VIEN's POV
"Vivienne Marie naman! Hindi kita pinayagan na pumunta rito sa America para lang magpabugbog sa lokong Peter na yun. At muntik pa niyang saktan 'tong Apo ko! And you didn't tell me?" Sermon ni Mommy sa akin. Dito ako tumuloy sa kanya pagkatapos naming umalis sa bahay.
"Mom, i thought i can control the situation. I thought Peter would learn to love Star."
"Pero hindi, becuase of one thing, Star is Stell's son and not his, Anak dapat nung sinasaktan ka pa lang niya bumitaw ka na. Hinayaan mong gawing punching bag ng lokong yun yang katawan mo. Kapag nalaman pa to ng Lolo mo hindi lang siya ang mayayari. Pati ako." Nag-aalalang sabi ni Mommy.
"Anak, nag decide akong pumunta ka rito dahil sa pag-aakala kong sasaya ka rito. Kasi alam ko ang pakiramdam ng kino-control ang mga sariling desisyon. I've been there. Pero kung alam ko lang na masasaktan ka, sana hindi na lang kita kinunsinting pumunta pa rito kasama ni Peter."
"Umamin ka nga sakin Nak, Sigurado ka bang si Peter pa rin ang mahal mo nitong nagdaang taon o si Stell na?" tanong niya sa akin.
"M-Mommy? W-What are you talking about?"
"Akala mo ba hindi ko napapansin? Vien, I'm your Mom, alam ko kung kelan ka nagsasabi at
Hindi nagsasabi ng totoo.""Mommy naman" pagkontra ko
"Pakiramdam ko, kaya mo na lang pinakikisamahan si Peter is becuase pinaninidigan mo na lang ang desisyon na ginawa mo few years ago. Kung talagang mahal mo si Peter hinayaan mo na sana siyang dispatchahin yang anak mo pero hindi mo ginawa.
At isa pa, kung talagang hindi mo mahal si Stell, sana pagkadating na pagkadating mo pa lang rito ay nag file ka na agad ng Divorce. Pero,hindi.mo.pa.rin.ginawa." pilit talaga akong hinuhuli ni Mommy.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, tama naman lahat ng sinabi sa akin ni Mommy.Siguro nga......
"Siguro nga Mommy, mahal ko na si Stell bago ko pa siya iwan noon." Sabi ko sa kanya. Medyo nagulat pa ako na nasabi ko ang naiisip ko.
"So, anong balak mo? Babalik ka dun? Ang tanong may babalikan ka pa kaya?" Napatingin ako kay Mommy. At napaisip rin ako.
'Bumalik man ako doon, walang kasiguraduhan kung may tatanggap pa sa akin doon, kung tatanggapin at patatawarin niya pa ako'
Nang lumipas pa ang isang taon, nagdecide akong bumalik ng Pilipinas, dahil walang mag-aasikaso sa business ni Lolo. Pinakausapan niya si Mommy na ito ang ang mag manage ng business namin pero dahil busy rin ang Mommy ko sa Cosmetic line business niya sa States kaya sinabi ko na ako na lang. Iniwan ko muna pansamantala kay Mommy si Star na Three years old na ngayon.
"Vivienne Iha!" Salubong sa akin ni Manang Ason kakauwi ko lang galing ng airport.
"Manang,kamusta na po?" Pagyakap ko naman sa kanya.
"Lalo kang gumaganda Iha ha! Ang Mommy mo kamusta na siya?"
"Okay lang naman po, nag-aalaga po ng a---" natigilan ako. Hindi pa ako ready na sabihin sa kanila ang tungkol kay Star. Lalo na kay Lolo, paniguradong kapag nalaman niya yun ay malalaman na din ni Stell at ng pamilya niya ang tungkol sa bata.
"A lots of plants po. Hehe... Manang s-si Lolo po?"
"Naroon sa Kwarto niya. Lakad puntahan mo na. Matagal na niyang hinihintay ang pagbabalik mo." Sabi ni Manangbat umakyat na ako sa kwarto ni Lolo.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pihitin ang doorknob papasok sa loob ng kwarto ni Lolo.
Nakita kong bahagya siyang lumingon kaya naman siguradong alam niya na nandito ako.
"Buti naman naisipan mo pang bumalik," malumanay na sabi ng Lolo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita kaya nakatungo lang ako.
" Matalik kong kaibigan si Juaning noong kabataan pa lang namin, sa aming dalawa, sadyang siya ang bugnutin at ako naman ang maloko. Pero kahit ganoon mas pinili ko pa rin siya na maging kaibigan ko hanggang sa nagkaroon na kami ng sariling pamilya. Nang mamatay ang lola mo sa panganganak sa Mommy mo, inisip ko agad kung paano na ang magiging buhay ng Mommy mo, natakot ako na baka isang maling desisyon lang ay masira ang buhay niya, dahil pakiramdam ko noon, hindi ko siya kayang palakihing mag-isa."
"Halos ka edaran niya lang din noon ang Panganay na anak ni Juaning si Jun, naging matalik na magkaibigan rin si Jun at ang Mommy mo, pero hanggang doon lang yun. Isang beses ay nalulong si Juaning sa pagsasabong, pinagbantaan siya ng mga pinagkakautangan niya na susunugin ang bahay nila kung hindi ito makakabayad sa pagkakautang. Bilang kaibigan, binayaran ko ng buo ang pagkakautang nila. Pero ang totoo, wala naman sa akin yun, pera lang naman yun pwede pa rin namang kitain.Dahil nga sa maloko ako, biniro ko si Juaning na kung gusto talaga niyang makabayad ay ipakakasal niya ang anak niyang si Jun sa Mommy mo."
"Hindi ko sukat akalain na seseryosohin ito ng lokong yun. Hindi sumang-ayon si Jun at ang Mommy sa kasuduan na yun. Hanggang sa takot ng Mommy mo na ipapakasal ko siya kay Jun ay nagtanan sila ng nobyo niya noon. At yun and Daddy mo." Nag umpisa nang tumulo ang luha ko dahil alam ko na ang susunod na ikukwento ng lolo ko.
"Dahil sa takot sa responsibilidad ang Daddy mo, pinabayaan niya ang Mommy mo habang nagbubuntis ito sayo. Sobra ang pagsisi ng Mommy mo noon. Pero napatawad ko na siya hanggang sa dumating ka sa buhay namin." Pag- angat niya sa mukha at ngayon ay kaharap ko na si Lolo.
"Inalala pa rin ni Juaning ang pagkakautang niya sa akin.Ang Kulet niya eh!Kaya suhestyon niya na ipakasal si Stell sayo. Pero ang sabi ko ayoko na, kasi natatakot ako na baka magaya ka sa Mommy mo." Mas lalong tumindi ang emosyon na nararamdaman ko dahil pilit kong sinisisi si Lolo noon sa kasunduan ito yun pala ay tinanggihan na niya iyon.
"Pero, may nakapag sabi sa akin na may nobyo ka raw sa inyong eskwela. May inutusan ako para magtanong tanong kung anong klaseng tao ba ang nobyo mo. At base sa napag alaman ko, isa itong bully,mabisyo at mapagmataas. Sa kabilang banda naman, nakilala ko si Stell bilang mabait na bata, mataas ang respeto sa nakakatanda,maalaga at masayahing tao. Kaya naman kahit nagdadalawang isip ako, ay muli akong pumayag sa kasunduan namin ni Juaning. Nakikita ko kasi na mas magiging maayos ang buhay mo kung ang katulad ni Stell ang makakasama mo at magmamahal sayo."
"Lo..." Patuloy akong umiiyak dahil sa konsensya nararamdaman ko. Ngayon ko lang nalaman na masyado akong naghangad noon ng mga taong magmamahal sa akin, pero ang totoo nasa paligid ko na pala sila, malapit na pala sila sa akin. Ako lang ang lumayo.
"Pero nagkamali na naman ako." Sabi nito. Umiling iling lang ako dahil nasasaktan ako na sinisisi ni Lolo ang sarili niya sa nangyayari.
"Sa, pagkakataong ito, hindi lang ikaw ang nasaktan at nahirapan sa sitwasyong ito Apo, maging siya rin. Kaya patawarin mo ako." Sabi ni Lolo wala na akong magawa kundi yakapin si Lolo. Hindi ko akalain na siya pa ang hihingi ng tawad sa lahat nang nagyari gayong ako naman talaga ang may kasalanan at umalis nang walang paalam.
STELL's POV
"Pasensya na talaga kayo kanina ah. napagkamalan ko kayo. Anyway I'm
Eirine, pamangkin ako ng may-ari ng apartment na'to." Pagpapakilala ng babaeng ito na napakisiyuan na mag asikaso sa amin sa bagong apartment na nilipatan namin.Hindi ko alam, kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita. She look familiar pero hindi ko matandaan kung saan.
Nang makaakyat na kami sa kwarto nag uumpisa na akong mag ayos ng gamit. Kasama ko na nga pala si Josh dito sa kwarto. Si Jah at Ken sa kabila tapos solo naman ni Pablo yung isang kwarto sa dulo.
"Nextweek na pala yung Concert Tour natin sa LA no?" tanong sa akin Josh
"Ah, oo nga eh mag eempake----ay nahulog ano ba yan!" Nahulog yung isang small box na nasa ibabaw ng table. Isa-isa kong pinulot ang mga nahulog mula sa box na yun at ibabalik na sana nang maagaw ng atensyon ko ang isang papel. Ito yung sulat na iniwan sa akin ni Yen nung araw na umalis siya. Umiling iling na lang ako at saka ibinalik iyon sa loob ng box.
....to be continued...