23

60 3 0
                                    

STELL's POV

"Papa are you okay?" tanong sa akin ni Star, naiwan kaming dalawa dito sa kwarto dahil inihatid pa ni Vien sa labas yung Spencer na yun.

"Oo naman" sabi ko pero ang totoo, nakakaramdam na ako ng inis, boyfriend? nakuha pa niyang mag-boyfriend talaga?

"hmm... Youre lying, look oh!" Sabi ni Star at nagulat ako nang
wala nang natira sa tinatalupan kong apple.
"Ay! Sorry Nak"

"You're Jealous po no?"
"Ha?! Ako? Of course not. Anak, wala sa dugo natin ang nagseselos, pinagseselosan pwede pa!"
Kaya siguro ayaw niyang pumayag na tumira sa Condo ko. Dahil gusto niyang tumira kasama yung Spencer na yun!

"Hmmm.. another lie!" "Ganyan din po ako before eh, nagselos din po ako before kay tito Spencer"
"Anak, matagal na ba sila ha?" tanong ko kay Star. Napapamilyaran ko yung Spencer na yun eh! At naalala ko na siya yung lalaking nagbigay ng mango graham shake noon kay Vien nung nagpunta kami sa Davao! Paano silang nagkita ulit? Stalker kaya siya ni Vien bago siya naging boyfriend nito? Di kaya masamang tao yung Dispenser na yun?

"Hmm..they knew each other since nung bumalik po kami ng America kasama ni Lolo Dad!"

"G-Ganun na sila katagal magboyfriend-girlfriend"

"Hmm..not sure, kasi po nung una, they always deny it po eh, kaya nung sinabi po nila yung tungkol sa kanila, we accepted it already. Hindi naman na po nakakagulat." Sabi ni Star habang pinupunasan ang bibig nito.

"Pero nak, sayo okay lang? N-na m-may b-boyfriend ang Mama mo?" tanong ko sa kanya.

"Hmmm. Okay lang naman po Papa. before ayaw ko sanang pumayag, kaya lang when Lolo Dad tell me about your situation with Mama na baka hindi mo naman po siya love, okay na din sa akin na may boyfriend siya, atleast Tito Spencer love him."  Yun na nga ang problema, Mahal ko si Vien. Anong gagawin ko.? Akala ko naman mabubuo ko na ang pamilya ko. tapos bigla namang eentra 'tong asungot na Spencer na 'to. Kainis!

Maya-maya ay dumating na si Vien galing sa labas. Nakatingin lang siya sa akin at pilit na ngumiti pero hindi ko naman siya pinansin.
"Nakalis na si S-Spencer." sabi nito habang inilalbas ang pinamili niya sa labas.

"Wala namang nagtatanong, ikaw anak nagtatanong ka ba?" baling ko kay Star. Pakialm ko naman kung nakaalis na siya, dapat nga di na siya bumalik

"Ahm, Vester, yung tungkol kay Spe--"

"Wag ka nang magpaliwanag!" sabi ko. Naramdaman ko naman na nagulat sila ni Star sa sinabi ko. Pero expression ko lang naman yun. "Narinig naman naming lahat na boyfriend mo siya, kaya pala ayaw mong tumira sa Condo ko."

"Well malas mo, dahil whether you like it or not Star will be staying at my Condo." hindi ako papayag na lalayo kayo sa akin ng anak ko. "Ngayon kung gusto mong tumira kasama yung dispenser na yun, este Spencer pala, edi dun ka na" Tignan natin, alam kong hindi niya kakayanin na mahiwalay kay Star.

"Huh?wala naman akong sinabing titira ako kasama si Spencer ah" kunot na noong sabi nito.

"Ayoko lang na tumira kami sa Condo mo, dahil anong iisipin ng ibang tao? Tsaka pwede ba, pag gagawa ka naman ng desisyon para kay Star, isama mo naman ako!" nararamdmaan ko na naiinis na siya! "Nanay ako baka nakakalimutan mo?!"

"At tatay ako baka nakakalimutan mo rin?!" sabi ko.

"Are you two fighting?" inosenteng tanong sa amin ni Star.

"No!"-Vien
"Hindi"-Ako

"Okay." yun lang sabi ni Star at nagpatuloy sa pagkain ng apple.

Nakauwi na kami sa Condo at walang nagawa si Vien kung hindi tumira doon syempre. Pero ngayon ay umuwi sila ni Star sa Rizal para dalawin at kamustahin si Lolo C.

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now