Special Chapter (Don't Go Insane)

584 18 2
                                    

Marahang tinulak ni Niccolo ang glamorosong pinto. Sinalubong agad siya ng mamahaling pabango ni Leonardo. Ginala niya ang mata sa silid nakita niya ang amang nakatitig sa labas ng bintana habang humihithit ng tabacco.

Tumikhim siya upang makaagaw pansin sa matanda. "Hey, old man?"

"Are you bored, Adonis?" Isang mahinang tawa ang pinakawala ni Leonardo. "What brings you here?"

Hindi siya nagsalita. Sa simula pa lang ay hindi na ganoon kabukas silang mag-ama sa isa't isa.

"How's your wife?" Kampanteng tanong ni Leonardo. Hinakbang nito ang paa sa patungo sa nakabukas na veranda.

"She's fine." Nilapag niya ang dala na may katamtamang laki na kahon sa ibabaw ng lamesa. "Here," tipid niyang sabi.

"And what's that?" bumaling si Leonardo sa kanya ta's sinulyapan nito ang kahon na nakalapag.

"A gift."

Muli ay mahinang tawa ang pinakawala ng matanda. "And when have you been thoughtful, Adonis?"

"Just today, old man."

Tahimik lang si Leonardo at muling humithit ng tabacco.

"Hindi na ako magtatagal at hinihintay na ako ng asawa't anak ko."

"Go ahead!"

Bago siya lumabas ay binalingan muna niya ang matanda. "Grazie papà (thank you, dad)." Mahina lang iyon pero alam niyang narinig nito.

Sinundan ng tingin ni Leonardo ang kanyang anak. Isang matamis na ngiti ang pininta niya sa labi. It's been a long time since his son called him dad. Hindi mapigilan ng matanda ang kagalakan.

Lumapit siya kung saan nilagay ni Adonis ang kahon. Sabik niya iyong binuksan. Tumambad sa mata ng matanda ang isang maliit na kuting. Maingat niya iyong kinuha at hinaplos.

"He carries the guilt with him to this day, after all." The kitten meows.

***
Malapad ang ngiti ni Isabella lulan ng sasakyan. Kagagaling lang niya sa doctor. Pagkababa pa lang niya ay sinalubong agad siya ng mga tauhan ng kanyang asawa.

"Madam, good day."

Ngumiti siya sa kanila. "Where is my husband, Fred?"

"Kasama niya po ang kambal, madam."

Nagderi-deritso siyang pumasok sa loob. Umakyat siya sa papunta sa silid ni Chiara. Kumatok muna siya bago tinulak ang pinto.

"Mommy." Nakangiting binalingan siya ni Chiara. Nagbabasa ito ng libro. Dalaga na ang panganay nila, hindi lang basta dalaga napakagandang dilag.

"Where's your dad?"

"I think nasa playroom 'ata, mommy."

Tumango lang si Isabella na akmang isarado muli ang pinto. "Ipagpahinga mo iyang mata minsan, Chiara. Ang sobra ay nakakasama." Pahabol niya pa bago tinalikuran ang panganay.

Sabik na hinanap niya ang asawa. Nagpunta agad siya sa playroom. Napangiti siya nang marinig niya ang hagikgik ng kambal nila ni Niccolo na si Elena at Elora. The twins are now three years old.

"Mahal ko?" tawag niya pagkabukas ng pinto. Ang silid ay puno ng kalat at tila binagyo. May mga laruan at kung anu-ano.

Nakatalikod ang asawa niya sa kanyang direksiyon. Nakita niya sina Elora at Elena na humahagikgik na nakaharap sa ama.

"Mommy, welcome home." Si Elora ang unang pumuna sa kanya. Tumayo at tumatakbong sinalubong siya. Pinagpag niya ng halik ang kanilang anak.

"Mahal ko?" Ulit niya nang mapansing hindi gumagalaw ang asawa niya't nakatalikod lang. Kinabahang hinakbang niya ang paa papalapit kay Niccolo. "Mahal ko-" ibig magwala ang espiritu niya sa nabungaran. Pagkatapos ay isang matinis na halakhak ang pinakawala niya nang tuluyang masuyod ang hitsura ng asawa.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon