Liwanag 'Chiara'

4.2K 148 12
                                    

Bitbit ang maliit na bagahe ay maingat akong bumaba sa minamaneho ko na sasakyan. Bumungad sa akin ang may tatlong palapag na bahay. Malaki at napapalibotan ng samo't saring mga halaman.

Sobrang ingat na tinulak ko ang bakud. Pagkapasok ko sa bakuran bumulaga sa akin si mommy Evelyn na abala at nakatuon ang atensiyon sa kanyang alagang mga tanim at si daddy na nagkakape sa hardin.

"Isabella!" Tumama paningin ni daddy sa bilogan ko na tiyan. Nagdilim ang mukha ni daddy. Mabibigat ang paa niyang nilapitan ako't isang malakas na sampal binigay sa pisngi ko.

Napadiin ko ang kagat sa labi upang hindi mapadaing sa sakit. Hindi ko napigilan ang aking mga luha na umalpas.

"Ismael!" Si mommy na tinakbo ang direksyon ko't hinarangan si daddy sa akmang muling pag-angat ng palad sa ere.

"Ngayon, kakampihan mo na iyang anak mo, Evelyn?! Na hindi ka nga pinakinggan sa mga pangaral mo!?" bulyaw ni daddy kay mommy.

"Ismael, please!"

"Magsama kayo ng anak mong iyan, mga matitigas ang ulo!?" Nakatiim bagang na tumalikod si daddy.

"Isabella." Tumama ang mga mata ni mommy sa aking tiyan. Hindi ko nakitaan ng pagkagulat si mommy. Umayos siya ng tayo. Pasimple siyang yumuko upang tuyuin ang munting butil ng luha na tumakas sa kanyang mga mata. My mother isn't good at showing her real emotion. She's been abandoned by his father all her life. She's tough and strong.

"Bakit ngayon ka lang?" si mommy na pinigilan ang sariling emosiyon.

"Mommy, I am sorry-"

"Shhhh," pinigil ako ni mommy. Niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ko napigilan at tuluyan ko na pinakawala ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan ang reaksiyon ni mommy. Ang buong akala ko sumbatan niya ako't papalayasin dahil sa pagkakamali ko.

"Shhhh, bakit ngayon ka lang hinihintay ka namin ng daddy mo."

All my life I hated her for manipulating me pero kahit na ganoon wala akong natatandaang inabandona niya ako. Napahikbi ako ng todo. Binaon ko ang mukha sa balikat ng ina ko. "I am sorry, mommy-"

"Wala kang dapat ipagpaumanhin, Isabella." Tinapik-tapik ni mommy ang likod ko. "Ako dapat ang magsabi sa'yo niyan. Pasensiya ka na kung ganoon si mommy sa'yo naging makasarili ako. Lumaki ako na hindi nagkaroon ng perpektong pamilya kaya ganoon na lang ang pagnanais ko na magkaroon ng perpektong pamilya at perpektong mga anak. Ang akala ko noon ay iyon ang dapat ngunit marami pala akong nasagasaan-lalo na sa'yo, pasensiya ka na anak ha."

Napahikbi ako sa sinabi ni mommy. "Mommy."

"Ilang buwan na ang apo ko? Limang buwan? Anim?" Kumalas siya sa pagakakayakap sa akin. Hinipo at dinama niya ang tiyan ko. Hindi na napigilan ni mommy ang mga luha. "Sabi ng doctor noon nasa hospital ka nagdadalang tao ka, Isabella. Hinintay ko lang na umuwi ka."

"I am sorry, mommy," walang ibang lumabas sa bibig ko.

"Shhh, bakit ka ba nalulungkot? Biyaya iyan at saka kahit na ba hindi ko gusto ang ama ng pinagbubuntis mo apo ko pa rin iyan. Wala akong karapatang kamuhian ang anghel sa sinapupunan mo dahil ang supling na 'yan ay lalaki na hindi makakapiling ang kanyang ama. Ayoko na lumaki siya na gaya ko, Isabella na kulang sa pagmamahal."

***

Bumukas ang pinto ng silid na inuukupa ko iniluwa doon ang isang nurse na pangko-pangko ang isang babaeng sanggol.

"Heto, na po ang baby n'yo, ma'am." Nakangiti ang babaeng nurse na akmang ilapag ang sanggol sa crib ngunit naging mabilis sina mommy, daddy at ate Roda na dumulog.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon