( A/n: Its freaking happening guysss ! PS. BELATED HAPPYBIRTHDAY TO ASHTON AND LUKE!!! )
Jackie's POV
[ April 26, 2015 ] 7:50 Am
" Jackiee ! " Habang naglalakad ako kasama ang dad ko biglang may sumigaw.. na dahilan ng pagtigil ko, tumalikod ako upang harapin yun. Nang pagtingin ko si Nikki pala, dala na nya ang gamit nya. Handang kalimutan na din ang lahat kagaya ko. Pero, ano nga ba ang kakalimutan nya?.. Hindi ko din alam kung ano ang takbo ng utak nya.
" Bakit ang tagal mo? " Tanong ko habang naglakad na kaming tatlo. Tahimik lang si Dad na parang may iniisip ito. Ngumite lang si Nikki, kahit na halata na peke lang ito at may iniisip din kagaya ko at ni dad.
" Wala lang, basta " Sabi nya, di ko na siya pinipilit kasi baka di naman mahalaga ata yun.. Habang naglalakad kami... Hindi ko mapigilan ang pagiisip kung gaano karami ang pwedeng mangyari kung hindi ako aalis... Pero mas okay na to, mas okay ang lumayo at makalimot. Kesa sa sumugod nanaman sa panibagong task.
Nang nasa gate na kami ng school, niyakap ako muli ni Dad. Tapos parang iiyak na sya , akala mo e ikakasal na ako o kung ano man. Sauce, pupuntang UK lang eh.
" Paalam na dad, tatawagan na lang kita " Sabi ko kay dad nag paalam na din si Nikki sa kanya. Since tito nya si dad, at close din eto.
" Magiingat kayo " Sabi ni dad na kulang na lang e umiyak sa harapan ko. pero syempre, di gagawin ni dad yun ngayon.
" Oo naman , sige aalis na ako bye! " Naglakad na ako ng palayo kasama ni Nikki, pero may narinig pa akong binulong ni dad.. Mga salitang hindi ko naiintindihan pero alam kung may involve saakin. Na ayaw umalis saaking pagiisip.
" Hindi pa nagtatapos ang deal Jackie "
Deal? Anong deal? ... Pero dahil sa gusto ko nang umalis, ngumite nalang ulit ako at dumeretsyo sa kotse. Basta kalimutan ko na ang lahat, okay na yun..
Habang bumabyahe papuntang Airport, lalo akong nalulunod sa pagiisip ko. Ano ang mangyayari kung makakalimutan ko ang lahat? Makakalimutan ko nga ba? Napatingin ako sa bintana at nag sigh nalang... Hindi dapat ako nalulungkot ngayon.. Dapat nga diba magpakasaya ako dahil wala nang panot sa buhay ko? Pero bakit ... iba ang nararamdaman ko? Eto naman ang gusto ko diba?
Saka... mapipigilan ko nga ba? Mawawala nga ba ang feelings ko para sakanya?... Eto nga ba ang gusto kong decisyon?.
Bago pa man ako manghina sa kotse ay nakarating na kami sa Airport.. Naglalakad papunta doon.Sakto pa ang oras namin, kaya dumiretsyo na kami sa pilahan papasok sa Plane.
Michael... hahayaan mo nga ba ako makalayo ngayon?
Huh? Bat bigla pumasok sa utak ko ang 'Salitang yan?'
Mikey, hahayaan mo lang ba na kalimutan ko ang lahat?!
Bat ko naiisip to?! Hindi Jackie, ikaw ang may gusto nito. Okay lang sayo ang umalis, walang pipigil sayo.
Panot, Pigilan mo ako !!! Wag mo akong hayaang lumayo sayo ! Gago ka ! Magpakita ka na ngayon at sabihin mo !!
...
Mahal mo nga ba ako?
Bago pa ako makapasok sa loob, isang tingin ko ulit sa likod...
Oo, gusto ko sya makita doon at baka pigilan nya ako..
Pero wala sya doon..
Wala si Michael ...
Wala na..
Kasi mahal din kita, panot.
To be continue
BINABASA MO ANG
Same Love Games | 5SOS
Random5 Seconds of Summer, ang banda sa Jill Dorm Academy. Na may apat na myembro na si Michael Clifford ang chick boy Calum Hood ang Loko loko Luke Hemmings ang lead singer na weirdo at si Ashton Irwin the great. Pano kung may paglalaruan silang babae...