Let's go Home

343 16 2
                                    

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" May pag-alinlangan pahayag ni Hector. Sinusundan niya ako ng titig habang iniimpake ko ang aking mga gamit.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.

"Hanggang kailan mo siya paghihintayin, Isabella?" dagdag pa niya na may kasamang buntong hininga.

"Hector." bumuntong hininga rin ako. Binitin ko sa ere ang kamay upang ibaling ang paningin kay Hector. "Hindi pa ako handang harapin siya."

"Tatakbo at tatakbo ka na lang ba?"

Nakuyom ko ang palad sa narinig. Kung kailangang hindi ako tumigil sa pagtakbo ay 'yon ang gagawin ko. Ayoko na harapin siya na ito ang mukhang suot ko. Wala akong tapang upang harapin ang ama ng anak ko. "Wala pa akong tapang na harapin siya, Hector." Puno ng lumbay na pahayag ko. "I need time."

"It's been a year, Isabella."

Mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang magbalik ang aking ala-ala. I've been hiding at iniiwasan ko ang lalaking makatagpong muli. Wala pa akong sapat na lakas upang harapin siya.

"Isabella, how about your daughter?" Giit ni Hector.

Napayuko ako. Naging mabilis ang mga kamay ko upang damputin ang iba ko pang mga gamit at ipasok sa maleta. Paraan ko na rin iyon upang ikubli ang nangingislap ko na mga mata.

"Hanggang sa malayo mo na lang ba sila pagmasdan?"

Paminsan-minsan akong humahanap ng pagkakataong subaybayan ang anak ko mula sa di-kalayuan. Wala rin ako tapang na harapin ito.

"He's been waiting for you-"

"I have to go. Kailangan ko munang magpakalayo layo, Hector," pigil ko sa kanya na sinara na ang bagahe at tumayo.

Dinig ko ang pagpakawala ni Hector ng malalim na buntong hininga. Lumapit siya sa kinatatayuan ko. "I am sorry, Isabella."

"Pinili ko na tanggapin ang mukhang ito, Hector. Salamat sa inyo ni Leonardo sa pagsagip sa buhay ko pero-" pumiyok ang boses ko dahil sa tinitimping hagulhol, "-sana di n'yo na lang ginawa. Hinayaan n'yo na lang sana akong mamatay. Wala akong mukhang maihaharap sa mga taong mahal ko dahil sa mukhang ito!"

"Isabella."

"Please, hayaan mo muna ako. Kailangan ko ng sapat na panahon. Kailangan kong mag-isip isip."

"Kung hindi na kita mapipigilan, Isabella hahayaan kita. Heto." Inabot niya sa akin ang isang black card. "Dito mo kuhanin lahat ng mga kakailanganin mo."

"Pero hindi kita kaanu-ano, Hector para ipagamit mo iyan sa'kin."

"Hindi pa ito sapat para sa kapatawaran na hinihingi ko, Isabella. Hayaan mo na sa ganitong paraan man lang ay may magawa ako."

"Hector."

"Wala akong pagsasabihan kung nasaan ka. I will keep this between us kung iyon ang gusto mo, Isabella."

"Sa simula pa lang you're very good to me, Hector. Salamat." Inayos at sinara ko na ang bagahe.

"Take your time at mag-ingat ka, Isabella." Paalam ni Hector na sinundan lang ako ng tingin papalabas ng silid.

***
Natagpuan ko ang sariling naninirahan sa maliit na nayon ng Badoc sa probinsiya ng Ilocos. Malayo sa maingay na siyudad.

Nagtayo ako ng simpleng clinic ng mga hayop para sa mga residente. Mahigit na isang na taon na akong nanunuluyan sa isang maliit na apartment. Halos mag-iisang taon na rin ako sa lugar at kahit papaano ay may naging kaibigan ako. Si Jing ang kasa-kasama ko sa clinic na anak ng aking Landlady na si Aling Nora. Gamit ko pa rin ang peke kong katauhan dahil ito na ang mukha ko't hindi na mababago pa.

Got HitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon