Tala!

292 13 0
                                    

Humihingal na tinakbo ko ang baybayin hanggang sa narating ko ang malawak na kapatagan ilang metro mula sa dalampasigan. Nakatingalang sinundan ko ng tingin ang pribadong Eurocopter EC120 helicopter na papalapag.

There, I see Niccolo waiting for the helicopter to land. He's about to leave.

Malakas at maingay ang ikot ng rotor blade ng sasakyang himpapawid. "Niccolo!" Sadyang nilakasan ko ang boses upang maagaw pansin niya ang presensiya ko mula sa likuran. Sa inaasahan ay bumaling siya sa akin.

Hindi ko malaman pero nakadama ako ng lumbay nang malaman ko na babalik ang binata sa Maynila kahit na ba wala naman akong karapatan.

Pinilit ko na maging mahinahon. Kuyom ang palad na binuka ko ang labi. "Y-You're leaving?"

Kampanteng hinakbang ni Niccolo ang paa pabalik sa kinatatayuan ako. Malakas ang hampas ng hangin mula sa rotor blade na tila ba mabubuway ako sa kinatatayuan o siguro nga sanhi ng emosiyon na kanina ko pa pinigilan. I don't want him to leave!

"Y-Youre leaving?" ulit ko nang tuluyan siyang nakalapit sa akin.

Nakapamulsang ngumiti siya ngunit hindi iyon abot sa kanyang mga mata. Hindi siya nagsalita sa halip kusa niyang inabot ang pisngi ko at hinaplos.

"Aalis ka na?" muli ko na tanong na pinigilan na hindi gumaralgal ang boses.

"May kailangan akong asikasuhin sa trabaho." Malamlam ang mata niyang nakatitig sa akin. He sounds sorry.

Tila nilamon ang tainga ko sa lakas ng pintig ng puso ko. Dinaig nito ang malakas na ingay ng paligid. "A-akala ko ba sasamahan mo 'ko—" pumipiyok ang boses ko.

"Sandali lang ako."

"Pero—"

"I want to stay. Watch you... guide you, spend more time with you... wait for you no matter how long—" he pause in midsentence. Ginala at pinagsawa niya ang mata sa mukha ko.

"Hindi kita maintindihan pero gusto kitang manatili dito, Niccolo," pag-amin ko na sinakop ang palad niyang nasa pisngi ko. Nanginginig ang baba ko dahil sa pinigilang luha.

"Boss, we need to hurry!" bungad ng lalaki sa likuran niya.

"Babalik ako," bulong ni Niccolo na binitawan ang pisngi ko. Tumalikod na siya na tinungo ang kinaroroonan ng helicopter.

Mahigpit na kinuyom ko ang palad. Kalap ang tapang ay muli ko siyang tinawag. "Niccolo!" Humugot ako ng hangin. "Hihintayin kita. Maghihintay ako sa pagbabalik mo!" Taos-pusong sigaw ko.

Naging mabilis si Niccolo na bumalikwas. Tinawid niyang muli ang ilang metrong layo namin sa isa't isa. Kusa siyang yumuko. Inabot ang batok ko't pinagsakob ang noo namin. "I'll be back... babalikan kita, Ava."

Walang pahintulot na sinakop niya ang labi ko. Ginawaran niya ako ng halik na masuyo. Halik na napakabanayad. Halik na nagkapagpapawi sa aking alalahanin. Halik na puno ng kasiguraduhan. Kusa ko na naipikit ang mata na dinama ang halik niya hanggang sa kusa siyang kumalas.

"Babalikan kita." Tumalikod na siya na hindi na muling lumingon pa.

Habang paunti-unti siyang naglaho tila ba nilamon ang katinuan ko ng lumbay saka ko napagtantong may umuusbong na pala akong damdamin para dito.

***
Mula sa mahimbing na tulog ay naramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Pungas-pungas na ginising ko ang diwa. Pilit ko na minulat ang mga mata. Sinalubong ako ng isang pamilyar na pigura. Pigura na ilang araw nang inasam-asam ko.

"N-Niccolo?" Pakiramdam ko ay nanaginip lang ako ngunit dama ko ang init ng daliri niyang dumantay sa balat ko. "Niccolo?!" Aninag ko ang gwapong hitsura niya mula sa maliit na tanglaw na nagmumula sa lampshade na nasa bedside table.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon