TWELVE

60 3 0
                                    

VIEN's POV

"Ano naman ang gagawin ko dun?" Pinipilit kasi akong isama nitong dalawa kong kaibigan sa Davao. Dahil may gagawin daw na shoot doon ang SB19.

"Syempre, magsu swimming tayo dun noh, tsaka malay mo magkabalikan kayo ni Stell kapag nakita ka niyang magbikini---aray ko naman!" Reklamo nito dahil hinila ko ang buhok niya.

"Vien, sumama ka na please. Matagal na rin naman simula nang magbonding tayong tatlo ng ganito. Sumama ka na please." Sabi naman ni Eirine. Sabagay tama siya matagal na rin simula ng magbonding kami.

"S-Sige na nga!" Kahit nag -aalangan ay pumayag na rin ako. Ang totoo ayaw kong sumama dahil syempre nandun si Stell. Pagkatapos naming mag usap ng gabing yun ay parang gusto ko na lang lumayo. Dahil abot abot ang pagkahiya ko sa ginawa kong pag iwan sa kanya noon.

Dumating na kami dito resort. Nasa kagitnaan na yata sila ng shoot ng makarating kami rito. Nagdecide muna kami na umupo sa isang table dito. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong nakatingin sa akin si Stell. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya umiwas na lang muna ako sa kanya ng tingin.

"Alam mo ba na kasama nila yang Tanya na yan?" tanong ni Elaine kay Eirine na tahimik lang sa tabi. Naka isang taon na din silang dalawa ni Pablo. Nakakatuwa na sinusuportahan ni Eirine ang industriyang ginagalawan ng boyfriend niya.

Isang taon na rin simula ng bumalik ako galing ng States. Marami na rin ang nangyari pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ni Stell ang huling pag-uusap namin ay nung birthday pa ni Eirine.

Malapit na rin ang birthday ng anak kong si Star. Ang bilis ng panahon at magfo-four na siya ngayon. Miss na mias ko na ang anak ko. kapag natapos ko na ang inaaaikaso ko sa busisness ni Lolo ang balak kong bumalik na sa States para makasama ko na ang anak ko.

During shooting yung babaeng kasama nila, It's Tanya if i'm not mistaken, had out of control with her balance and grip Paulo's arms and they accidentally kissed. Opps.

Everyone was shocked pero kalaunan ay may mga kinilig din without knowing that Pablo's girlfriend was actually here.

Nag-aalala kaming tumingin kay Eirine. Ofcourse she will be jealous, Girlfriend siya eh. Ang another thing, this Tanya girl looks like she has her agenda.

Wala kaming nagawa kundi ang sundan si Eirine. Nang makalabas kami ng entrance ng resort , sakto naman na may taxi na kababa lang ng pasahero. Nagdere-deretso si Eirine at Elaine sa loob at ako naman ay doon na dumeretso sa pasenger seat sa katabi ng driver.

"Manong, sa The Grid po tayo" sabi nitong s Elaine. Nagtataka naman akong nilingon siya.

"Hoy! Elaine Grace! Saan yun? tsaka bakit may alam ka sa lugar na to?"

"Bar yun, Syempre iinom tayo no! Nasearch ko na 'to kaya alam ko yun."

"Ano ka ba naman! Imbis na i-comfort natin si Eirine talagang nagyaya ka pang uminom ha?"

"Exactly! kino-comfort ko nga, kaya nga niyaya kong uminom. Tsaka hayaan mo silang maghanap sa atin."

Sumasakit ang ulo ko dito sa babaeng 'to. Hinayaan ko na lang kung saan at anong balak na gawin nitong dalawa na'to. Sumama na lang ako dahil wala naman akong choice.

STELL's POV

"Dre, baka naman may contact kayo kina Elaine at Vien? Ayaw sumagot ni Eirine sa tawag ko eh." di mapakaling sabi ni Pablo.

"Talagang hindi ka sasagutin nun! Nakita ba naman na hinalikan mo si Tanya eh!" sabi naman ni Josh.

"Correction, hindi ko siya nahalikan. It was an accident!" pikon namang sabi ni Pablo.

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now