Compassionate

3.2K 114 5
                                    

PAPASOK pa lang ako ng sasakyan nang tumunog ang aking cellphone. Gamit ang airpod ay hindi ako nag-abalang tingnan kung sino ang tumawag... basta sinagot ko na lang iyon.

"You want me to pick you up?" Sinalubong agad ako ng baritonong boses mula sa kabilang linya walang iba kundi si Niccolo.

"No, thank you!" matabang kong tanggi. Mabilis ang daliri kong in-off ang tawag. Halos ipalipad ko ang SUV sa gitna ng daan dahil sa inis ko sa lalaki. 

Paano ko ba maiiwasan ang lalaki?

Sigurado akong pagdating ko sa apartment susulpot iyon sa kung saan-saan. Kapag pupunta naman ako kina mommy siguradong magtatanong ang mga 'yon kung bakit pabigla-bigla akong sumusugod sa bahay nang dis oras ng gabi. Kung pupunta naman ako kay Tephany siguradong makakadistorbo ako sa kaibigan. Maagang nakapag-asawa ang babae ay may dalawang anak na. Ayoko naman na dumagdag pa do'n.

Napipilitan man ay nagcheck-in ako sa isang hotel at doon ako magpapalipas ng gabi. Ayokong makita ang lalaki. May bahagi sa pagkatao  kong gustong paniwalaan ang lalaki pero mas nanaig ang takot ko.

Dumaan ang gabi na hindi naging maayos ang pagtulog ko't walang ibang laman ang utak ko kundi ang mapangahas na halik na binigay ni Niccolo. Parang isang sirang plaka iyon na pabalik-balik sa balintataw ko. 

Holy cow! At parang kinatuwa ko pa ang halik na iyon. Tang ina!

Walang pagpipilian ay umuwi pa din ako sa apartment upang magbihis. Pagkadating ko sa apartment ay tahimik ang paligid. Wala din akong nakitang tauhan ni Niccolo na pagala-gala sa kabilang bahay. Lihim akong nakahinga ng maluwag. Siguro ay may pinagkaabalahan ang lalaki. Kompiyansang nagtuloy-tuloy na ako sa pinto.

Pihit ang doorknob ay pumasok na agad ako. Ini-on ko ang switch ng ilaw dahil madilim ngunit ibig humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan sa aking nabungaran sa sala.

"Welcome home, Isabella," si Niccolo na kampanteng naka-upo sa aking abuhing couch. May pusang hinimas-himas sa kandungan niya. Kasama ng lalaki ang dalawang tauhan na sina Jigs nakatayo sa magkabilang gilid.

"Good morning, my lady," bati ng dalawa.

"Mr. Whitlock!" bulyaw ko nang makabawi mula sa gulat. Matalas na tinititigan ko ang mga lalaki.

"Can you call me something sweet— like honey, mahal o kaya love?" sabi pa ni Niccolo na pinilantik ang daliri sa ere. Naka-di-kwatro pa ang mga binti  niya na akala mo pagmamay-ari ang buong apartment ko.

"Niccolo!"

"Ouch, parang mapipilay naman ako, Nerdy," eksaheradang umakto siyang nasasaktan.

Ginala ko ang mata at hinahanap ko kung saan dumaan ang lalaki. Sa pagkakatanda ko ay nilock ko ang pinto. "Paano kayo nakapasok dito?!"

"I have my own way," kinindatan pa ako na tila normal lang ang pinagagawa nilang pagpasok ng sapilitan sa pamamahay ko.

"Ugali mo bang pumasok na walang pahintulot ng may-ari, ha?! 

Umungol ang lalaki at tila nag-iisip. 

"Akala ko ba Sangue Onnipotente Mafia ang pangkat n'yo at bakit parang naging akyat-bahay gang na kayo?!" bulyaw ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jigs.

"Jigs!" si Niccolo na sinaway ang tauhan.

"Sorry, Boss!" balik seryoso ang mukha ng lalaki.

"Mori, Jigs leave at once! I have to talk this lady, alone!" Madiin na utos ni Niccolo sa mga lalaki. Inabot niya ang cute na pusa kay Jigs.

"Yes Boss, masusunod." Tumalilis ang dalawa nang matapat sa kitatayuan ko nagpaalam pa ang mga ito. "See you, my lady."

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon