VIEN POV
Nakita kong bumukas na ang mga mata ni Star. Gising na siya.
"Ahh-- " inda ni Star dahil sa paghalik ni Vester sa kaniya. Nagulat si Vester nang makita niyang gising na si Star.
"P-papa?" naguguluhang sabi ni Star.Ngumiti lang naman si Stellvester at hindi nagsasalita.
"M-Mama? I am dreaming po ba?" tanong nito dahil hindi makapaniwala kung sino ang nasa harap niya ngayon. Natawa naman ako ng bahagya dahil feeling siguro ng batang to ay nananaginip lang siya.
"haha, Hindi anak, Si P-papa mo talaga yan." sabi ko. "Magsalita ka kaya." sabi ko kay Vester na nakatitig lang sa anak niya.
"H-Hi, Star,Ana--"
"Papa!" bigla namang bumangon si Star para yakapin si Vester. Nag-alala naman kami ni Vester dahil halos mahila na ang swero ni Star sa sobrang pagyakap nito sa Papa niya.
"Anak!" sabay pa naming sabi ni Vester
"Anak, dahan-dahan" sabi ko
"Anak,baka masaktan ka, dahan-dahan lang," sabi naman ni Vester. kumalas sa pagkakayap si Star sa Papa niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.
"P-Papa? T-totoo ka na po ba talaga? b-baka nananaginip na naman po ak-ako." maluha-luhang sabi nito. Nakita ko naman sa mukha ni Vester na nakamramdam siya ng awa. Siguro madalas na talagang napapanaginipan ni Star si Stell noon pa.
"Hindi Star, Tignan mo." kinuha ni Vester ang kamay nito at inilapit ito sa mukha niya. Nakaupo na ngayon si Vester sa kama para hindi mapwersa sa pagbangon si Star.
"Oh diba? Ako to Nak!" pagkasabi nun ni Vester ay muli na naman siyang niyakap ni Star.
"Papa! Finally! Fin.nally!" narinig namin kung paano gumaralgal ang boses ni Star. Hindi ko mapigilan ang sarili kong umuiyak sa eksenang nakikita ko. Umiiyak ang anak ko saya dahil sa wakas ay nakita at nayakap na niya ang taong matagal na niyang gustong makasama.Umiral na naman ang konsensya ko. Sinisi ko na naman ang sarili ko. Iniisip ko na naman na sana noon pa lang ay ipinakilala ko na sila sa isa't isa. Walang katumbas ang nakikita kong saya sa mukha ni Star ngayon. Marahil yung sakit na nararamdaman ng katawan niya ngayon ay hindi kayang pantayan ng sarap at saya na nararamdaman ng puso niya.
"Sorry Anak ha, hindi alam ni Papa ang tungkol sayo, Pero promise ko sayo. babawi ako sayo ha! Bibilhin natin lahat ng gusto mo,, pero yung mura lang ha, haha" at natawa rin naman si Star sa sinabi ng Papa niya.
"Papa, ok lang po kahit hindi na tayo bumili ng kahit na ano. Im so happy na po na nandito po kayong dalawa ni Mama. Dati nag-pray ako kay Papa God na Okay lang po kahit walang maraming laruan, kahit walang gadget at computer okay lang. Kahit hindi masarap ang ulam na kakainin ko ok lang, basta kasama ko po kayo ni Mama."sabi nito at halos haplusin ang puso sa sinabi ng anak ko.
"Pero dahil mabait ka, kaya ibibigay sayo ni Papa God ang lahat, bukod sa kasama mo na kami ng Mama mo, bibili pa tayo ng maraming laruan, maglalaro tayo ng computer, at higit sa lahat kakain tayo ng masarap! Yehey!"
"Yehey!" tuwang tuwa namang tugon ni Star.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang pintuan. Dumating ulit si Mama Mylene kasama si Jean at si Papa Jun.
"Stell nandi---- Hala! napaka gwapong batang naman iyan! Yan ba yung Apo ko?"gulat na sabi nito ng makita si Star.
"Hala! kamukha mo nga Kuya! Ang malas mo naman Baby.." natatawang sabi ni Jean.
"Ah talaga ba RJ ha!" sabi nito at binato ng unan ang kapatid niya! at nagtawanan naman kaming lahat.
"Napaka Gwapo naman ng Batang ito." sabi ni Papa Jun nang makalapit ito kay Star. Agad namang nagmano si Star sa kanyang Lolo Jun.