Taming a Cat

3.1K 115 5
                                    


NANIBUGHONG pumasok ako sa loob ng bahay matapos kong makapagkape sa umaga.

Mahigit isang buwan na pero wala akong namataan na imahe ni Niccolo. Ang kinaiinis ko ay palagi na lang ginagambala ng binata ang isip ko hanggang sa pagtulog. The kiss we shared kept apprearing to my mind. Holy cow!

Sabi pa niya, mananatili siya! Hindi naman pala!

Suot pa ang pajama ay binuksan ko ang tv nang biglang bumukas ang pinto ng aking apartment. Tumambad sa mga mata ko si Jigs.

"Hindi ka ba marunong kumatok, Mr. Jigs?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaki. Talagang nakasayan na ng mga ito ang pumasok ng walang pahintulot.

"My lady!" Bakas sa boses ni Jigs ang hindi mapalagay.

Bigla akong kinabahan. Did something happen to Niccolo? Did he get into an accident? Did someone stab him again? Kung ano -ano na pumasok sa utak ko.

"M-May nangyari ba? Nasaan ang Boss mo?" Hindi ko napigilan ang sarili.

"My lady, ano...

"Hurry and tell me, Mr. Jigs!"

"Am...

"Dalhin mo ako sa kanya ngayon din!" madiin na utos ko sa lalaki.

"Yes, my lady masusunod."

Hindi na ako nag-abalang magbihis basta na lang ako sumunod kay Jigs papalabas ng apartment. Hindi na ako nanghingi ng pahintulot nauna na akong humakbang patungo sa kabilang bahay. I feel so uneasy... I am worried. Yes.

Dali kong tinalunton ang pinto saka 'yon tinulak. Bumungad sa mga mata ko ang loob ng bahay. Hindi iyon basta bahay. Walang laman ang loob kung hindi pawang training equipment lang. From bench press, barbells, treadmill and punching bags. Ni-isang couch wala maliban lang sa mahabang bench. Nothing special except the place is a mess. Subalit hindi nakaligtas sa pang-amoy ko ang cologne ni Niccolo.

Ginala ko ang mga mata sa loob ng bahay hinanap ko ito pero hindi ko siya mahagilap saan man banda.

"Mr. Jigs, nasaan ang amo mo?" Punong ng pag-alalang tanong ko. "Did he get into trouble?"

"My lady...

Napatigil sa pagsasalita si Jigs. Inangat nito ang mata sa isang pasilyo. Isang iyak ng pusa ang narinig ko. Sinundan ko ang mga mata ng lalaki. Tumama ang mata ko kung saan nanggaling ang iyak.

"Boss!" si Jigs na dali daling yumuko.

There, I saw the man I had longed for a month. Niccolo. Kakalabas lang niya mula sa isang silid. Pangko niya sa Bella sa kanang palad.

"Isabella?" Bakas sa mukha niya ang gulat.

I was there pinning my feet on the floor while looking at him. My heart went wild as I saw him walking in my direction.

Kusa kong pinaglakbay ang mata sa kabuuan niya. May hinahanap ang mga mata ko ngunit wala akong mahanap sa katawan ng binata na maaaring ikapanganib ng buhay niya maliban sa mahabang galos sa dibdib. Kahit na ba tadtad ang katawan ng binata ng tattoo hindi pa rin iyon nakaligtas sa mapanuri kong mata.

Halata na kagagaling lang ng binata mula sa pag-eehersisyo. Pawisan ang buong katawan. He wears only his black track pants and I could see his sculpted chest down to his muscled abdomen to his Adonis belt. Bahagyang sumilip ang tattoo niya sa ibaba ng kanyang pusod 'Bella' inked with a gothic heavy metal fonts. Ang pangalan ng pusa.

"Pasensiya na, Boss," si Jigs na yumuko.

"D-Did you hurt somewhere ?" pumiyok na tanong ko kay Niccolo. Bakas ang tinig ko ang panginginig. Sinuri kong muli ang lalaki. "Asan? May sugat ka ba? Did somebody stab you again?" walang preno na sunod-sunod na tanong ko.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon