Not Today

3.1K 127 5
                                    

BITBIT ang susi ng aking kotse ay nagtuloy-tuloy na ako sa kinaparadahan ng aking Ford SUV. Saktong pagkabukas ko ng pinto ay may narinig akong ugong ng makina ng sasakyan.

Wala sana akong balak na pansinin iyon nang marinig kong huminto iyon sa tapat ng gate ng apartment ko. Dala ng kuryusidad ay nilingon ko ang gawing pinanggalingan ng ingay.

Bumungad sa akin ang dalawang magkasunod na itim na sasakyan. Isang Gary Crossley Ford a Lincoln Continental at Lincoln Sedan. Mamahalin at magara ang mga kotse na tantiya ko'y malimit lang sa mga normal na tao ang makakabili ng gano'ng uri ng sasakyan.

Salubong ang kilay na nilinga ko ang leeg. Wala akong inaasahang panauhin sa araw na ito at kailangan ko nang pumasok ng clinic. Hindi ako nakapasok kahapon dahil sa Niccolo na 'yon. Ayaw man na matagalan ay dinala ko ang sarili papalapit sa gate saka binuksan iyon.

Saktong pagkalabas ko'y may lumabas din na apat na lalaking naka itim na tuxedo sa kapwa kotse. Ang dalawang lalaki ay sigurado akong Pilipino ngunit ang dalawa ay mahinuhang galing ibang bansa o parang mga Italian ang lahi. Nagmartsa ang mga ito hanggang sa makalapit sa kinatatayuann ko't yumuko na hindi ko mawari.

Gulat na napa-atras ako. Wala akong ideya kung ano ang mga nangyayari?

"Magandang umaga, Miss Isabella Rose Garcia!" halos magkasabay na bati ng apat na panauhin sa harapan ko.

Ibig kong mawalan ng ulirat kung paano nito binigkas ang buo kong pangalan.

Sino ang mga taong 'to? Ba't nito alam ang buong pangalan ko?

As far as I could remember ay wala akong atraso at mas lalo wala akong kaso! At mas lalong hindi ako nagbibigay ng pangalan lalo na sa mga kahina-hinalang mga tao.

Sobrang blangko ang titig na pinukol ko sa mga ito.

Narinig kong tumikhim ang isa sa kanila. "Hayaan mong ipakilala ko ang pangkat na kinabibilangan namin, my lady."

"Pangkat?"

Mas lalong naguguluhan ang utak ko at wala akong alam sa pinagsasabi ng lalaki.

"Sangue Onnipotente' ang pangkat na kinabibilangan namin na nagmula pa sa Italya at nandito kami upang ipahayag ang pasasalamat namin sa pagligtas mo sa Boss namin."

"Boss? Sinong Boss?"

"Boss Whitlock!"

Pagkadinig ko sa pangalang binanggit niya ay ibig ko na lang mabingi. Sa tanang ayaw kong masangkot at sa lalaki pang halos isumpa ko.

"My lady, nais ipabatid ng Boss namin ang kanyang pasasalamat sa pagligtas—"

Napa-ismid akong inirap ang mga mata. Hindi ko na pinakinggan ang lalaki at tuluyang tumalikod.

"Sabihin mo sa Boss mo na hindi ko kailangan ng pasasalamat n'ya. Just get lost!" madiin na taboy ko sa mga ito.

Walang segundong pumasok ako sa pag-aari kong SUV. Nakabusangot na inusad ko iyon papalabas ng bakud. Mas lalong akong nainis at kailangan ko pang bumabang muli upang e-lock ang gate ng bahay ko.

Saktong pagkakababa ko pa lang ng kotse nang muling nagbukas ang Lincoln Continental at iniluwa do'n ang pinuno ng nasabing pangkat. Sangue Onnipotente kung tama ba ang pagkadinig ko.

Niccolo Adonis Whitlock! 

Nakita kong agad tumalima at sinalubong ng mga tauhan si Niccolo. Yumuko at nagbigay galang.

"Boss!" Magkasabay na bigkas ng mga lalaki sa pinuno ng pangkat na kakalalabas lang mula sa kotse.

Nilampasan niya ang mga ito na tila hindi man lang umiiral. Nagtuloy-tuloy at buong kompiyansang hinakbang ang mga paa papalapit sa kinatatayuan ko. Tila ba uma-ayon ang oras at tumigil ang takbo.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon