Jeopardy

620 18 2
                                    

Walang kahirap-hirap na tinalon ni Niccolo ang matayog na bakud. Mag-isang sinalakay ng binata ang mansion ni Franco. Ang matanda na siyang dahilan kung bakit hindi niya magawang lumabas sa kinukublihan niya. He left Italy to see Franco. For him to pay.

Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga tauhan nito ngunit hindi iyon alintana ng binata. Gamit ang kanyang kakayahan sa martial arts. Back fist, side kick and kickblows ay wala ni minuto ay nadali niya ang iilang tauhan hanggang narating niya mismo ang isang silid. Sigurado siyang sa likod ng pintuang iyon ay nandoon ang hinahanap niya. Bago pa siya makakilos ay isang baril ang nakatutok sa kanyang noo.

"Buhay ka pa pala?"

Boses ng lalaki ang narinig niya. Ang boses ay pamilyar nang magtama ang kanilang paningin agad niya nakilala kung sino. Si William. May atraso sa kanya noon na siyang dahilan kung bakit siya pinauwi sa kanyang ama sa Italya. Isa sa mga tauhan ni Franco noon na nagpanggap na hindi kabilang sa pangkat ng matanda at binugbog at sinaksak siya.

Walang salitang namutawi sa labi ni Niccolo. Mabilis ang kanyang kaliwang paa na tinaponan ng tadyak ang braso ni William na may hawak na baril. Tila kidlat na inagaw niya dito ang caliber. Without a second thought he pointed the gun on William's forehead.

"Sabihin mo sa'kin nasaan ang  boss mo?" matigas na tanong niya.

"Wala kang makukuha na sagot mula sa akin!" Isang tawa ang pinakawala ng lalaki na umaalingawngaw sa buong pasilyo.

"Then, I won't hesitate to shoot your fucking head down!" Segundo lang ang dumaan nang tinutok ni Niccolo ang baril sa kawalan. Isang malakas na putok ang umaalingawngaw sa paligid. Senyales ng isang babala. Niccolo pointed the gun on William's head again. Natulos si William. Bakas sa mukha ng lalaki ang gulat sa ginawa ni Niccolo.

Niccolo's face was dark and full of anger. He was fearless and ready to kill. "Tell me where Franco is!"

"Bakit bumalik ka pa? Gusto ni Franco na mawala ka sa landas niya. Isang kang sagabal sa kanya." May panunuya ang boses ng lalaki.

"Shut the fuck up and tell me where is he-" napinto ni Niccolo ang kataga nang umaalingawngaw ang sunod-sunod na putok. Franco's people rushed to where he is. "Lucky you, babalikan ko kayo!" Paalam niya na naging mabilis ang kilos na tinalikuran si William. Walang takot na tinalon niya ang ikatlong palapag mula sa balcony ng mansion at nilisan ang lugar.

***

"Mommy!" Si Chiara na tumatakbo papalapit sa akin. Sadyang iniwan ng anak ko sina daddy at mommy na nanonood ng tv.

Nakangiting sinalubong ko ang anak na niyakap ng mahigpit. "Chiandra!"

"Welcome home, mommy."

Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nang mangyari ang kahindik-hindik na pagbabanta sa buhay ko ngunit hindi ko makalimutan ang lalaking nagsagip sa akin. Sigurado ako na si Niccolo iyon.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa at umaasa ako na babalik ang ama ng anak ko. Hindi ako naniniwala na katawan ko lang habol niya. Sa simula pa lang alam ko na totoo ang nararamdaman niya. He kept Bella for me. He kept my umbrella for eight years. He did ink my name on his body. Kung anuman ang dahilan nito upang layuan at itakwil kami ay may malalim na dahilan at iyon ang kailangan ko na malaman.

"Sigurado kang uuwi na kayo?" si Mommy Evelyn na may pag-alinlangan na bumabadya sa mukha. Naikuwento ko sa mga magulang ko ang nangyari sa kin. They watched Chiara while I am at work. Tatlong linggo na rin kami ni Chiara na namalagi kina mommy.

"Siguro okay na mommy, andoon naman si Lani," ang tinutukoy ko ay ang babbysitter ni Chiara, "at saka every weekend naman dumadalaw sa ate Roda."

"Pero Bella, baka kung ano ang mangyari, hindi natin alam kung sino ang lalaking iyon?" segunda ni daddy na karga-karga si Chiara.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon