VIEN's POV
Papunta ako ngayon ng Ospital ilang araw na ang lumipas nang malaman naming naaksidente si Pablo, kahit kami ni Elaine ay walang ideya kung nasaan si Eirine. pilit namin siyang tinatawagan pero laging out-of-coverage saan naman kaya nagpunta ang babaeng yun.
Nandito na ako sa ospital at papunta na sa room ni pablo, makikibalita rin sana ako kung na-contact na nila si Eirine. At isa pa, kailangan kong makausap si Vester tungkol kay Star.
Nakita ko sina Stell,Josh at Justin sa tapat ng room ni Pablo na nag-uusap.''Kaya nakakatakot magmahal."narinig kong sabi ni Justin. Halos nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako pansin.
"Bakit? totoo naman diba Stell.? Ikaw, sobrang saya mo nung nagpakasal ka kay Vien. Tapos two weeks after devastated ka dahil umalis siya without telling you the reason kung bakit ka niya iniwan." nakita ko naman na walang reaksyon ang mukha ni Vester, tungkol saan ba ang pinag-uusapan nila.?
"Bakit ba ako nasali sa usapan na to ha? W-wala na akong pakialam kay Vien, simula nang iniwan niya ako, tinatak ko na sa isip at puso ko na kalimutan na siya." parang gumuho ang mundo ko sa narinig kong lumabas na salita sa bibig niya.
"Akala ko ba okay na kayo nung nasa resort? diba nagpaka- possesive ka pa nga nung nag suot siya ng swimsuit diba?" Naalala ko kung paano siyang inis na inis at galit na galit nung araw na yun.
"W-wala lang yun no. K-kinalimutan ko na yun. Tsaka sinubukan ko lang naman siya nun kung b-bibigay siya sa gagawin ko." parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko. paulit ulit na nag- echo sa akin ang sinabi ni Vester ngayon lang.
'sinubukan ko lang naman siya kung bibigay siya sa gagawin ko'
"Vien?" sa palagay ko ay nakita na ako ni Josh. Nakita ko na nagulat at napatayo mula sa bench si Stell. Nakatingin lang ako ng deretso sa mata niya at unti-unti nang lumabo ang paningin ko dahil sa luhang pumatak mula sa mga mata ko.
Mga ilang segundo pa baka ko maisipang talikuran sila.
"YEN!! Vien! Sandali lang! VIVIENNE!" rinig kong tawag sa akin ni Vester pero wala akong pakialam, sobrang sakit ng nararamdaman ko at gusto ko na lang ay umalis sa lugar na to.
Nandito na ako sa may elevator pero mukhang nasa baba pa yata ito kaya nagdecide akong sa may hagdanan na lang dumaan. Maya maya pa naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"Yen! sandali mag-eepla---" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong sampalin siya.
"I knew it! I knew it!" sabi ko sa kanya habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko
"Sabi ko na nga ba at pinaglalaruan mo lang ako eh!""Vien, hindi, it's not what you think."
"STELL!! Stop Lying! Pwede ba? Narinig ko lahat ng sinabi mo!"
"H-hindi ganun yun. Please makinig ka mun---"
"Hah! Masaya ka na ba ha? Ano 'to ginagantihan mo ba ako?"
"Of course not--"
"Kaya pala! Kaya pala after what happened that day, iniiwasan mo ko! becuase this is part of your f*ck*ng plan all along!" nahalata ko ang gulat sa mukha niya, siguro kasi hindi niya aakalain na magsasalita ako ng masama
"Vester! God knows how regretfully i was when i left you five years ago! Maayos akong tao na lumapit at humingi ng tawad sayo! Hanggang kailan ko ba pagsisihan yung ginawa kong pag-iwan sayo ha? Hanggang kailan? Sabihin mo sa akin, sumagot ka Vester! Hanggang kailan!" sabi ko habang sinusuntok ang dibddib niya at umiiyak ng husto sa harap niya.