Perfect Daughter

4.7K 131 13
                                    

Simula

Baybay ang daan patungo sa una ko na asignatura sa pang-umaga. Hindi ko ininda ang mga schoolmate at mga kaklase kong nagkakagulo at naghihiyawan sa kabilang bahagi ng malawak at malapad na school ground ng campus.

And there, nakikita ko ang ugok kong bestfriend na si Tephany na nakisabay sa mga kababaihan na walang ibang pinupunterya kundi ang siga ng aming paaralan na walang ibang ginagawa kundi makipagbasagan ng ulo sa labas ng aming school campus.

Tila ba ang mga kababaihan ay nahuhumaling sa lalaki at walang ibang bukang bibig kundi si Niccolo Adonis na nag-iisang anak ni Don Franco Whitlock isang Mafia Leader na sangkot sa mga illegal na gawain ng lipunan. Makapangyarihan at hawak sa leeg ang mga awtoridad.

Napangiwing pinagpatuloy ko ang aking hakbang. Hindi ko pinansin si Tephany na tulo-laway na sinundan ng tingin si Niccolo.

Hindi man lang alintana ng lalaki na nakabukas ang suot nitong uniporme na labag sa patakaran ng paaralan naming pribado. Nakasuot pa ito ng hikaw. Walang kasapi ng paaralan na nangahas na sawayin ang binata sa pagsuway ng patakaran ng paaralan dahil isa rin sa galamay ni Don Franco ang may-ari ng unibersidad.

"Bella."

Dinig ko na may tumawag sa aking palayaw mula sa likuran. Hindi ko pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa aking hakbang. Sigurado ako na ang ugok kong kaibigan lang iyon.

"Isabella Rose Garcia!"

At hindi pa talaga nakontento at binigkas ang buo kong pangalan. Napinto ko ang hakbang na napahugot ng hininga. Pansin kong lahat ng mga mata ng estudyante ay nasa sa akin at pati na rin si Niccolo dahil sa sigaw ni Tephany.

Tang inang Tephany!

Ang pinaka-ayaw ko ay maging sentro ng atensiyon. Mas gustuhin ko na lang maging hangin o kaya multo na hindi nakikita at binibigyan diin ng mga tao.

Tumakbo ang kaibigan ko't daling kinawit ang mga braso sa bisig ko. "Kanina ka pa?" nakangiting tanong ni Tephany.

Magka-ibang magka-iba kami ng personality ni Tephany. She's a happy go lucky lady. Palangiti at masayahin-dinadaan ang problema sa ngiti at tawa at may supportive na mga magulang.

"Kailangan mo pa talaga gumawa ng eksina para itanong sa'kin 'yan?" pabulong na sumbat ko sa kaibigan. Pasimpleng kinurot ang ko tagiliran ni Tephany.

"Aray ko naman, Bella!"

Pasimple ko rin na ginala ang mata sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag at wala na ang mga mata na nakatuon sa akin at bumabalik na kay Niccolo ngunit hindi ang mga mata ng lalaki.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. His eyes were on my nerdy glasses and it was cold. Wala akong makapang emosiyon sa mga titig na pinukol niya. Nakapamulsa at makisig na nakatayo mga ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan namin ni Tephany.

He's taller than an average 12th grader. Pareho kami na nasa huling taon na sa Senior high. Ang lalaki ay may malalapad na balikat, makikisig na pangangatawan at may hitsura... physically fit. Maliban sa mga katangian na nabanggit ko ay wala na akong magandang ilalarawan na katangian para sa lalaki. He's a delinquent yet he's popular to young girls in our campus.

Hindi ako tuminag at nanatitiling nakatitig sa lalaki. And what strange was I felt my heart suddenly skips a beat as he kept his eyes on us. Parang tinaga ng mga titig niya ang kaluluwa ko.

Napansin kong humigpit ang pagkakapulupot ni Tephany sa aking bisig at pabebeng ngumiti.

"Tumingin si Niccolo sa 'tin, Belle," pumipiyok pa na saad na Tephany na halatang kinikilig ang singit.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon