Watching from a Far

358 13 0
                                    

A few years back in Italy...

"Young master Adonis," mahinang turan ni Lucia isa ng kawaksi ng Whitlocks household. Tumatakbo ang babae na nilapitan ang kanyang alaga na si Adonis anim na taong gulang anak ni Senior Leonardo. Isa sa pinakamayaman dito sa Italia.

Sinisira at pinagtatapon ni Adonis ang mga mamahaling laruan na binili ng ama. Noong isang araw ay pinagugupit ng bata ang mga mamahaling halaman at tanim sa hardin. Wala rin nagawa si Lucas ang hardinero sa kabila na isa lang naman siyang serbidor ng pamilyang Whitlock. Ilan lang iyan sa mga pinagagawa ng anak ng kanilang amo.

"Young master," malumanay ang tono ng boses ni Lucia kahit na ba hindi kaaya-aya ang ginawa ng bata. Maingat lang niyang dinampot iyon at niligpit.

"Damn, is anybody here can me treat different?" Nakangusong tumigil si Adonis. Nilampasan niya ang serbidora sabay na tinadyakan pa ang iilan pang laruan.

Napabuntong hininga si Lucia na sinundan ng tingin ang alaga. Matigas ang ulo ng bata at bastos ngunit alam niya sa loob na paraan lang iyon ni Adonis upang mapansin ng ama na walang ibang inatupag kundi ang kanyang pera.

Naglakad si Adonis sa malawak na pasilyo hanggang sa nadaanan niya ang opisina ni Leonardo na bahagyang naka-awang. Abala ang kanyang ama at may ka-usap sa telepono.

"Yes, book my flight and I'll be there."

Lumapit si Adonis sa nakaawang na pinto. Mataman niyang tinititigan ang ama mula sa bukana. "Dad?"

Binalingan siya ng ama na nakataas ang kilay. "Dad, can I play with you?"

Sa halip na sagutin ni Leonardo ang anak ay kinumpas nito ang palad pataboy.

Laglag balikat sa tumalikod si Adonis. Palagi na lang walang oras sa kanya si Leonardo. Hanggang sa namataan niya ang alagang pusa ng ama.

Walang gatol na kinuha niya ang isang matigas na kasangkapan sa isang tabi. Matalas na titig ang pinukol niya sa pusa kasabay niyon ay hinambalos niya ang kawawang hayop at iyon ay nalagutan ng hininga. "Stupid old man!"

***
Pilipinas...

"Lito?" kampanteng tinawag ni Leonardo ang kanang kamay niya dito sa Pilipinas na si Lito.

"Boss?"

"Sabihin mo kay Brando na ipasyal sina Adonis, Jigs pati na si Mori sa parke. May gagawin tayo mamaya mas nakakabuti kung wala dito ang mga bata."

"Yes boss."

Bumaba sa magarang kotse sina Adonis, Jigs at Mori na ang mga ama ay kabilang din sa pangkat ni Leonardo. Nasa tapat sila ng isang pampublikong parke.

Tumakbo at masaya si Jigs na nauna na sa seesaw. Samantala si Adonis ay bagot at hindi maipinta ang mukha sa inis dahil hinayaan na naman siya ni Leonardo. Tahimik lang si Mori na sumunod sa kanya.

Sa paglalaru nila sa parke kanina pa napapansin ni Adonis ang batang babae sa di-kalayuan. Nakabestida ng pula at may salamin sa mata. Nagbabasa ng magazine.
Dahil doon nakatingin si Adonis ay hindi niya napansin ang lumilipad na frisbee at tumama iyon sa ulo niya.

Tumatakbo si Jigs papalapit sa kanya't daling yumuko. "Sorry, young master!"

Pati na rin si Mori ay humingi ng paumanhin kahit hindi naman nito kasalanan.

Sa inis niya'y isa-isa niyang binatokan at sinapak ang dalawa. "Why can't you treat me equally? You always treat me as high as almighty!" gigil niyang sinapak ang mga kalaru dahil sa kanyang panibugho.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon