Solo Memoria

326 17 1
                                    

"Fuck you, Hector!" Halos mabasag ang baso na hawak ni Niccolo nang mailapag niya sa ibabaw ng counter. "Who is Ava?"

"Pinsan ko nga, bakit mo ba ako kinukulit tungkol sa kanya?" Tinungga ni Hector ang lamang whiskey sa baso.

"We've been together since kids, alam mo 'yan!"

"Oo, anong problema mo?"

"Wala akong natatandaang may pinsan kang Ava. Tell me who she is?"

"Pinsan ko nga, ang kulit mo!"

"No, I don't believe you-"

"Anak si Ava ng kapatid ng papa na si Tito Fred. She's my second degree cousin. Malamang di mo talaga siya makikita dahil sa New York siya lumaki. Anong akala mo ang liit ng mundo?"

Napabuntong hininga si Niccolo. "Maliit ang mundo naming dalawa, I always find her wherever I go and it sucks!"

Muling tinungga ni Hector ang whiskey sa baso. "Fate began to intervene." Mahinang bulong ng lalaki na dinukot ang cellphone sa bulsa.

"What did you say?"

"Wala may nabasa lang akong libro tungkol sa sinasabi nilang tadhana."

Muling napabuntong hininga si Niccolo na hindi binigyang diin ang sinabi ng kaibigan. Ibig nang sumabog ang utak niya nang dahil sa babae na walang ibang ginawa kundi nagpapaalala sa kanya kay Isabella.

"You know what, there is something about your cousin." Inalog-alog ni Niccolo ang baso.

"Ano na naman?" Kunwa'y bagot na nagsco-scroll si Hector sa kanyang newsfeed.

"Hindi ko matukoy basta there is something in her."

Hector smirked as he took a sip of his whiskey. "You are overthinking, Adonis. Siguro'y kailangan mo ng pahinga, boy."

"I am in my right mind, Hector. That cousin of yours is very odd."

"Bakit ba ang init init ng ulo mo kay Ava?"

"I don't know. I wouldn't say I like her aura. It's just that she reminds me of my late fiancee."

"Then?"

"She annoys me-"

"You are annoyed because she reminds you of her. Pinapaalala niya sa'yo ang iyong pagdurusa. Pinapaalala n'ya sa'yo ang iyong kahinaan... iyon ay ang pagkawala ng babaeng mahal mo na tinanim mo riyan sa utak mo na nangyari ang trahedyan dahil sa kapabayaan mo."

Niccolo clenched his fist. Nilagok niya ang huling laman ng baso. Wala naman siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya.

"And speaking of a person that annoys you--" Hector stopped in his midsentence habang binalik ang cellphone sa bulsa. Sinulyapan nito ang kabilang dako.

Sinundan ni Niccolo ang mga mata ng kaibigan. Tumama ang mata niya sa pinsan nito na kapapasok pa lamang sa bar na kinaroroonan nila.

Niccolo's heart went unstable as she followed his eyes to her. Pinilit niyang maging casual. Matamlay siyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa stool. "I am leaving!"

Sinulyapan ni Hector ang relo sa braso. "Ang aga 'ata, alas otso pa naman-"

"I am tired. At saka may naghihintay sa akin sa bahay."

"Well, if you are referring to your only princess. Wala akong panama, bro."

Hinayaan siya ng lalaki na magtuloy-tuloy na lisanin ang lugar. Bago pa siya makalabas ng tuluyan hindi maiwasang makasalubong niya si Ava.

She was busy looking at her purse. She's anxious at pinaghahalungkat nito ang laman ng bag. Hindi niya alam kung paraan lang ba iyon ng babae upang hindi magtama ang kanilang paningin.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon