STELL's POV
"Sigurado ba kayo sa gagawin natin ha?" nag-aalalang tanong ni Ken. Nandito kami sa isang coffee shop sa Makati. Sabi ni Pablo, sinabi daw sa kanya ni Polly na pupunta daw sila dito para makipagkita Kay Vien dahil kadarating lang nito galing sa Amerika. Tama nga si Justin.
"Pwede ba Ken? sumama ka na lang, if we all know kaya ka rin sumama sa amin kasi pupunta din rito si Elaine, kunyari ka pa!" sabi nito ni Josh.
"Kailangan ba talagang ganito ang suot natin? Hindi ba parang mas kahina-hinala tayo nito.?" tanong ko, paano ba naman kasi para kaming mga Goons. mga naka black lahat kami. From cap,mask, hood jacket at mga naka shades pa sa katirikan ng araw! talaga ba? naalala ko tuloy na ganito din yung mga hitsura namin nung araw na lumipat kami noon sa apartment.
"Okay lang to kesa makita nila tayo edi mabubuko agad tayo, tsaka baka mamaya may A'tin na makakita sa atin dito edi nahuli tayo!" sabi naman ni Justin.
"Kayo ha, siguraduhin niyo lang magiging maayos tong plano natin na to, kapag tayo nahuli, at inaway ako ng asawa ko, isang buwan kayong walang sahod!!" sabi naman nitong si Pablo.
"Hahaha! oo ba! basta ikaw rin walang sahod!"natatawang sabi naman ni Ken. " Pero Dre, anong gagawin mo kung mapapatunayan mo ngang may anak kayo ni Vien.?" tanong nito sa akin.
"Simple lang, Gagawin ko yung dapat noon ko pa ginawa." sabi ko. Sinisigurado ko na hindi ka na makakalayo sa akin ulit Vien.!
"Mga Dre, nandyan na sila!" sabi ni Josh umayos na kami ng upo at inayos ang mga shades namin. nandito kami sa pinakadulong part ng Coffee shop. Sigurado naman kaming hindi sila pupwesto sa ganito. Sa pagkakakilala namin sa kanila mas gusto nilang pwesto ang nasa tabi ng glass window. At hindi naman kami nagkamali.
"Im excited to meet Tita Vien!" excited na sabi ni Polly. 'Ako rin.' Naunang dumating ang mag-iina ni Pablo.Si Polly na winawagwag ang mga binti at si Pollo naman na nakasuot ng headphone at may pinanonood sa Ipad nito.
"Tita Elaine!" dinig naming tawag ni Polly kay Elaine.
"Sinabi ko nang wag magsusuot ng short sa labas eh, ang tigas talaga ng ulo.!" dinig naming sabi ni Ken. Nakasuot kasi si Elaine ng loose black tshirt naka-cap na white, Khaki na short at naka-white na rubber shoes.
"Hala, Boyfriend ka Dre?" pang-aasar naman nitong si Justin. Akmang sasakalin ni Ken si Jah pero sinaway sila ni Pablo.
"Wag kayong magulo! Baka makita nila tayo!" sabi ni Pablo na takot na takot na mahuli ng asawa niya.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng marinig naming tumunog ang wind chime, ibig sabihin may bumukas ng pinto.
"Si Tita Vien!" sigaw ni Polly napatingin naman kami sa pintuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang taon ko din siyang hindi nakita. Ang laki na ng pinagbago niya pero at itsura niya ang ganon pa rin at hindi nagbabago.
Nakasuot ito ng dark green suit and short at naka-white na sando may suot din itong designer bag at naka heels. Sobrang laki na nang pinagbago niya. Umupo ito sa tabi ni Pollo at hinalikan ang noo nito.
"How are you sweetheart?" tanong nito kay Pollo at nag thumbs up lang ang bata. "Hi there Baby Polly, kamusta ka na?' tanong naman nito kay Polly na palinga linga sa paligid. "Im very Okay po Tita Vien.!" sabi nito at nginitian lang si Vien.
"Oh hindi mo siya kasama?" tanong ni Elaine kay Vien. Hindi naman sumasagot si Vien. Lahat kami ang hinhintay ang sagot niya ng biglang may pumasok ulit sa pintuan ng Coffee Shop!
"Kuya Star!" sigaw ng kambal. Napalingon naman doon ang tinawag nila dahil sa pagkawaay nila sa batang kakapasok lang.
Matangkad ito sa natural na 10 years old. Maputi, nakasuot ito ng white na shorts, naka suot ng black loose polo na naka unbuttoned ang dalawang butones sa taas. Naka suot ito ng White cap at naka shades!.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ito ba yung binabanggit ni Pablo, na kahit hindi ko kilala ng personal ay nararamdaman kong konektado kami sa isa't isa. Hindi ko pa man nakikita ng tuluyan ang itsura ng batang ito ay may iba na akong nararamdaman.
"OH MY GOD!! Ito na ba ang Baby Star namin?"tanong ni Elaine. Sabi nito at gulat na gulat na makita si Star.
"Star? Ikaw na ba talaga yan? Binata na ang baby namin" sabi naman ni Eirine at humalik ito kay Star.
"Hoy,Hoy anong binata kayo diyan, Baby ko pa rin yan no!," sabi ni Vien.
"Kuya Star! Come sit beside me po!" makulit na pag-yayaya ni Polly. Agad namang umupo si Star sa tabi ni Polly.
"Anak, remove your cap and shades, masyado kang gwapo diyan" sabi ni Vien. At bumilis ang tibok nang puso ko nang makita ang hitsura ng batang si Star. Para akong nananalamin!
"Dre,kamukhang kamukha mo nga!" Sabi ni Josh.
"Anak mo nga yan Stell." Paninigurado ni Pablo.
"Kuya, you know what we already meet our Daddy! diba Kuya Pollo?" sabi nito at baling nito kay Pollo at tumango lang naman ito. Nakita naman namin kung paano nagbago ang reaksyon ang mukha ni Star.
"And guess what?! He is the leader of SB19! So cool diba? diba you're into that group also?"
"Ahm, Yeah, I-im glad that you already m-meet your Dad, I-im h-happy for both of you." sabi nitong si Star pero bakas pa rin ang lungkot sa mukha nito.
Mukhang naramdaman naman ng batang si Polly na natigilan si Star dahil sa topic na ito.
"Dont worry Kuya Star, who knows, one of these days you will meet your Daddy na din." sabi ni Polly habang tinatapik ang balikat ni Star. 'Ang cute'
HIndi ko namalayan na may tumutulo na pa lang luha sa mga mata ko. naramdaman ko ang pagtapik ni Pablo sa balikat ko.
"I hope so." matipid na sagot ni Star. Natigilan naman ang mga babaeng kasama nila kaya nagsalita na si Elaine para ma divert ang usapan.
"Ahmm, order na tayo?" sabi ni Elaine. Sumama naman ang tatlong bata kay Elaine sa pagpunta sa counter para um-order. Samantalang naiwan naman si Eirine at Vien sa table. Kahit na nasa dulo kaming part ng coffee shop rinig pa rin naman namin ang usapan nila dahil hindi naman kami masyadong kalayuan mula sa pwesto nila.
"Vien, alam mo, ayoko sanang makialam ha, pero Star needs to know the truth." sabi ni Eirine nakita ko naman na napayuko si Vien." and even Stell has to know about this." sa sinabing yun ni Eirine, nakumpirma ko na sa sarili ko na Ako nga ang Ama ni Star.
"Mars, God knows kung gaano ko gustong makilala nila ang isa't isa. I even tried to tell it to Vester before." sabi ni Vien
"Kailan nung narinig mo sila nila Justin nag-uusap sa ospital nung naaksidente si Pau."
"Masisi mo ba ako? syempre nasaktan ako sa narinig kong sinabi ni Stell sa akin. Ang sabi niya wala na siyang pakialam sa akin. Eh kung sa akin pala wala siyang pakialam paano pa kaya kung sasabihin kong may anak kaming dalawa." nagkatinginan lang kaming lima habang nakikinig sa usapan nila.
"I understand you. Pero Vien, its been ten years! sampung taon nang walang kaalam alam ang asawa mo na nagka-anak kayo!" hindi na ako nagulat sa ideya na may anak kami ni Vien. Pero para i-address ako bilang asawa niya dun ako nagulat.
"At isa pa, you didn't even file the divorce papers diba? what if kung maisipan ni Stell na magpakasal sa iba? Paano ka na? Paano na yung anak mo?"
"I-I dont know--" hindi na nila natapos ang pag-uusap nila dahil dumating na si Elaine at ang mga bata.
"Mama, are you okay po?" tanong ni Star kay Vien.
"Ofcourse Anak. ofcourse." ani VienHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya ngayong nakikita ko si Vien at anak ko. Pero hindi ako papayag at hindi ako makukuntento lang na tignan sila sa malayo.
....to be continued...