21

87 3 0
                                    

STELL's POV

"Papa.?" bumilis ang tibok ng puso ko. Napalingon ako sa tumawag sa akin at mas lalong akong nagulat nang malaman ko kung sino ang batang nasa harapan ko ngayon. Si Star. Nakatayo sa may harapan ng gate ng bahay nila.

"Papa.?" ulit nitong pagtawag sa akin.

"S-Star?" nakita ko pa kung paano siyang ngumti sa akin. Pero unti-unting napalitan ng gulat at pag-aalala ang reaksyon niya.

"PAPA!!" sigaw nito, naramdaman kong na tinulak niya ako para itabi sa gilid ng kalsada at sa sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko namalayan na

"O-OY! yung bata!! Yung bata nasagasaaan!"

"Hala! tumawag kayo ng ambulansya!"

"STAAAR!" agad ko siyang pinuntahan kung saan siya tumilapon dahil nasagasaan siya ng dumadaan na motor!

"S-Star!." hindi ko alam ang gagawin ko. Pero mas pinili kong buhatin ko siya para mahawakan ang anak ko.

"S-star, anak, sandali lang ha, dadalhin ka ni Papa sa ospital." sabi habang umiiyak sa harap niya.

"Anong--STAR!" narinig kong sumigaw si Vien. agad naman siyang tumakbo sa lugar kung nasaan kami.

"V-Vester? Anong nangyari!?, Star! Anak!"

"M-Mama,n-nandito na p-po si P-Papa" sabi nito habang nahihirapang magsalita.

"S-Star, andito na si Papa ha, dadalhin ka namin ni Mama sa ospital, hold on anak ha," sabi ko sa kanya, hindi maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko "Please tumawag kayo ng ambulansya!" pagmamakaawa ko sa mga taong nandito sa labas.

"P-Papa, k-kilala mo po ak-ako?"tanong nito habang patuloy na nahihirapan sa pagsasalita.Naalarma kami ni Vien nang makita naming may lumabas na dugo sa bibig niya!

"Star, anak, huwag ka na munang magsalita ha, We will bring you to the hospital.  Anak please w-wag m-mong i-iwan si M-Mama ha." sabi ni Vien habang umiiyak.

Mabilis naman ang naging responde ng ambulansya. Nandito na kami ngayon sa ospital at nasa loob na ng Operating Room si Star. Dalawa pa lang kami ni Vien ang nandito. Ramdam namin ang ilang sa isat'-isa. Hindi namin alam kung paano kami mag-uusap sa nangyari sa anak namin. Maya- Maya pa dumating na sina Eirine at Pablo.

"Relax ka lang muna ha, magiging safe din si Star ha," pagpapakalma ni Eirine sa kaibigan.

"K-kasalanan ko 'to eh, kasalanan ko to kung bakit to nangyari sa a-anak ko! Ei, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda kay Star!H-Hindi ko kayaa" sabi nito habang umiiyak.

Nandito naman ako sa kabilang side ng hallway at nasa likod ko ngayon si Pablo. Maya-maya dumating na rin sina Justin at Josh kasama si Ken at Elaine.

"Dre, tatagan mo lang ang loob mo ha,magiging maayos din si Star" sabi ni Ken.

Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Isa lang ang iniisip ko ngayon, yun ay ang kaligtasan ng anak ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil mawala akong magawa, na kung tutuusin ako dapat ang nasa kalagayan ng anak ko ngayon. Ako dapat ang nandoon kung hindi niya lang ako iniligtas.

Maya-maya pa ay lumabas na ang ddoktor mula sa operating Room.

"D-Doc, k-kamusta na po ang anak k-ko?" tanong ni Vien sa doktor. Kinakabahan kami sa pwede nitong sabihin

"Maraming dugo ang nawala sa bata, kailangan niyang masalinan ng dugo but unfortunately, kulang na ang stocks ng blood na meron kami dito sa hospital, We need to----"

"Ako po Doc, ako po ang Tatay ng bata, Magdodonate ako.please iligtas niyo lang po ang anak ko. Ang anak namin" sabi ko habang nakatingin kay Vien. na umiiyak na naman hanggang ngayon.

My Secret Marriage With Stell AjeroWhere stories live. Discover now