Wakas o Simula?

566 12 0
                                    

"Isabella." Nakatuon ang mga mata niya sa papalubog na araw.

Umungol lang ako. Gaya ni Niccolo ay nakatuon ang mga mata ko sa namumulang kawalan mula sa baybayin na aming kinaroroonan. Ang hampas ng alon at simoy ng hangin mula sa karagatan ang tanging gumagawa ng kaluskos at ingay sa sandaling yaon.

"I am nervous," pag-amin niya.

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam kung paano ko pakikiharapan at ipakilala ang sarili sa ating prinsesa."

Isang maliit na ngiti ang pinakawala ko. "Mabait si Chiara, Niccolo. Hindi sa ganoon kadaling paraan... pero mapasaan man ay mapapalapit ka rin sa kanya. Isa pa nandito ako para ipaiintindi sa anak natin."

"Sana nga dahil ang ama niya'y isang mamamatay tao-"

"Kahit ikaw pa ang pinakamakasalanang tao sa mundo, hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo. Alam ko na mahirap man ipa-intindi sa murang edad ni Chiara pero alam ng anak natin na may katangian ka na maganda. You're loving, compassionate at alam iyan ni Chiara. Nagkakilala na kayo di ba?"

Umungol siya bilang pagsang-ayon.

"Tama ako. Hindi ako nagkakamali na ikaw ang sinasabi ni Chiara na kaibigan niya... and she likes you a lot."

"Really?"

"Yeah, palagi ka nga niyang binabanggit sa akin kahit na binalaan ko na h'wag makipag-usap sa isang estranghero."

"I can wait to see our princess, Isabella." Mas hinapit niya ako at muling dinampian ng halik sa labi sa ilalim ng papalubog na araw sa isla. Inabot niya ako at pinulupot ang bisig sa aking beywang. "Sana'y ito na ang masayang wakas, Nerdy."

"This could be it. Gagawin natin ang lahat at dapat ito na talaga ang masayang wakas, Niccolo."

***
"Lola!" Si Chiara nang kiniliti ng lola niya.

Araw ng Sabado at bumisita ang magulang ko sa bahay. Galing pa ang mga ito sa simbahan.

"Ikaw talaga." Si mommy na tumigil sa kakakiliti sa apo saka pinagpag ng halik.

"Naku, Evelyn sobrang spoiled na n'yang apo mo sa ginagawa mo!" Si daddy na sinulyapan ang iba't ibang laruan ng binili ni mommy na nakalatag sa carpeted na sahig. Magkatabing naka-upo sila sa kahanay na sofa.

"Eh, wala naman tayong ibang mabibigyan. Wala 'atang balak ni Roda mag-asawa." Si mommy na pinariringgan si ate na susubo sana sa cake na nasa platito.

"M-mommy!" Ibig mabilaokan ni Roda sa narinig. Pinamulahan ito ng pisngi at daling nag-iwas ng titig. Ang isang fearless lawyer ay tila naging maamong pusa.

"Eh, di ba may nanliligaw sa'yo?"

"Mommy, ka-usapin mo na si Chiara at h'wag ako. Wala akong oras sa ganyan. Marami akong kasong kailangan isalin sa korte-"

Hindi natapos ni ate ang sinasabi nang tumunog ang doorbell. Napahinto kami sa pinagkaka-abalahan.

Nagbuluntaryo ako na magbukas ng pinto. Bumungad sa aking harapan ang ama ng anak ko. Nakatayo siya sa pintuan na may bitbit na kumpol ng mga rosas. Malinis at bagong gupit. Nakasuot ng puting long-sleeve na bahagyang nakabukas ang dalawang butones. Itim na slacks pants. He smells nice. Napakapresentable at gwapo.

Nanigas na lang ako sa kinatatayuan at hindi ko mawari ang gagawin.

Tumikhim si mommy Evelyn mula sa likuran na nagpabalik ng aking diwa sa kasalukuyan.

"Friend?" si Chaira na kanina pa pala nakalapit. Nakatingala sa ama niya.

"H-Hi." Si Niccolo na halatang kinabahan. Yumuko ito upang magpantay ang mukha niya sa anak. Bakas sa mukha niya ang matinding pangungulila. Pinagsawa ng binata ang mata sa mukha ng kanyang prinsesa.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon