Perfect Imperfection

3.9K 116 12
                                    

NAMUMUGTO ang mga mata mula sa kaiiyak ko kagabi dahil sa sermon ni mommy ay matamlay kong inayos ang sarili sa harap ng salamin. Tinalian ko ang mahabang buhok na lampas balikat at kinubli ko na naman ang hitsura sa likod ng malaking salamin sa mata.

Sukbit ang napsack bag sa likod ay lumabas na ako sa sariling silid. Pagkababa ko naabutan ko si mommy, daddy at ate Roda sa hapag-kainan na nag-aagahan.

Maingat at tahimik akong dumulog sa mesa. "Magandang umaga po, daddy, mommy, ate Roda."

"Maupo ka na, Bella," si daddy na nagbabasa ng diyaryo na hindi ako binalingan. Panay higop sa mainit na kape.

"Ikaw talaga, Isabella anong oras na at ang tagal mong nagising. Tingnan mo ang ate mo patapos nang kumain!" sermon ni mommy sa umaga.

Sinulyapan ako ni ate Roda. Nakita ko ang simpatya na bumakas sa mga mata ng kapatid ko. Hindi kami palaging magka-usap o magkasama ng ate dahil gaya ko ay sunog-kilay din at ayaw bumaba ang marka.

"Sorry po, mommy," na-upo na ako at nagsimulang kumain.

Makalipas ang sandali ay tumayo na sina daddy at ate Roda upang umalis. Si ate Roda ay nasa kolehiyo na't palaging sumasabay kay daddy papuntang bayan.

Hinagkan ni daddy si mommy saka naunang lumabas patungo sa garahe.

"Aalis na ako, Bella," bulong ni ate na tinapik na ang balikat ko. Umikot siya kung saan si mommy naka-upo at hinalikan sa pisngi.

Tumungo lang ako. Kinubli ko ang nangingislap kong mata. Pinagpatuloy ko ang pagkain kahit na ba wala akong malasahan.

"Mag-ingat ka, Roda h'wag kalimutan at mag-aral kung may bakanteng oras," bilin ni mommy na sinulyapan ako na may kasamang ismid.

Alam kong dama ni ate Roda ang nararamdaman ko dahil gaya ko ay sinesermonan din ito ni mommy. Malimit nga lang dahil maganda naman ang perfomance ni ate.

WALANG ganang tinungo ko ang locker ko upang iwan ko doon ang iba ko pang libro bago magsisimula ang unang asignatura namin.

Pagkabukas ko pa lang ng locker ay may napansin akong isang note na nahulog. Dali ko iyong pinulot at sinuri.

"YOU DON'T NEED TO BE PERFECT TO BE APPRECIATED"

Habang binasa ko ang note. Tila ba isang bugso ng damdamin ang nadarama ko at hindi ko napigilan ang luha ko.

Sa tanang buhay ko ni-minsan hindi ko naalalang pinuri man lang ako ni mommy o kaya ni daddy. Kahit sa pagpupursige kong makakuha ng mataas na marka ay kulang pa rin.

Naalala ko pa no'n noong natalo ako sa isang paligsahan sa General Knowledge ng paaralan. Isang mahabang sermon at malakas na sampal ang inabot ko kay mommy pagka-uwi ko ng bahay. To be my parents daughter you should be good and perfect to be appreciated.

Pahid ang namamasang pisngi ay may pag-alinlangang ginala ko ang mga mata sa paligid. May hinanap ang mga mata ko.

Bukod sa akin ay si Juanito Santos lang ang nando'n sa locker room na kadadating lang. Isang miyembro ng dance club namin.

"Good morning, Bella." Si Juanito.

Subalit hindi ko pinansin ang binatilyo. Ginala ko pa ang paningin hanggang sa may namataan akong nakatalikod na lalaking papaalis. Sigurado ako na ang lalaking iyon ang may pakana ng note.

Tinakbo at hinabol ko iyon.

"Teka!" Ngunit mabilis itong lumihis sa isang kanto ng pasilyo. Pagkadating ko doon ay wala na akong nakitang estudyante at tahimik ang buong paligid.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon