Stray Cat

364 13 0
                                    

"Sinusundan mo ba ako, mister? Bakit kung saan ako nagpupupunta at nagsususuot ay bigla-bigla ka na lang sumusulpot? Sino ka ba?"

Nahinto ni Niccolo ang akmang pagyuko upang abotin sana ang pusa nang pumainlang ang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran.

The bitch! Ava.

Isang mahinang tawa ang pinakawala ni Niccolo na umayos ng tayo. Nakapamulsang hinakbang niya ang paa patungo sa kinatatayuan ng pinsan ni Hector.

"Ako ang dapat magtanong sa'yo niyan, babae."

"I came here first. I bought some cat food. Ikaw itong kararating lang," pahayag nito na hawak ang isang can goods para sa hayop.

"Bakit naman kita susundan. Why would I push myself to you? Halata naman na hindi kita gusto, from the way you move... the way you carry yourself-"

it's just that you're the same as her that irritates me more. He silently added.

"Aba malay ko!"

"May sadya ako sa paaralang ito. I am not wandering the same as you do. Walang ibang ginagawa kundi manghuli ng pusang gala!"

"Excuse me? Cats are a living thing. May karapatan silang alagaan at mamuhay sa mundo. I heard from Hector that you are from the Mafia Clan. Ikaw itong masama kumpara sa pusa! Mas may karapatan pa ang pusa-"

"What? Kinumpara mo ako sa pusa?"

"What do you think?"

"You never fail to annoy me, bitch!"

"I feel the same way, you annoy me like bullshit, Mr. Pervert!" Bulyaw ng babae na nilampasan siya. Tumalungko nang matapat sa pusa.

"Kung makapagbitaw ka ng salita eh 'kala mo isa kang santo na walang kasalanang nagawa sa mundo!" sumbat ni Niccolo na sinundan ng tanaw ang babae.

"Walang nga akong naalalang may malaking kasalanan akong nagawa pero tila pinaparusahan ako ng mundo." Nagkibit balikat itong bumuntong hininga. Nakatungong patuloy nitong binigyan ng pagkain ang pusa.

Walang pinagkaiba ang ugali at kilos ng babae sa babaeng mahal niya na mas lalo kinairita ng binata.

"May pinaparusahan ba na nagsusuot kung saan-saan? You're living your life without worries. Gala roon, gala rito, 'yon ang nakikita ko."

"Na para bang isang pusang gala?" segunda ng babae sa kanya.

Ngumusong napa-ungol lang si Niccolo bilang puna.

"Gaya ng isang pusang gala na gumagala nang gumagala pero wala namang tahanan na mauuwian?" Bakas sa boses ng babae ang pangungulila kung bakit wala siyang ideya.

"You stayed at Hector's place, paanong wala kang mauuwian?" Hindi niya maintindihan ang pinupunto ng babae pero tila ba tinaga nito ang kaluluwa niya. Did Hector abandoned her? He doubts.

Hindi sumagot ang babae at pinagmasdan lamang ang ligaw na pusa na maganang kumakain.

"Ano ba ang ginagawa mo rito? Mukhang naging maliit ang mundo para sa ating dalawa at palagi tayong pinagtatagpo." Hindi napigilan ng binata ang maging mausisa kung bakit wala siyang maapuhap sa sagot.

"I don't know, either." Tumingala ang babae sa maasul kawalan. Isang malalim na hininga ang pinakawala nito. "Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito."

Napangiti ng mapait ang binata sa narinig. "Are you insane? Pumunta ka rito na hindi mo alam kung ano ang sadya mo?"

"I maybe sounds crazy but I found myself here. It's just that my feet brought me here without realizing it." Turan nito na puno ng pait. Yumuko at pinagsakob ng babae ang mga tuhod at pinagpahinga ang noo roon.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon