TEN

78 3 0
                                    

VIEN's POV

"Vivienne? Kailan ka pa dumating?" Nandito kami ngayon sa bahay ni Eirine, gaya ng reaksyon ni Elaine, nagulat rin si Eirine ng makita niya ako ngayon.

"Kagabi lang. Sa kanya nga ako tumuloy eh." turo ko kay Elaine na hanggang ngayon ay hindi maialis ang tingin kay Eirine.
"Bruhang yan eh. ang tagal akong pinaghintay, yun pala nang galing na daw sa Concert." Sabi ko

"Sorry ha!... pero hindi yun ang dapat nating pinag-uusapan." sabi nito sabi nito at pinaikutan si Eirine.

"Ang magaling na babaeng ito ay may itinatago... umamin ka nga sa amin... bakit parang close na close kayo ng SB19?, alalang alala sayo ang mga Boys..bakit ka nila kilala ha! at isa pa kagabi, sumakay ka sa kotse ni Pinuno bakit ha? bakit? magsalita ka!" Sunod sunod na pagtatanong ni Elaine dito.

"Ah ano kasi eh.. pano ba ako mag eexplain.. ano kasi kagabi kasi ano eh,," nag aalangan pang magsalita si Eirine sa totoong nangyayari sa kanya
"Kagabi si Pablo, u-umamin siya na may gusto siya sakin at gusto niya daw akong ligawan." Sabi ni Eirine at halos hindi makatingin ng deretso.  Sandali naman kaming natigilan

"HAHAHHAHAHAHAHHAHA.." humagalpak ng kakatawa si Elaine sa sinabi ni Eirine ngayon lang

"HAHAHA.. EIR-RINE naman! Jusme ang aga mo ha! HAHAHAHA.. PATAWA KA Mars!! Hahahha... Nililigawan ka ni Pablo? O naliligaw ka HAHAHA.. Havey ka today Mars!" hindi pa rin matigil si Elaine sa kakatawa

"B-bakit ka natawa Elaine? T-totoo yung sinasabi ko." At tumingin pa sa akin si Eirine na parang sinasabi nitong maniwala ako sa kanya.

"Pwede ba Eirine, isa beses ka palang pumunta ng concert ng SB19 nabaliw ka na, paano ka naman liligawan ni Pablo aber? Sige nga. Saan kayo nagkakilala? Sige sakayan natin yang trip mo Mars" Sabi nito habang naka cross arm.

Nag cross arm din naman si Eirine.     "Saan kami nagkakilala? Diyan lang, sa kabilang bahay." Confident pang sagot nito at nagkatinginan kaming dalawa ni Elaine sa sinabi niya.

"Naalala mo ba yung kinukwento ko sayo mga bagong boarders? Yung limang lalaki na nagrerequest ng privacy.? Sila yun. " Pagpapaliwanag nito sa tulalang si Elaine.

"I-ibig mong sabihin,, yung mga kapitbahay na ikinukwento mo sila yun?" tanong ni Elaine dito at tumango lang naman siya.
"EH BAKIT HINDI MO NAMAN SINABI?" ani Elaine .

Kinuwento na lahat ni Eirine ang nangyari. Nalamaan nga namin na talaga gusto siyang ligawan ni Sejun na ngayon ay mas kilala na sa bansag na Pablo.

"Kamusta ka naman sa Amerika Marsie? Ang tagal mong nawala, wala na kaming nabalitaan tungkol sayo." tanong ni Eirine sa akin

"Oo nga, tapos yung asawa mo na saan na siya?"

"Ahm, ang totoo niyan may gusto akong sabihin sa inyo eh" sabi ko at naghihintay lang naman ang dalawang ito na magkwento ako. "Umalis ako noon, para iwan ang asawa kong ipinagkasundo sa akin ni Lolo at para sumama kay Peter."

"Ano?!" Sabay nilang sabi

"Ibig sabihin hanggang ngayon may relasyon ka pa dun sa mayabang na Peter na yon?? At ipinagpalit mo doon yung asawa mo?!" Biglang tanong nitong si Elaine.

"N-nung mga panahon na kasi nayun, ayokong makulong sa kasunduan na yun ni Lolo. Pumayag lang akong magpakasal dahil kailangan ko lang sundin ang gusto ni Lolo.

Kaya nagdesisyon akong sumama kay Peter sa Amerika ilang linggo pagkatapos ng kasal ko." Nahihiya akong magkwento dahil alam ko na sasabihin nila na mali ang ginawa ko.

Hindi ko alam kung paano akong nakakapagkwento sa kanila na hindi binabanggit ang pangalang 'Stell'. Kahit kailan hindi pa nila nakita si Vester pero alam nila na ito ang napangasawa ko. At isa pa, kilala nila ito bilang Vester at hindi bilang Stell na kilala nila ngayon bilang member ng SB19.

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now