Outcast

406 14 0
                                    

"Are you planning to kill yourself, Ava?!"

Pinasadahan niya ito ng titig. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng binata ang nangisngislap nitong mata sanhi ng mga luha na ibig tumakas doon. As he looked at her deeply, her eyes were full of sadness and longing if he wasn't mistaken.

"Are you trying to end your life, huh?" Ulit niya ngunit ang babae ay blangkong nakakatitig lang sa kanya. "Kung anuman ang dinadala mo... kahit tumalon ka pa sa pinakamatayog na gusali hindi mo na mababago." He continued dragging the woman away from the edge of the bridge.

The woman kept following his pace without a single word coming out of her mouth.

"Did Hector know, you're wandering here, alone?" tanong niyang hindi binitawan ang braso nito. Inakay niya papalayo sa delikadong lugar.

Wala pa rin siyang nakuhang sagot dito.

"Lahat tayo ay may mabibigat na suliranin. I lost someone very dear to me, I tried to end my life millions of times, but I can't... I have someone to protect... someone needs me." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan nito.

"Need you?"

"Yes, kahit na gusto ko pang kitilin ang buhay ko sa mismong oras na ito hindi ko magawa, someone needs me."

"But I think... I don't belong here, and no one needs me... I am an outcast." Her voice cracked.

Isang mapait na ngiti ang pinakawala ni Niccolo. May naalala lang siya.

"I used to think that way too. And there was this person who hated his existence. He hates himself because he feels he doesn't fit in the place he lives in but someone came along and made him feel important."

"Important."

"Yeah, siguro hindi mo pa alam ang layunin mo sa mundo pero ang taposin mo ang buhay mo ay kabaliwan. Isang malaking kaduwagan. Stop running away and face it, bitch!"

"Bitch?!" Napabulyaw si Ava sa likuran niya.

"At saka bakit ka ba sunod nang sunod sa akin, huh?" sumbat ni Niccolo nang makabawi sa kanyang emosiyon.

"Hoy, mister hindi kita sinusundan, you were dragging me like a stupid pervert."

Tumama ang mata ni Niccolo sa sariling palad na nakapulupot sa braso ng babae. Tila ba nakuryenteng binitawan niya ito. He cursed out of his disppointment of himself.

"You came out from nowhere. Acting like a concerned hero and dragged me!"

"Bakit di ka man lang kumontra?" sisi niya sa babae. Tinaasan niya ng kilay ito.

"W-Well, I don't want to ruin your moments. You were too serious. You talked about something that had nothing to do with me. Paki ko ba sa buhay mo, mister!"

"You're annoying like bullshit, babae!"

"And for you to know, wala akong planong magpakamatay. I am too pretty to die, you know!" Umirap itong pinagkrus ang braso sa dibdib.

"Kung alam ko lang na ganyan kakitid ang utak mo, di sana hinayaan na lang kitang tumalon doon at mabagok iyang bungo mo!"

"I am not asking for your help, mister. Isa pa wala akong planong magpakamatay, okay?"

"Then, why are you there? Climbing on the guardrails like a crazy bitch!" Pinandilatan niya ito.

"Kung hindi ka lang lumutang na parang isang tagapagligtas galing sa kawalan eh di sana nakuha ko ang bag ko!"

"Bag mo?" Naguguluhang napatitig si Niccolo kay Ava.

"Yes, my bag. Nahulog ang bag ko at sumabit sa linya ng kuryente." Bulyaw ng babae. Tumalikod at sadyang binalikan nito ang gilid ng tulay. "OMG! My Hermès Kelly Pochette!" maarteng tili nito na nakatuon ang mata sa maliit na bag na nakabitin sa linya ng kuryente. Parang anak nito ang nabitin sa ere kung makaasta.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon