Shoulder to Lean on

350 16 0
                                    

"Hector, bakit di mo sinabi sa akin na ang pervert na kaibigan mo pala ang pupunta rito?" mahinang sumbat ko kay Hector sa kabilang linya. Nakasunod ako kay Mr. Niccolo na kampanteng naglalakad patungo sa kinaparadahan ng kotse sa di-kalayuan.

"Hindi ka nagtanong-"

"I don't like him!" Napaismid ako. "Kukulo lang dugo ko kapag nakita ko ang lalaki."

Mahinang tawa lang ang sinukli ni Hector sa sinabi ko.

"Do something for him to leave, Hector," mahinang utos ko na sinulyapan ang lalaki sa unahan.

"It's your work to accommodate visitors for the resort. Bakit ayaw mong tumatanggap ng bisita?"

"Hindi sa ganun, just today," matamlay kong sagot sa pinsan.

"And actually, I can't do what you want! Hindi ko siya basta-basta mapapa-uwi!"

"Why?"

"Niccolo owns the resort!"

"What?" Gusto ko na lang mangisay sa kamalasan. Napabuntong hininga na lang akong binaba ang tawag at sinilid sa bulsa ang cellphone.

For all these years I live in the resort that the man owns for free. The man that made me anxious without reason. Wala akong magagawa kundi harapin ang lalaki. Alangan naman na takbuhan ko. Wala akong ibang mapupuntahan bukod sa pribadong resort.

Mabibigat ang aking mga hakbang na sinundan ang lalaki.

"Open it." Utos niya na hinarap akong muli nang matapat kami pareho sa Jeep Wrangler na nakaparada.

Pinindot ko ang remote upang mag-unlock iyon. Tumalima naman ang lalaki at nilagay ang bagahe sa likuran.

Iniwan ko siya at umikot ako sa tapat ng driver seat nang magsalita siyang muli. "Give me the car keys."

"I am afraid I can't." Hinarap kong muli ang pinto saka akmang bubuksan.

"I can drive-"

"Ako ang magmamaneho, baka mamaya kung saan mo pa ako dadalhin, Mr. Pervert!" Sadyang diniin ko ang huling kataga. Tuluyan akong sumampa sa driver seat.

Isang mahinang tawa ang pinakawala ng lalaki bago sumunod na sumakay sa kabila. "I may be a pervert but I couldn't forget how that pervert made you moan!" May halong tukso ang boses niya.

Ang tinutukoy ng lalaki ay ang nangyari sa aming pagitan doon sa paaralan.

"Tumigil ka, you are the one who seduces me first!"Hindi ko maikubli ang namumula ko na pisngi. Dalidali ko na binuhay ang makina ng Jeep upang makabawi sa hiya. Inusad ko papalabas ng main road.

"Am I? I am sorry I wasn't aware of myself, Miss Ava," he said with emphasis. Nakatitig siya sa akin mula sa frontview mirror.

"Yeah, you weren't aware since you were thinking that I am your late fiancee!" singhal ko na biglang diniin ang paa sa gasolinador na matulin na pinatakbo ang kotse.

Napaungol siya. He sounds disappointed upon hearing what I said. "Kung gusto mo, let's do it again. This time I will only think about you, Ava." Ta's binalingan niya ako na nangingilid ang pilyong ngiti sa labi.

Hindi ko alam pero biglang kumulo ang dugo ko nang maalala ko kung paano niya ako tinawag sa pangalan na hindi naman akin.

Pinilit ko na e-sentro ang atensiyon sa daan subalit tila ba nananadya ang lalaki at kinindatan pa ako sa frontview mirror. Ibig mag-alsa balutan ang natitirang katinuan ko sa utak. Goodness!

"What do you think?" Inihilig niya ang sarili papalapit sa akin. Kusang inabot ang buhok ko't nilalaro.

Sa ginawa niya ay nanayo lahat ng balahibo ko sa batok. "Mister, are you trying to seduce me?!" bulyaw na tanong ko't pabigla ko na inapakan ang preno ng Jeep.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon