EIRINE's POV
Bago pa kami makauwi galing ng Davao madami pang nangyari. Nagtalo na naman sina Pablo at Eirine. And im sure na may kagagawan na naman yung Tanya na yun sa nangyari sa dalawa. Hanggang sa nakauwi kami, hindi ko pa nakakausap si Stell. Pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Pero iniisip ko lang na baka sobrang busy lang siya. Ilang beses akong nag-chat sa kanya to have a conversation to him pero sini-seen niya lang ito.
Hindi ko na lang muna yun pinansin, Nagdecide akong umuwi muna ng Rizal para makamusta si Lolo. Pagbukas ko ng pinto ng mansyon, nagulat ako sa sumalubong sa akin.
"MAMA!!" nagulat ako nang sumalubong sa akin si Star!
"Anak!? Star" niyakap ko siya dahil miss na miss ko na siya. "W-what are you doing here ha?" tanong ko sa kanya.
"Kasama niya ang Mommy mo, umuwi sila rito." nabigla naman ako nang marinig ko ang boses ni Lolo. Lumapit ako sa kanya para magmano at magbeso." Meron kang kailangang ipaliwanag sa akin, Vivienne Marie."
Nakaramdam naman ako ng takot, sigurado akong mahihirapan akong mag-explain kay lolo.
Nakita ko naman si Mommy sa taas at nagkibit balikan lang sa akin. At nang aasar pa yata dahil sinenyasan pa ako ng 'Lagot Ako'.Nandito ako ngayon sa Garden, nandito rin si Lolo habang nagpuputol ng mga sanga ng bonsai nito.
"Kailan mo to balak sabihin sa amin ha?" ma awtoridad na tanong ni Lolo.
"Lo, kasi po.."
"Alam na ba 'to ni Vester?" tanong muli nito.
"H-hindi pa p-po" sabi ko kinakabahan talaga ako."Vivienne! Bakit mo ito tinago sa kanya.? Alam mo ba na sa ginawa mo ninakawan mo siya ng pagkakataon na maging Ama kay Star! Hindi ka man lang ba naaawa sa anak mo Apo? Pinaniniwala mo siya sa bagay na hindi naman totoo."
"L-Lo, natatakot po kasi ako na baka hindi siya tanggapin ni Vester."
"Sa tingin mo ba, ganoong klaseng tao si Vester ha, Apo? Sabagay, hindi mo naman siya lubusang kilala dahil dalwang linggo lang mula nang ikasal ka sa kanya ay iniwan mo na siya."
parang may kung anong kutsilyo ang sumaksak sa puso ko sa sinabi ni Lolo. Tumagos."Mabuting tao si Vester, ilang beses ko na yung sinasabi sayo, kahit nung iniwan mo siya, kahit kailan hindi yun nakalimot sa mga taong nagmamahal sa kanya." sabi ni Lolo.
"Ang totoo nga mas madalas pa niya akong kamustahin kaysa sa iyo." may tonong pagtatampo si Lolo.
"Lo, Sorry po." hindi man ako ganunn ka expressive, God knows how i love Lolo.
"Wala ka bang tiwala sa amin ha Vivienne? Sa tingin mo pa rin ba ay panghihimasukan ko ang desisyon mo ha? Kaya pinipili mo na wag sabihin sa akin ang tungkol sa anak mo?"
"Lo, hindi po." sabi ko habang umiiyak. Sobra akong nakokonsesya sa ginawa ko, dapat talaga hindi ko itinago kay Lolo ang tungkol kay Star. Baka sakaling natulungan niya pa akong ipaalam kay Vester ang lahat.STELL's POV
"Huy! strawberries hahaha! Aba at may kasama na talagang chocolate dip! Iba talaga 'tong Mama ko the Best! MWAAAH!" sabi ko at hinalikan si Mama. Nandito siya ngayon sa Condo ko
Natigilan naman ako ng napansin ko ang pagiging tahimik ni Mama. Nakatingin lang siya sa akin habang kinakain ko itong strawberries na binili niya para sa akin.
"Uy!Ma! Natulala ka na diyan,Bakit po? Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya at inalok sa kanya ang strawberry. Umiling lang ito at tsaka umupo sa tabi ko."Stellvester, umamin ka nga sa akin" sabi Mama hinhintay ko lang naman magsalita siya habang kumakain pa rin ako "Anak, nakadisgrasya ka ba ng Babae?" napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mama.
"Disgrasya? Eh hindi naman ako masyadong nagda-drive ngayon Ma, Tsaka wag kang mag-alala kapag naman alam kong pagod ako hindi---" pinutol naman ni Mama ang sasabihin ko.