STELL's POV
"Vester Apo, hindi mo naman ito kailangang gawin. Pwede ka pa rin namang tumira dito." Nandito na ako at nakagayak pabalik sa bahay namin.
"Lo, wala na pong rason para tumira pa ako dito, tumira po ako dito dahil po kay Vien. At ngayong umalis na siya, kailangan ko na rin pong umalis." Sabi ko
"Vester,Iho mag-iingat ka." Sabi ni Manang Ason sa akin. Niyakap ko naman ito.
"Oo naman Manang. Kayo rin po mag iingat po kayo Kayo na po ang bahala kay Lolo Condrad ha"
"Lo, lagi niyo hong iinumin yung mga gamot ninyo, tsaka bawas bawas na ho sa brandy ha!" Bilin ko rito "Hayaan niyo po kapag may libreng oras po ako, bibisita na lang po dito."
"Vester, tatandaan mo na bukas lagi ang bahay na'to para sayo ha, Tsaka kapag sumikat na kayo ng grupo mo babatiin mo ko sa TV ha! HAHAHA"
"Haha! Oo naman Lo! Ikaw pa po ba? Salamat Lo salamat po sa pagtanggap ninyo sakin." Sabi ko at yumakap ako dito. Mabigat man ang loob ko naiwan siya. Nakakahiya namang tumuloy pa ako dito gayong wala naman na si Yen at sigurado ilang buwan lang mawawalan na bisa ang kasal namin.
Nasaktan ako sa pag-alis ni Yen. Kung alam ko lang na aalis siya sana pala inamin ko na sa kanya ang nararamdaman ko. Eh ano naman kung i reject niya ko? Parehas lang din naman akong masasaktan kung iiwan niya din pala ako at sasama kay Peter.
Naiintindihan ko siya. Siguro nga ganun niya kaayaw sa akin at ganoon niya kamahal si Peter para magdesisyon ng ganon. At sa bagay na yun wala naman akong magagawa kundi tanggapin na lang.
Nandito na ako sa kwarto ko. Sa bahay namin. ilang araw na rin akong ganito. Hindi ako pumapasok sa trabaho. At hindi rin ako nakakapunta sa studio. Wala akong ganang magtrabaho. Nandito ako kami ngayon sa lamesa at kumakain ng hapunan.
"Anak, kumain ka pa ng marami" sabi ni Papa at nilagyan pa ng pagkain ang plato ko.
"Wala na po akong gana." Sabi ko at tatayo na sana nang biglang nagsalita si Lolo Juaning.
"Kalalake mong tao, umiiyak ka dahil lang iniwan ka ng babae?! Ano ganyan ka na lang? Sisirain mo ang buhay mo ha Stellvester?!" Naputol naman ito ng inawat siya ni Papa.
"Tay,tama na," ani Papa
"Kahit ako yung babae eh iiwan din kita! Mukhang wala kang namang patutunguhang bata ka!" Nakatungo lang ako at Pinipigilan ko lang ang sarili ko.
"Malamang hindi mo trinato ng maayos ang asawa mo kaya ka niya iniwan." sabi sa akin ni Lolo
Bigla akong napatayo at naihampas ang kamay lamesa "Pwede ba Lo? Kahit isang beses lang iparamdam mo naman sakin na Apo mo ko! Maging malungkot ka naman para sakin!" bigla naman umawat sa pagitan namin si Mama at Papa.
"Stell, anak tama na," naiiyak ng sabi ni Mama
"Hindi, Ma! sobra na eh!
Lo, ginawa ko lahat! lahat lahat para maging proud ka sakin! Kahit na ang totoo, bata pa lang ako ipinaramdam mo na sa akin na sa lahat ng apo mo ako yung pinaka ayaw mo. Bakit? dahil sa pagkanta ko? Dahil ba sa pangarap ko? kasi walang akong patutunguhan? Pero dahil Mahal Kita Lo, dahil ibinilin ka sa akin ni Lola na intindihin kita palagi, ginawa ko lahat! Kahit pa pati pag abot sa sariling kong pangarap, isinuko ko para sa lecheng kasunduan na'to! Tapos ano? Ako na nga yung iniwan ng babaeng ipinagkasundo niyo sa akin, ako pa rin ang mali? ako pa rin ang masama? ako pa rin ang may kasalanan? Ano ba sa tingin niyo ang feelings ko, laruan? na pwede niyong control-in na magmahal kapag kailangan, at huwag umiyak kahit nasasaktan? Sabagay, para siguro sayo 'Lo laro lang lahat ng 'to no? larong pambata na madaling kalimutan! Kasi para sayo Pambayad utang lang ako! Kung tutuusin, ikaw ang nagdala sakin sa sitwasyon na'to." hindi ko na mapigilan ang sarili kong humagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko."Pinag-aralan ko siyang mahalin! Pinilit kong makibagay sa mga bagay na gusto niya, mahal niya, sa kaibigan niya at sa pamumuhay na meron siya. Pero anong magagawa ko? Ito lang ako. May sarili siyang isip, May sarili siyang puso. H-hindi niya naman ako m-mahal." naramdaman ko ang pag-alo sa akin ni Jean at ng Kuya ko.
"Buti nga siya eh, may lakas ng loob na gawin ang bagay na gusto niya. Kahit mahal na mahal niya si Lolo Condrad, pinanindigan pa din niya kung ano ang idinidikta ng isip at puso niya! Eh ako?" pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin ng deretso sa mata ni Lolo. "Eto. Pinipilit na gawin lahat ng bagay na gusto mo sa pag-asang matutuwa at mamahalin mo rin ako bilang apo ninyo. Pero hanggang ngayon wala pa ring pagbabago." sabi ko tsaka umalis na at pumunta sa kwarto ko. Naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Mama.
"Stell, anak, pagpasensyahan mo na ang lolo mo ha alam mo naman ang ugali nun eh." ani Mama pilit kong pinakakalma ang sarili ko.
"Ma? m-masama ba akong tao?" tanong kay Mama habang nakatingin sa kanya.
"Anak, hindi, ano bang sinasabi mo?" naiiyak na sabi ni Mama at hinawakan ang mga kamay ko.
"Bakit parang ayaw sa akin ng mga taong mahal ko? Ginagawa ko naman lahat Maaaa,...g-ginagawa ko naman lahaat" hindi na maiwasang humagulgol sa sobrang bigat nararamdaman ko.
"Anak,anak makinig ka kay Mama ha," pilit ako pinaharap ni Mama sakanya habang naiiyak na rin siya. "Anak hindi ka masama tao. Wag mong iisipin yun.Kung pakiramdam mo may mga taong ayaw sayo, Isipin mo na mas maraming tao na nagmamahal sayo. Kami ng papa mo, mga kapatid mo, yung grupo mo diba? At anak tatandaan mo basta kapag laging ito ang paiiralin mo," turo ni Mama sa dibdib ko " mas lalong maraming taong magmamahal, at mananatili sa tabi mo, kahit anong mangyari." sabi ni Mama at niyakap niya lang ako.
Sa nangyayari ngayon mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na mahal ko nga talaga si Vien. Kasi kung hindi, hindi ako masasaktan ng ganito...
VIEN's POV
"ANO TO?! BUNTIS KA?! galit na galit na itinapon ni Peter ang Pregnancy Test."Ibig sabihin naunahan pa ako ng Ajero'ng yon sayo ha? Todo tanggi ka sakin pero sa kanya bumigay ka? Ano to lokohan?!"
"Peter--"
"How can we start a new life here together kun may letcheng Ajero kang bitbit dito sa America ha? My God! Vien!"
"H-hindi naman namin yung sinasa---"
"Ah talaga? Well then,Get yourself up, at ipapa-abort natin ang batang yan ngayon na!"
"H-Ha?! Peter naman! Kasalanan yang gusto mong mangyari."
"At sa tingin mo, yung ginawa niyo sa akin ng g*g*ng Ajero na yun, hindi ba yun kasalanan ha?!"nanggagalaiting sabi nito "Vien, pinag-usapan na natin to! Ang usapan, magpapakasal ka lang sa Vester na yun para sundin ang gusto ng Lolo mo, and then afterwards lilipad ka pa-America para i-Divorce ang kasal niyo yun lang! Wala sa usapan natin ang ibibigay mo ang sarili mo sa kanya at nagpabuntis ka pa!".
"Peter alam kong mali yung ginawa ko, pero wag mo naman sanang idamay tong bata. Wala naman siyang kasalanan eh. Please, Peter!"
"Ha! So anong balak mo? Ipa-ako sa akin yang anak ng h*y*p na yun ganun ba? Gusto mong ituring kong akin yang bunga ng kataksilang ginawa mo sa akin ha Vivienne? Sumagot ka!!" Sabi habang hawak ng mahigpit ang balikat ko.
"P-Peter nasasaktan ako" bigla naman niya akong binitawan..
"Sige, palakahin mo yang batang yan, pero wag kang aasa na magiging maganda ang pakikitungo ko diyan! Pagtrabahuhan mo ang bawat ipapakain mo sa batang yan." Yun lang sabi ni Peter at padabog na umalis ng bahay. Hawak hawak ko lang tiyan ko habang umiiyak.
"I'm Sorry about that baby, Don't worry,Mama's here."
Nakabukod kami ni Peter kay Mommy at wala itong kaalam-alam sa nangyayari sa akin, sa amin.
....to be continued...