26

97 5 0
                                    

VIEN's POV

"Mahal saan mo ba 'ko dadalhin?" tanong ko kay Vester. Nandito kami ngayon sa kotse at papunta sa kung saan.

"Basta, Mahal relax lang diyan, tulog ka na lang muna, gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo." sabi nito. Hinayaan ko na lang siya sa plano niyang gawin. Gusto ko sanang isama si Star, kaso nagsabi ito na magpapaiwan na lang daw siya  sa bahay ng Lola My niya.

"Mahal,,, Mahal nandito na tayo." pag gising sa akin ni Vester. Nagpupuungas pa ako at inaalam kung saan ba ako dinala nitong asawa ko.

"Beach? Mahal, anong gagawin natin dito? Sana sinabi mo sa akin na dito tayo pupunta para napilit natin si Sta--" hindi ko naman naituloy pa ang ssabihin ko, dahil nagsalita siya

"Mahal, baka naman pwedeng masolo kita ngayon. Next month may World Tour na naman kami, ilang linggo na naman kitang hindi nakakasama." sabi nito habang naka-pout pa ang labi.

"Nagpak-cute ka pa talaga ha!? Sige na nga." sabi ko, kitang -kita naman ang tuwa sa mukha ni Vester at tsaka umabas.

Nang makapasok kami sa loob ng resort, napansin ko kaagad na walang katao-katao dito kundi kaming dalawa lang.

"Mahal, bakit walang tao dito? Bakit parang tayo lang?" tanong ko sa kanya. Nakabukas naman ang lahat ng ilaw ng resort. Naka-set up ito na parang normal na gabi lang, pero wala talagang katao tao.

"Nirentahan ko kasi to haha!"

"Ano?! Vester. Hindi mo naman kailangang gawin yun." hanggat maari ayokong gumagastos ng malaki si Vester. Lalo na kung para sa akin lang naman. Hindi naman ako materialistic na tao. At sa hirap ng buhay  ngayon sayang ang pera. Inisip ko tuloy na sobrang mahal siguro ng ibinayad niya dito sa resort na ito. Dahil mukhang private resort itong pinuntahan namin.

"Alam ko Mahal, na ayaw mo akong gumagastos nang ganito. Pero promise last na to." sabi nito. Niyaya naman niya ako sa may dalampasigaan. Nang makarating kami roon tsaka ko lang napansin ang Yate na nandoon at punong puno iyon ng ilaw.

"Tara?" pagyaya nito sa akin agad ko namang tinanggap ang kamay niya at tsaka mag umpisang umakyat sa Yate, pero may naalala lang ako.

"Wait Mahal, marami bang stocks ng mineral water dito?" natatawang tanong ko. Naalala ko kasi nung gabing ikinasal kami ay walang inuming tubig at puro tonic lang ang nandoon. Lumakas naman ang pagtawa niya.

"Oo naman Mahal, kaya lang may tonic rin diyan sa loob just in case, haha!" sabi nito. Natawa naman kaming pareho at sabay nang umakyat sa yate.

Nang makaakyat na kami,naramdaman ko na unti-unti nang umandar ang yate papalayo sa dalampasigan. Nang nasa kalagitnaan na kami ng kawalan. Niyaya ako ni Vester na umakyat sa deck ng Yate. Nagulat ako ng makita ko kung gaano kaganda ang set up noon. Para kaming magpipicnic sa ilalim ng maliwanag na buwan.

May mga wine glass, pagkain, gitara at bulaklak. Hindi ko tuloy maisip kung paano niyang naplano ito lahat samantalang kung hindi siya busy bilang SB19 eh laging kami ni Star ang kasama niya.

Umupo na kami sa naka- set up doon. Kumain kami habang binabalikan ang panahon ipinagkasundo kami noon ng mga lolo namin sa kasal namin noon.

"Hahaha Alam mo ba sabi ko pa nun kay Mama na baka mukhang engkanto yung ipapakasal s akin ni Lolo haha araaaay Mahal." sabi nito kasi piningot ko ang tenga niya dahil sa mga sinabi niya.

"Ahh ganon ha, engkanto pala!"

"haha pero mali pala ako, Engkantada pala,, Sanggre yarn? haha" natatawang pagbawi nito sa akin.

"Ako nga ayaw kong pumayag noon kasi sabi ko baka mukha kang kokak eh haha!" natatawang bawi ko naman sa kanya. Nag-iba naman ang reaksyon ng mukha niya sa sinabi ko pero hindi ako nagpasindak "Kero keropi is that you? HAHAHA!" natatawa akong lalo pero hindi na niya napigilan ang sarili niya at natawa rin sa mga sinabi ko.

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now