Torment

583 17 2
                                    

Mahigit dalawang buwan na ngunit hindi pa rin nagigising si Niccolo sa mahabang magpakatulog. He is in comatose. Ang pribadong kwarto na inuukupa ng binata ay puno ng seguridad. Nandoon ang mga tauhan nito at nakabantay sarado. Gaya ng nakasanayan ay patago ko lang na dinadalaw ang ama ng anak ko.

Suot ang sarong sa ulo ay pilit ko na itinago ang sarili upang masulyapan siya mula sa kabilang ibayo na hindi napapansin ng mga tauhan nito. Sa tuwing magbukas ang pinto ng silid saka ko sinisilip ito ng patago. Gaya na lang ngayon. His people are waiting for him to wake up. Hanggang nakarinig ako na nagkakagulo ang mga ito sa loob.

"Doc!" isa sa tauhan nito ang lumabas at tumatakbo. Naghahanap ng doctor.

Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Halos namumutla ako sa tinding pangamba. Ayokong mawala ang ama ng anak ko. Hindi ko kaya. Hindi ko napigilan ang mga paa na dumulog sa bukana ng silid upang malaman kung ano ang nangyayari. Is it an emergency? Oh, God please no!

"Boss?" Jigs sound worried. "Boss... boss, gising ka na!"

My eyes traveled to where the man I longed for so long lay. Niccolo. Nakita ko siya, nanatiling nakahiga sa kama na nakabukas na ang mga mata. Blangko na nakatitig sa kisame. Nangangayayat at maputla ang labi. He's now, awake thank goodness!

"Niccolo!" sambit ko mula sa bukana ng pinto. Dahil doon naagaw ko ang mga mata ng lahat.

Agad ako na nakilala ni Jigs. "My lady!" Gulat ang rumehistro sa mukha ng lalaki. Naging maagap itong humakbang sa gawi ko.

Bago pa makalapit si Jigs sa akin ay agad akong tumalikod. Nilakad-takbo ko ang pasilyo na hindi ito nilingon pa. Ayokong makita niya ako. Ayokong makita ako ng ama ng anak ko.

"My lady!" si Jigs na hinahabol ako. "My lady!"

Ngunit tila bingi akong nagtuloy-tuloy na binaybay ang pasilyo ng hospital.

"My lady, ayaw mo ba siyang makita? Gising na siya, my lady."

Napahinto ko ang mga hakbang. Tuluyang bumalong ang aking mga luha. Napakuyom ko ang palad na pinigilan ang sariling emosiyon.

"My lady, ayaw mo ba siyang maka-usap? Sigurado akong maging masaya si Boss Adonis pagnakita ka niya."

Mas lalo ko na pinakawala ang aking mga luha. Pinili ko na hindi sumagot at hindi nilingon ang lalaki. Tuluyan ko na hinakbang paa papalabas na hindi na muling pinakinggan si Jigs.

Makita siya na gising na at wala na sa bingit ng kamatayan ay tama na para sa akin. Ang masigurado na nasa mabuti siyang kalagayan ay sapat na. Maligaya na ang puso ko.

***

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa tabi ni Chiara. Mugto ang mga mata ay pinasadahan ko ng tingin ang anak na mahimbing ng natutulog. Akma ko sanang haplosin ang buhok niya nang tumunog ang doorbell.

Sinulyapan ko ang wallclock na nakabitin sa pader sa silid ng anak ko. Mag-alas onse na ng gabi. Naging palaisipan sa akin kung sino ang nasa labas.

Kinabahan ako. Sino na naman kaya ang nasa labas ng ganitong oras? Wala akong dapat ikabahala at wala na si Franco pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot.

Tinawag ko si Lani upang samahan ako na silipin kung sino ang nasa labas. Binabay namin ni Lani ang ilang metrong layo ng bakud mula sa malapad na bakuran.

Kinakabahan man ay maingat ko na binuksan ang bakud. Nawindang ang puso ko sa bumungad sa akin. Ang taong matagal ko ng inaasam-asam. Ang ama ng anak ko.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon