( 6 YEARS LATER)
"Talagang nasa Pilipinas na tayo, Traffic na eh AHAHAHA" sabi ni Lolo, nandito kami ngayon sa taxi at papunta na ng Rizal.
"Lolo Dad, can we go to the MOA Arena nextweek?" tanong naman sa kanya ni Star na nakasuot ngayon ng headphone. He's 10 years old now, sobrang bilis ng panahon. Konti na lang at mas matangkad na siya kesa akin. Nagmana kasi siya sa papa niya na matangkad din. At habang tumatagal mas lalo siyang nagiging kamukha ni Vester.
"Bakit?ano bang meron dun Apo?" si Lolo naman ay parang hindi tumatanda, palibhasa si Star ang laging kasama, sa lumipas na mga taon, lagi silang nagbo-bonding ni Star kaya bihira na rin hanapin ni Star si Stell. Dahil siguro, nakahanap na siya ng father figure Kay Lolo Condrad.
"SB19 will be having their concert there nextweek. Actually, nagpareserved na po ako ng VIP Seats hehe." sabi nito at nakaloko pang tumingin sa akin.
"STEVEN STAR! Kelan ka pa natutong magdecide ng hindi nagpapaalam ha? VIP seats talaga ha?At saan naman galing yun?" sabi ko sa kanya at napapakamot na lang siya sa ulo.
"Syempre sa akin! WAHAHAHAHA!" tawang tawa namang sabi ni Lolo at naki pag apir pa sa Apong si Star.
"Lo, lagi mo na lang kinukunsinti yang mga trip ng apo mo!" ssabi ko naman, kasi naman, pakiramdam ko nababalewala ang mga sinasabi ko sa anak ko kapag kinontra na yun ni Lolo. Lagi na lang silang magkakampi na dalawa!
"Hayaan mo na Vien, ganyan ka din naman noon eh, kapag nagrerequest ka, at ayaw kang payagan ng Mommy mo, ginagawan ko din naman ng paraan hindi ba? HAHAHAHA"
"Pero Lo, concert yun! Crowded place. Paano kung mapaano ka dun?" nag aalala lang naman ako
" Vien, malakas pa ako Apo. diba Star? Ano nga yung Step nung lagi mong kinakanta Apo?"
at kumanta naman si Star."Where you at?
There's no groove within this music
No sign of your heartbeat in it, I'm alone, yeah
So sad, will I ever get connected?
'Cause you're already embedded in my heart and soul, yeah""Yeah! HAHAHAHA! oh hindi ba? sabi na sayo eh" sabi pa ni Lolo.
"Mama, sige na po Please, pumayag ka na."sabi nito habang nakayakap pa sa may bewang ko.
"Diba hindi ako nakapunta noon sa Concert nila sa Boston, kasi may exam ako that time sa School, Sige na po Mama pleease." pagmamakaawa naman nito. Alam talaga ng batang ito kung paano ako mapapayag sa gusto niya."Tignan mo yang anak mo, kapag ganyan ang itsura niya pag nagmamakaawa, may kamukha ano? HAHAHAHA!"
"Lo!?" Saway ko kay Lolo, nakita ko naman na natigilan si Star. Lagi na lang siyang natitigilan kapag alam niyang mapag uusapan ang Papa niya.
Ang laki nga nang naging pagtataka ko, dati laging nangungulit si Star na magtanong about sa Papa niya, pero simula nang bumalik kami sa Amerika, bihira na siyang magtanong tungkol dito.
STELL's POV
"Boys get ready in 10 minutes mag-start na tayo." sabi ng Staff amin. Were having our concert tonight at gaya nang inaasahan sobrang dami ng tao.
bago kami tuluyang pumunta back stage. Chineck ko muli ang cellphone ko. Inalam ko kung may tawag o text man langsa akin si Lolo C. I check even my social media account at tignan kung may chat siya dun, pero bigo ako.Sa lumipas na taon, pilit kong inaalam kung nasaan na si Vien, kinontact ko nun si Lolo C. Pero ang sabi niya sa akin ay hayaan ko na lang muna daw si Vien at si Lolo na ang bahala rito.
Naiintindihan ko kung galit din sa akin si Lolo dahil sa ginawa ko kay Vien kasalanan ko din naman kung bakit siya lumayo. Ang pinag-kaiba lang, noon hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-alis niya. Pero ngayon sigurado ako na umalis at lumayo siya dahil sa akin.
YOU ARE READING
My Secret Marriage With Stell Ajero
ספרות חובביםMY SECRET MARRIAGE WITH STELL AJERO