Wakas

592 18 4
                                    

"Take it off slowly," boses ni Hector ang narinig ko.

Ang malamig ng dampi ng hangin mula air-conditioned room ang tumama sa aking batok habang paunti-unti kinalas ang bandahe na nakataping sa aking mukha. Hanggang sa iyon ay natanggal ng tuluyan.

Nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Nilamon ako ng takot na magkahalong sabik. Sabik akong makita ang bubungad sa aking harapan.

"Nandito ako, mahal ko." Nahihimagan ko si Niccolo. Bahagya niyang pinisil ang magkabila kong bisig. Dama ko ang pagdampi ng labi niya sa bunbunan ko.

"Thank you." Matamis na ngiti ang pininta ko sa labi. Hindi pa rin ako naglakas loob na imulat ang aking mga mata.

"Open your eyes, Isabella," utos ni Hector.

My body trembles. I am scared. I felt Niccolo tightened his grip on my palm. "Don't be scared, Isabella. Now, open your eyes."

Umungol ako bago ko dahan-dahang minulat ang aking mga mata. Una'y hindi ko masyadong aninag hanggang unti-unti iyong naging malinaw. Tumambad sa harap ko ang malaking salamin saka ko nakita ang babae sa repleksiyon.

Habang sinuyod ko ang sarili hindi ko napigilan bumalong ang mga luha. Nakikita ko na ang dating ako. Ang dati ko na hitsura.

"Napakaganda mo, mahal ko." Tumabi si Niccolo sa inuupuan ko na kama. Inakbayan niya ako at kinintalan ako ng halik sa pisngi. Kapwa namin pinaglakbay ang mata sa aming repleksiyon.

"Isabella, welcome back!" Ngumiti si Hector na pinaglakbay ang titig sa aking hitsura. "Doctor Begobic is a skilled surgeon after all. You look perfect and stunning, Isabella."

"Thank you, Hector."

***
"I-Isabella!?" Hindi maipinta ang mukha ni mommy Evelyn nang masilayan ako mula sa bukana ng pinto ng bahay. "I-Ikaw ba talaga 'yan, anak?" Nanginginig ang mga daliri ni mommy na inabot ang pisngi ko't hinaplos. "B-Buhay ka?!" Tuluyan niyang pinakawala ang luha na pinagsawa ang mata sa kabuuan ko.

"Mommy." Kusa ko siyang niyakap ng mahigpit. Humihikbing binaon ko ang mukha sa balikat ni mommy. Ilang taon din kaming magkalayo.

"Madam."

Bungad ni Niccolo mula sa likuran na nakapagpaagaw ng atensiyon ni mommy. Nanginginig na kinalas ni mommy ang sarili sa akin at sinalubong si Niccolo. Walang namutawing kataga sa bibig niya sa halip isang malakas na sampal ang binato niya sa pisngi ng binata.

"What have you done!" tuluyang pinakawala ni mommy ang hagulhol. Matalas na titig ang binigay niya kay Niccolo.

"Mommy, please." Nilapitan ko si Niccolo mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang palad.

Niccolo break down. Kusang bumagsak ang tuhod niya sa sahig. Laglag ang balikat na yumuko ang binata. "I am terribly sorry, madam."

"Ipinagkatiwala ko ang anak ko sa'yo pero umabot pa rin sa ganito. Sa pagnanais ko na mabigyang magandang buhay ang apo ko... pero ang anak ko naman ang namiligro-"

"As I said I am terribly sorry, madam. Inaako ko ang kasalanan ko."

"Niccolo-"

"But I must grab this opportunity to ask your permission, Madam Evelyn. I want to marry your daughter—"

"Tang ina! Nahihibang ka na ba? Sa kabila ng mga nangyari hahayaan ko pa ang anak ko na makasama ka?"

"Mahal ko si Isabella, madam at kahit na tanggihan mo ako sa pagkakataon ito, hihingin ko pa rin ang kamay ng anak n'yo para pakasalan ko... kahit na paulit-ulit ko man na hingin ang permiso n'yo hindi ko siya susukuan. Gusto ko siyang maging asawa. Siya't siya lang."

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon