Kawangis

505 16 0
                                    

"Please, Isabella wake-up!" Giit ni Niccolo as he saw Isabella slowly losing her concious. She was stucked inside the car. Kita niya ang dugong tumakas sa kalsada mula sa pagkabagok ng ulo ni Isabella.

"Harapin mo ako, Niccolo!" bulyaw ng lalaki na kanina pa siya pinagtuonan ng sapak at tadyak.

Hindi man lang alintana ni Niccolo ang mga tama ng kamao at sipa. He kept defending himself from the attack while forcibly dragging himself near to the woman he loves the most who is bloody and dying at the moment.

"Isabella!"

Wala na siyang narinig na sagot mula kay Isabella. He was a mess. Maraming pasa at sugat sa katawan. Sadsad sa kalsada ay ginapang niya ang kinaroroonan ni Isabella.

"Isang kilos mo pa at hindi ako magdadalawang isip na basagin ang ulo mo, Niccolo!" Babala ng boses mula sa likuran.

Sa halip na pakinggan ay tila binging mas ginapang ng binata ang sarili papalapit sa babaeng mahal niya. "I-Isabella!" Inabot niya ang handle ng kotse upang buksan iyon.

Isang putok ng baril ang pumainlang sa paligid pero wala doon ang isip ni Niccolo. Nakatuon siya sa pagligtas kay Isabella na sa sandaling ito ay wala ng malay. Maraming galos dahil sa nabasag na salamin ng kotse.

"I-Isabella, mahal ko—"

Napalingon ang binata sa apoy na nagsimulang lumaki at nagliliyab sa paligid sanhi ng petrol na tumagas at kumalat sa kalsada.

Hindi ininda ang sakit sa katawan ay pilit siyang tumayo upang ilabas si Isabella. Pilit niyang kinaladkad ang dalaga ngunit sadyang naipit ang pang-ibabang bahagi nito sa ibaba sanhi ng pagkabangga nila.

"Niccolo!" Bulyaw na naman ng boses ng lalaki sa likuran. "Just die!" Sigaw nitong akmang itapon ang isang lighter sa petrol na tumagas.

"Mori!" Sigaw ni Niccolo nang makilala ang lalaki. "You're fucking alive!" Naging mabilis ang kilos ni Niccolo na pinigil ito. Gamit ang natitirang lakas ay isang malakas na suntok ang tinapon niya sa mukha ng traydor na si Mori. Sumadsad ito.

"I am, Niccolo. Buhay pa ako upang singilin ka sa pagpatay mo sa aking ama!" Tumayo ang lalaki at sinuklian ni Mori ng atake si Niccolo. Kapwa sila nagpalitan ng suntok na hindi ininda ang apoy na unti-unting kumalat.

"Wala akong paki-alam who's your father! Just fucking die!"

"Hindi ako ang dapat mamamatay kundi ikaw, Niccolo! Pinatay mo si Franco dapat lang na mamamatay ka!" Mori pulled and aim the gun to Niccolo's forehead.

"Ikaw ang dapat mamatay, lahat kayo ng kasapi mo!" Niccolo said with emphasis. He automatically grabbed the gun and aim it to Mori.

"Kung ayaw mong mamatay... then maybe killing Isabella will be worth it! I will make sure you'll suffer all your life, Niccolo, you will!" Pagkasabi niyon ay tila kidlat na tinapon ni Mori ang lighter na nakasindi sa kumalat na petrol.

"No! Mori! You fucking bastard!" Niccolo pulled the trigger without hesitation.

Kasabay ng putok ng baril ay ang pagsabog ng kotse na kinaroroonan ni Isabella.

"Isabella!" sigaw ni Niccolo kasama ang luhang kusang tumakas sa kanyang mga mata. "Isabella, no... don't die!" Wala sa tamang pag-iisip na iniwan niya ang nakahandusay na si Mori. Sinulong niya ang malaking apoy na hindi ininda ang init na lumapat sa balat niya.

"Isabella!" sigaw ng binata kasabay ang paghagulhol niya ng walang puas.

***

"Daddy?" si Chiara na sumilip sa siwang ng pinto ng silid na kinaroroonan ni Niccolo. Nilapag niya ang hawak na baso na may lamang brandy. Pilit na ngiti ang pininta niya sa labi bago binalingan ang anak. "Come here, princess."

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon