Who are you?

373 17 0
                                    

"I am sorry, Chiara. I do have an emergency hearing. I might be a little late, baby girl." Turan ni Roda sa kabilang linya. Bakas sa boses ng dalaga ang panibugho.

"It's okay, tita. Daddy and tito Jigs are here naman po," magalang na sagot ni Chaira.

"Don't worry bibilisan ko para makaabot pa rin ako sa school events mo."

"Yes, please, tita. Thank you po bye." Nagkibit balikat si Chiara pagkatapos ma-end ang tawag.

"Princess, what did tita Roda say to you? Will she make it?" Yumuko si Niccolo upang makita ang mukha ng prinsesa niya.

Nakangusong umiling ang bata. "She said she had something important to attend in court, Daddy. She might be late."

Nanibughong hinagod ni Niccolo ang likod ni Chiara. "Don't worry daddy can do everything, you know." Pinalakas ni Niccolo ang loob ng anak niya.

"Good day, students and parents! We will start our activity. For boys, you can have your dad help you with carpentry, and for girls, your mom will assist you with stitching and flower arrangement" Pahayag ng guro sa mga bata at magulang na umattend sa events.

"Daddy are you sure? You can do stitching?" bakas sa mukha ni Chiara ang pagdududa.

"Of course, walang di kayang gawin ang daddy." Nginitian niya ang anak.

"Don't worry, young lady we got you. We can participate in this event fair and square.!" Segunda ni Jigs.

"Okay then." Ngumiti si Chiara na binalingan si Jigs.

Saglit ay tumunog ang cellphone ni Jigs. "Wait here, boss I have something to take care of. " Tumalikod ag lalaki na walang lingon lingong sinagot ang cellphone.

"Jigs, bumalik ka dito at magsisimula na-" Pigil ni Niccolo sa lalaki pero dumiretso ito sa isang pasilyo. Sumusukong tinuon na lang niya ang atensiyon sa kanyang prinsesa.

"Daddy, come here." Inakay siya ni Chiara sa nakalaan na mesa. Masayang sumunod naman ang binata sa anak.

Naghihintay sila ni Chiara sa pagsisimula ng stitching activity nang may na-upo sa tabi nila.

Isang babae. Ang buhok ay mahaba at medyo alon-alon. Nakasuot ng mahabang bestida na kulay pink. May nakalagay sa ulo ng isang head dress na katerno sa bestida. Hindi niya makita ang hitsura at kay Chiara nakaharap. May hawak na pamaypay na singbilis ng kidlat na pinaypayan ang sarili.

"Excuse me, maam hinahanap n'yo ba anak n'yo?" Pilit na pinuna ni Niccolo ang babae na naupo sa tabi niya. Si Chiara naman ay gulat na pinaglakbay lang ang mata sa babae. "Ma'am, are you looking for your-

"Mr. and Mrs. Whitlock?" Lumapit ang guro ni Chiara sa mesang kina-uupuan nila.

"Yes, Whitlock family, here," saad ng babae itinaas ang palad sa ere

Nagsalubong ang kilay ni Niccolo nang marinig nito ang pag-angkin nito sa kanila. "Excuse me, hindi kita asawa, madam-" hindi natuloy ni Niccolo ang sasabihin nang humarap sa kanyang ang babae.

"Yes, honey." Maarteng sabi pa nitong kinindatan siya.

Ibig mag-alsa balutan ang kaluluwa ni Niccolo sa bumungad sa kanyang mga mata. "Jigs!?"

"Honey, it's Mrs. Whitlock!" maarteng saad ng tauhan niyang nag cross dressing.

Narinig niya ang mahinang hagikgik ni Chiara. Pinasadahan nito ng titig ang lalaki.

"Jigs, are you an idiot!? How dare you tarnish my princess's reputation," pasimpleng bulong niya sa kabila ng pagtitimpi niya.

"Our princess likes it, honey!" maarteng saad ng lalaki na binilisan ang pagpaypay. Sinulyapan nito si Chiara na nakangiti. "Di ba young lady, ang ganda ni Tito Jigs ngayon?"

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon