Pretty Smile

323 17 1
                                    

Natagpuan ko na lang na yakap-yakap ko ang lalaki. Pinakiramdaman ko ito. Kahit man lang sa ganoong paraan ay maibsan ang pangungulila nito sa dating kasintahan.

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Tumikhim ako bago nagsalita. "C-Can I let go now, Mr. Niccolo?" The energy from his body made me stammer like a moron.

"Oh, sorry I wasn't aware of my actions, Ava." Binitawan niya ang pagkakahapit sa balakang ko.

Napaismid ako sa narinig bago kinalas ang sarili kay Niccolo. "You weren't aware of yourself as always!" I muttered and sat on the chair next to him.

Hindi niya ininda ang mahinang saad ko. Kusa niyang inabot ang baso na may lamang whiskey at nilagok iyon. He smoked the cigarette.

I am not into smoke. Hindi ko napigilang mapa-ubo sanhi ng usok na nalanghap ko.

"I am sorry." Diniin ng lalaki ang nagbabagang sigarilyo sa ashtray na nasa ibabaw din ng lamesa.

Tumayo siya pagkatapos. Sinundan ko lang siya ng tingin. Pumasok siya sa nakabukas na pinto ng silid na inuukupa niya. Nang bumalik ang lalaki ay may bitbit na siyang isang bote ng Chateau Lafite 1869 wine at isang kopita. Nagsalin siya sa baso saka inabot sa akin.

"Thank you." Isang tipid na ngiti ang ginuhit ko sa labi. "I heard from Hector that you own this place." Panimula ko.

Sa halip na sumagot ay inangat lang ng lalaki ang sariling paningin sa madilim na kawalan na puno ng mga bituin.

"Thank you for letting me stay here for a while." Sinundan ko siya na tiningala ang kumikinang na kalangitan.

"Did you enjoy the place, I mean did you feel at home?" tanong niya na nagsalin din ng alak sa kanyang baso.

Napatikom ko ang labi. No I didn't feel at home at all. Pakiramdam ko ay estranghero ako sa lugar na ito... sa mundong ito.

Sa halip na sagutin ko ang tanong niya ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawala ko na niyakap ang sarili.

"I guess you don't," aniya.

"Hindi sa gano'n... the place is cozy and comfortable pero hindi ko alam naninibago ako sa lugar... I mean... sa buhay ko-"

Niccolo flinched in my direction. Tinuon niya ang mapupungay na mga mata sa'kin. Ang mga mata niya ay puno ng simpatya na hindi ko matukoy kung bakit.

"I heard from Hector you got into a car accident a year ago." Mataman siyang nakatitig sa akin.

Umungol lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Oo. I got into a car accident a year ago which is the cause of the loss of all my memories. Pati ang pagkakilanlan ko sa aking sarili ay nawala. Hindi ko alam kung sino at ano ang pangalan ko. Nang magising ako pinakilala ni Hector sa akin si Ava ngunit hindi ko matagpuan ang sarili sa katauhan ni Ava. Pinili ko na iyon ang paniwalaan ko... na ako si Ava.

Iniwan niya ang baso sa lamesa. Inusad niya ang paa paharap at papalapit sa akin. Yumuko siya at kusa niyang dinala ang mga daliri sa pisngi ko. Gusto kong iiwas ang sarili ngunit natagpuan ko na lang na hinayaan siyang haplosin ang pisngi ko. Napahigpit ko ang pagkakahawak sa kopita.

"I am sorry." Mahina pero may diin na paghingi niya ng paumanhin na hindi ko maintindihan. "I am sorry, Ava."

Napalunok ako ng laway na nakipaglaban ng titigan kay Niccolo. Walang salitang namutawi sa labi ko't hinayaan ko lang siyang damhin ako.

"I am sorry if I didn't save you!" His fingers tremble for what reason I don't have any idea. He was a centimeter away I could feel his breath. The smell of cigarettes from his breath wasn't pungent but rather hypnotizing.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon