I Don't Like You

3.6K 131 6
                                    

SAKTONG pagkababa ko ng jeep ay bumuhos bigla ang malakas na ulan. Dali kong dinukot ang aking nakahandang payong sa bag. May isang kilometrong lalakarin pa ako papasok sa loob ng aming subdivision bago ko marating ang aming bahay.

Malalaki ang aking mga hakbang dahil papadilim na nang may narinig ako na iyak ng kuting. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang iyak. Nakita ko ang isang maliit na pusa na nasa may damuhan at basang-basa. Isang kulay puting pusa na may spot na itim sa likod.

Tumalima at sinuyod ko ang kuting. Napansin kong nahihirapan itong maglakad. Tantiya ko ay may pilay ang hayop. Hindi ininda ang malakas na buhos ng ulan ay dinukot ko sa loob ng bag ang maliit kong first-aid kit. Nakagawian kong magdala ng mga pangunahing panlunas baka makakita na naman ako ng stray cat o kaya aso at hindi ko matutulungan.

Maingat kong kinuha ang pusa. Dinala sa ilalim ng malaking puno. Sumilong ako doon upang masuri ko ito. Dali kong dinukot ang may katamtamang haba ng bandage at binandahe sa pilay nito sa paa.

"Good," nakangiting saad ko't hinaplos ang kawawang pusa. Siguro ay nagagalak ito sa ginawa ko't dinilaan ang aking diliri. "Paano ngayon 'to hindi kita mabibigyan ng masisilungan." Naninibughong hinaplos ko ang ulo ng pusa.

Ayaw ni mommy ng pusa at sigurado akong itatapon nito ang pusa kapag dadalhin ko sa bahay.

Naninibughong dinukot ko ang isang papel saka sinulatan ko.

"Ampunin mo ako" Dinikit ko iyon sa katawan ng puno. Nilapag ko ang customize na  itim na payong na talagang may pangalan ko. Freebie ito nang pagkapanalo ko ng patimpalak sa paaralan.

Iiwanan ko ang payong para may masisilungan ang munting pusa. Hindi ko na ininda ang butil ng tubig na unti-unting bumasa sa damit ko.

Saktong papaalis ako nang umiiyak ang pusa kaya dali kong binalikan at hinaplos ito. "Pasensiya ka na hindi kita pwede ampunin."

Kontra man sa loob ay tumayo na ako mula sa pagkakatalungko. Akmang sisimulan ko ang hakbang nang may napuna akong magkasunod na dalawang itim na sasakyan sa di-kalayuan.

Mabilis ang pagpapaharurot ng mga ito. Pansin kong pilit inu-overtake ang naunang sasakyan ngunit biglang nagpreno sa tapat ng kinanatatayuan ko ang naunang sasakyan na halos ikinawindang ng ulirat ko. Kusang tumilansik ang mga butil ng tubig sa uniporme ko.

Walang humpay ang pagpatak ng ulan ngunit tila ba tumigil iyon dahil sa bumungad sa mga mata ko. Iniluwa ng magarang sasakyan ang pinakaayaw ko.

Niccolo Adonis Whitlock!

Bilang isang minor de-edad may kakayahan si Niccolo na magmamaneho ng sasakyan kung paano ay hindi ko rin masagot ang sariling katanungan.

Buong kompiyansang lumabas ito sa sasakyan na kinalulunan na tila ba walang kinatatakotan. Hindi nito ininda ang malakas na buhos ng ulan.

Napuna ko din na may tatlong mga malalaking tao na iniluwa sa isang sasakyan. Tantiya ko'y nasa trenta anyos pataas ang mga edad ng mga ito. Ang isa ay humithit ng sigarilyo sa kabila ng walang humpay na ulan.

Panganib!

Iyon ang nababadya sa eksinang nasilayan ko sa sandaling ito. Nanginginig na napa-atras ako sabay tikom ng labi. Ayokong makaagaw ng atensiyon kaya pasimpleng umatras ako. Dali kong hinagip ang pusa na kanina pa gumawa ng ingay sa paligid. Nagkubli ako sa likod ng puno.

"Ikaw ang nag-iisang anak ni Franco—Niccolo Adonis tama ba?!"

Dinig kong deklara ng isang lalaking may katangkaran. Mabigote at halatang walang ibang dulot kundi kaguluhan. Tinapon nito ang sigarilyo kasabay niyon ang pagdura ng nakakadiring laway. Ngayon ko lang napansin ang mahabang tubo na hawak nito. Hinakbang nito ang paa papalapit sa binatilyo.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon