Broken Pieces

310 14 3
                                    

Mugto ang mga mata at buong magdamag na gising ang aking diwa. Hindi ko magawang umidlip.

Matamlay akong bumangon at inayos ang sarili. Lumabas ako ng silid hanggang tumapat ako sa pinto ng silid ni Niccolo. Akma ko sanang kakatokin ang pinto nang kusa itong nagbukas. Tumambad sa mga mata ko ang lalaking dahilan ng mga luha ko. Niccolo.

Pinaglakbay ko ang titig sa kanya. Nakaayos ang hitsura. Nakasuot ng presentableng damit. Matikas siyang nakatayo sa bukana ng pinto. Tumama ang mga mata ko sa bagahe niyang tulak-tulak ni Niza sa likuran.

Wala akong mahanap na kataga sa bibig. I was there pinning my feet on the floor. Simpleng inangat ko ang mata sa kanya. Magkahinang ang aming mga titig nang magsalita si Niza.

"Sir Niccolo, sigurado na ba kayong babalik sa Maynila? Kadadating mo lang kagabi ah?" Tinulak ni Niza ang bagahe sa likuran ni Niccolo.

"Yes, Niza." Tipid niyang sagot na hindi hiniwalay ang titig sa mukha ko. Wala akong mababanaag na emosiyon. Malamig... kasing lamig ng yelo.

Napalunok ako. Gusto ko na ibuka ang bibig ngunit wala akong maapuhap na tamang salita.

Simpleng nilampasan niya ako. Natuloy-tuloy siyang bumaba ng hagdanan.

"Magandang umaga, madam Ava." Dumiretso na sumunod si Niza sa lalaki.

Sinalubong agad siya ni manong Arsenio. Kinuha nito ang bagahe niya at nauna ng tumalikod. He's leaving!

Nakita ko si Niza na sinulyapan ang direksiyon ko. Isang tipid na ngiti ang binigay ko sa babae. Sumunod ako na bumaba sa balkonahe ng unang palapag ng bahay.

"Ang aga namang umalis ni sir, madam." Panimula ni Niza. Nakatuon ang mga mata ng dalaga kay Niccolo at Manong Arsenio na papasok sa sasakyan.

Sa halip na sagutin ko ang babae ay pinili ko na manahimik. Nakatuon lang ang mata ko kay Niccolo mula sa kalayuan. Somehow I feel lonely.

Bago sumampa ang lalaki sa Jeep ay bumaling siya sa kinaroroonan namin ni Niza. Sa inaasahan ay nagtama ang aming paningin. Hindi ko malaman pero nanigas lang ako sa kinatatayuan ko habang nakipagtitigan sa kanya ilang metro ang layo.

Nang magbawi ako huli na nang mapagtanto ko nakalapit na siya sa kinatatayuan ko. "I am afraid I can't be with you, Ava." Mahinahon ang tono ng boses niya.

Pagkarinig ko sa sinabi niya ay tila ba ibig umalpas ang luha ko sa mga mata. Tikom ang labi na pinigilan ko ang emosiyon. Pinigilan ko na hindi mapasingot.

"May hinihintay ako at alam ko na balang-araw babalik siya, Ava babalik at babalik siya." Ang himig niya ay puno ng kasiguraduhan. "Maghihintay ako kahit gaano katagal gaya ng paghihintay niya sa akin." Tumalikod siya na hindi na lumingon pa.

Dinurog ng lalaki ang puso ko sa binitawan niyang mga salita. Kuyom ang palad ay yumuko ako upang ikubli ang nag-uunahang luha sa aking mga mata. Habang unti-unti siyang naglaho hindi ko napigilan ang sarili at kusang ko pang pinakawala ang aking mga hagulhol.

Ayoko siyang umalis. I want him to hold me in his arms... yakapin niya ako sa kanyang mga bisig pero para saan at para ano? Sa simula pa lang nakikita na niya sa akin ang babaeng minahal niya. Wala akong panlaban doon. Isa lang naman akong babae na lumpo at walang pinanghahawakang sariling katauhan. Ni wala akong alam sa nakaraan ko. Isang pusang gala na palaboy laboy at walang mauuwian.

***
Sumapit ang gabi tila ba nilamon ako ng matinding kalungkutan. Ang bahay na minsan nagkaroon ng kulay ngayon ay tila isa na lang simpleng silungan. Cold and hollow.

Maingat ko na hinakbang ang paa sa harap ng malaking salamin. Pinagsawa ko ang aking mata sa aking kabuuang repleksiyon.

Humikbing niyakap ko ang sarili. Nanghihinang na napausdos ako papaupo sa sahig. Ni minsan hindi ko nadama na ako ang may-ari ng katauhan sa aking harapan. I am a stranger and outcast.

Nanatili ako sa ganoon posisyon. Hinihintay ko na maubos ang mga luha ko sa pag-agos. Tila ba nawalan na ako ng gana sa lahat. Maliban sa wala akong pinanghahawakan na katauhan hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko.

Nang mapagod sa kaiiyak tumayo ako upang sumaglit sa banyo nang mahagip ng paningin ko ang payong na pinahiram niya sa akin. Matamlay ko iyong binuksan. Sinuyod ko iyon hindi sinasadyang tumama ang mata ko sa pangalan na nakasulat doon.

Isabella Rose Garcia.

Mas lalong bumalong ang mga luha ko sa mga mata. Wala sa sariling pinadaanan ko ng daliri ang mga titik na nakasulat doon. Yugyog ang balikat mas lalo akong napahikbi. Hindi ko alam kung mauubos pa ba ang aking mga luha. Sinara ko ang payong at niyakap ko na tila roon ko hinugot ang natirang lakas ko.. ang bagay na pag-aari ko.

Nanginginig ang kalamnan ay muli ko na binalikan ang malaking salamin. Tumambad na naman sa akin ang hitsura na kailanman ay hindi ko pag-aari. Nanginginig ang baba sanhi ng hinagpis at puot. Mataman ko na tinititigan ang babae sa aking harapan. Wala ni parte sa mukha niya ay pag-aari ko maliban sa mga mata. Hindi ko mahanap ang dating ako.

Yugyog ang balikat walang kataposan ang pagbalong ng aking mga luha. Nanggagalaiti na dinuro ko ang babae sa salamin. "I-I am not you! I am not you! I don't k-know you!" naghehestiryang sumbat ko sa repleksiyon ko na walang humpay ang aking mga luha.

Naging mapangahas ang aking kilos. Hinagip ang lampshade at binato iyon sa salamin at nabasag. Sinulyapan ko ang babae sa salamin. I saw Isabella Rose Garcia in broken pieces.

Matalas ang aking titig na bumaling sa sahig. Some glass shards fell on the floor. Kumikinang at matatalas ang mga piraso ng salamin sa sahig na animo'y inaakit akong damputin. Wala sa tamang pag-iisip ay inabot ko ang isang matalas na piraso.

"I don't deserve to live!" sigaw ko kasabay niyon ay ang pagdala at paghiwa ko sa matalas na bagay sa pulsuhan ko.

Hindi ko ininda ang dugo na umagos mula sa braso ko. Tila ba wala na akong naramdamang sakit. Namamanhid ang kalamnan ko't wala akong maramdaman hapdi maliban sa puso ko na puno ng suklam, panibugho at hinagpis.

Hanggang ang katawan ko na ang kusang bumigay. Unti-unting nagdilim ang aking paningin at nawalan ng ulirat.

***
Pagkamulat ko ng aking mga mata mas lalong pinakawala ko ang hagulhol.

I am still alive!

Walang ingat na binaon ko ang mukha sa unan at mas lalo kong pinakawala ang aking iyak. Hindi ko pinansin ang panauhin na pumasok sa loob ng silid na kinaroroonan ko.

"Ava!"

Hindi ko man lang iyon binigyang diin. Mas lalo kong sinubsob ang mukha.

"Ava!"

Naririndi ang tainga ko sa pangalang binanggit nito.

Walang ingat na bumangon ako. Hinagip ko ang matigas na bagay mula sa bedside table saka binato sa kung saang espasyo. "Don't call me with that fucking name!" bulyaw ko na namamasa ang pisngi.

"Ava please—"

"I am not her! I am not Ava, Hector!" Nanggalaiting deklara ko.

Hector ran to me. Kinabig niya ako ng yakap na sobrang higpit. "I am sorry, Isabella."

Mas lalo kong pinakawala ang mga luha sa mga bisig ni Hector. Ngayon, na naalala ko na ang tunay kong katauhan. Paano ko siya haharapin na suot ang mukhang hindi ko man lang pag-aari?

***
Light lang po ang kwentong ito.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon