VIEN's POV
"Hi!" bati sa akin ni Stell. Kakauwi ko lang galing ng school. Pinauna ko na kasi siyang umuwi kanina.
"Stell? A-anong ginagawa mo? Bat ka naka apron?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hay nako Vivienne, yang asawa mo ay nagpumilit magluto pagdating galing eskwela, sabi ko nga ay magpahinga na lang, pero sadyang makulit yang si Vester." Sabi naman ni Manang Ason.
"Haha! Si Manang naman, okay lang po yun, binawasan ko lang po ng konti lang naman yung trabaho niyo ngayong araw." Sabi niya at inalalayan ako para makaupo sa dining table.
"Ikaw po Manang? Tara na po dito, Si Manang naman oh parang others" sabi niya at inalalayan rin si Manang na umupo. Nagdadalawang isip pa siyang sumabay pero sinenyasan ko siyang hayaan na si Stell na gawin ang gusto nito.
Habang inihahain ni Vester ang pagkain ay bigla namang bumulong si Manang Ason.
"Alam mo, Vien kung kikilalanin mong mabuti yang si Vester, paniguradong mamahalin mo siya. Napakabait na bata, maasikaso, maalaga at magalang sa matatanda. Napakaganda nang ginawang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. Masasabi ko na kahit ipinagkasundo kayong dalawa ay maswerte ka pa rin dahil siya ang naging asawa mo." Napatingin ako kay Vester, totoo naman ang lahat ng sinabi ni Manang. Pero hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako. Mas gusto ko parin na makawala sa kasunduang ito.
"Nako masarap 'tong luto ko Manang this is the best among the rest! Charaan! Sinigang" sabi ni Stell. Natakam naman ako at mukha naman talagang masarap ang niluto niya.
"Aba! Masarap nga ano! Kanino ka ba natutong magluto Iho.?" Tanong ni Manang sa kanya.
"Kay Lola po." Sabi nito pero parang may lungkot sa mata ni Stell nang maalala ang lola niya
"Ganun ba? Kung gayon pwedeng pwede ka ngang mag-asawa! Haha" nagtawanan naman sila nang bumaling sa akin si Stell.
"Ano Yen? Masarap ba?" tanong nito sa akin at abot tenga pa ang ngiti. Sa ginagawa niyang ito mas lalo akong nakakaramdam ng guilt.
"Hmm..Masarap." sabi ko na lang at patuloy na kumain.
"Nga pala Yen, free ka ba bukas? Gusto sana kitang isama sa rehearsal ng grupo namin eh. Pero kung busy ka oka---"
"Sure.Sige" sabi ko sa kanya at tuwang tuwa naman siya sa naging pagpayag ko.
Nasa kwarto na ako ngayon at naghahanda na sa pagtulog. Nagsa-shower naman si Stell sa Bathroom, Nang maalala ko ang pag -uusap namin ng Peter kanina.
FLASHBACK
"So, tuloy na tuloy na ang plano natin next week ha, nasa akin na ang plane ticket mo pa-America" sabi ni Peter sa akin.
"O-okay" sabi ko nalang hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Alam kong masasaktan ko si Stell sa gagawin ko.
"Yung papel, napirmahan na ba nang mokong na yun? Haha!@£ nakahalata ba siya?"
"N-napirmahan na niya. H-hindi naman siguro niya nahalata." Ang totoo binabalak namin na pagdating ng America ay magpa-file ako ng Divorce para mawalan ng bisa ang kasal namin ni Stell. Para narin makapag umpisa ako ng bagong buhay kasama si Pete sa America.
"What's wrong? Nagdadalawang isip ka ba?" Tanong sa akin ni Peter.
"Huh? O-ofcourse not. Medyo masama lang ang Pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya. Ang totoo, ilang araw nang masama ang pakiramdam ko. Parang tamad na tamad akong kumilos. Parang gusto ko lagi lang akong nakahiga.
END OF FLASHBACK
"Uy! Yen?!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Stell.
"Ha?! Ano yun?"Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko napansin na nandito na pala siya.