtrip tapos ngayon nakangiti ka na? Ang galing Vien, ang galing' "By the way, thank you for this." sabi nito

"Youre always welcome, anyway I'm just glad that you guys manage to go home, despite of you know, drunkness haha." sabi pa nito habang nakatingin kina Elaine at Eirine.

"I-Im sorry a-about that." sabi naman ni Eirine.

"Nah it's fine. Actually you Guys are so lucky to have a friend like Vien.She cared for you a lot" sabi nito.

"Hahaha! That's right, anyway what's your name? We forgot to ask your name yesterday." sabi naman ni Elaine. Nakita ko naman na tumaas ang kilay ni Ken.

"Oh, i forgot haha, I'm Spencer." sabi nito kay Elaine at biglang tumingin sa katabi niyang si Elaine.

"Well nice to meet you Spencer, I'm Elaine. This is Eirine and this is Vien."pagpapakilala nito sa dalawa.

"Single yan.haha. Walang BOY.FRIEND. WALANG.A.SA.WA haha" minsan talaga nasosobrahan ng kadaldalan tong Elaine na to eh.

'Well nice to hear it then." sabi nito, hindi ko namalayan na sobrang inis ko ay nahampas ko na ang lamesa.

"Huy!haha Stell okay ka lang ba?!" sarkastikong tanong ni josh.

Maya-maya ay dumating na ang staff na kinausap ko kanina."Maam Vien, Strawberry Milkshake po for you." sabi ng staff. Huli na para bawiin ko pa yun.

"Hala. Kuya kanino naman ito galing?" tanong ni Vien sa staff na napapakamot na lng sa ulo.

"Ahm Maam, A-ayaw po ipasabi na sa kanya po galing eh." sabi nito habang nakatingin sa akin. Hindi naman nakaligtas sa paningin ng mga Boys, ni Eirine at Elaine ang ginawang pagtingin sa akin ng Staff.

"Ah! akin na lang to!" sabi ni Elaine per tumungin siya sa akin ng parang nang-aasar.
"Or mamili ka na lang Vien, what would you choose? Mango Graham Shake? or Strawberry Milkshake? Choose wisely Marsie"

VIEN's POV

"Ahm ito na lang siguro." sabi ko sabay kuha sa mango shake na ibingay nitong s Spencer. Nakakahiya naman kasi kung pipiliin ko pa tong strawberry over dito sa nauna. Nakakahiya kay Spencer, tsaka isa pa hindi ko naman kilala kung kanino galing itong strawberry milkshake eh.

"AH.OW" dinig kong sabi ni Josh. Mula naman dito ay nakita ko kung paano manlisik ang mata ni Vester. Anong nangyari sa taong to?

Maya-maya pa ay padabog ng umalis si Vester.

Nang makatapos kaming mag-breakfast ay nandito lang kami sa may kubo para tanawin ang gagawing photoshoot ng SB19 sa yate kasama si Tanya. Isa-isa na silang lumabas na naka summer outfit. Parang bumulis ang tibok ng puso ko nang makita si Stell. Ewan ko ba simpleng Black Sando at summer shorts lang naman ang suot niya. Pero ang lakas ng epekto nito sa akin. Pero muli ko iwinaksi ito nang maalala na inis parin ako sa kanya hanggang ngayon dahil sa mga sinabi niya sa akin kagabi.

Nnang makalabas na ang lahat ng boys, sumunod namang lumanas si Tanya, wearing a yellow two-piece bikini and with a sarcastic face. 'Ang sama'

"Aba teka, the way she look at you parang pinoprovoke ka ah." which is totoo nama eh, parang nanghahamon ang babaeng to kung makatingin.

"wala ka man lang bang gagawin?" tanong ko kay Eirine. Dapat hindi siya pumayag nainaakit ni Tanya ang boyfriend niya.

"Hay nako tara papakitaan din natin yang Tanya na yan. Akala niya siya lang ang may K na rumampa dito."

At nagyaya na nga si Elaine na bumalik sa kwarto para makapagbihis.

....to be continued...

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now