E P I L O G U E

229 12 9
                                    

[ SAME OLD US ]

July 18,2016 8:00 PM [ UK ]

Jackie's POV

Ang daming months na ang nakalipas, simula ng iwan ko ang school ni dad. Madaming months narin ang nakalipas nang subukan kong kalimutan lahat.. pero hindi ko nagawa.. kung lahat ba naman ng mga tugtugin sa radio e may kaboses ni Panot.. ang malala... Yung pangalan ng banda parang pamilyar...One Direction ba yun? Before you Exit? The Vamps? Hahh? Hangang ngayon pa ba naman ulyanin ka parin Jackie?!

Nakatira ako ngayon sa may isang hotel, ang pangalan 'Stars Hotel' balita ko din sa pinaka tuktok ng pinakamataas na hotel na to e madaming artista. At syempre bilang si Jackie Jill, why not subukan kong lakbayin yun diba? Sige mamayang gabe ma try nga.


Ah ! Oo nga pala, si Nikki, isang model na ngayon. Akalain mo nga naman e no?. Tapos ako? Isang normal college soon-to-be graduate sa isang Universidad na ang pangalan ay 'Star University' ewan ko ba at siguro madaming star dito sa lugar nato.

But moving on, nasa 'STAR restaurant ' ako. At oo nasasawa na ako sa kaka 'STAR' ng mga buildings dito.. like WALA NA BANG IBANG ALAM ANG AUTHOR NA PWEDENG ITAWAG SA MGA TO? Pero hayaan nyo na tsk. Nainom ako ng... kape, oha, baka isipin nyo Star coffee to? Well isa syang 'Heart coffee'. Oo alam ko, tinotopak ang Author ngayon.

Habang nainom ako ng kape, isang radyo na may music ang natugtog. Isa sa mga dahilan kung bakit dito ako lagi sa restaurant na to. Kasi yung mga music nila may kaboses ni Panot... at oo nga pala.. Di ko na naalala ang pangalan ni Panot.'Panot' nalang ang alam ko...

Isang kanta na title ay 'Permanent Vacation' ang natugtog. Syempre ang sarap pakinggan lalo na't may kaboses ni Panot... Haays Panot, bat wala ka ng araw na umalis ako? ...

Naalala ko tuloy ng umiyak  ako sa flight, kasi ineexpect kong darating sya at pipigilan ako.. tulad ng mga napapanuod ko sa mga movies... Teka.. di naman ako nanunuod ng mga movie ah? 

Naalala ko din nung pinagalitan ako ng katabi kong lalake sa Plane dahil sa kakahagulgol ko dun. Buti lang di ko nasapak yun, pasalamat sya Heartbroken ako ng araw na yun..





Pagkatapos ng kanta e, tapos na rin ako uminom. Kaya binayaran ko na ito at simula nang tumayo..

Naalala nyo ba yung sinabe ko kanina na sa pinakatuktok ng Star Hotel ay may artista? Try ko kayang puntahan ito ngayon?.




Nag drive na ako pabalik sa hotel atsaka pinark ang kotse ko. Sabay pasok din sa loob ng hotel at pumuntang elevator. Pinindot ko ang number 69 ( OH WAG GM ) saka nag antay, may dalawa akong kasamang babae na mukang sikat pero wala ako pake-elam sa kanila.

" Ding !" Tunog ng elevator, sabay labas ko din. Kaso may guard na nakatingin saamin.

" Mam, please show your I.D please " Ay takte, patay.. Kelangan pala ng I.D dito? Sabagay mga artista e ! Nilabas ng isang babae na kasama ko yung I.D nya. Sabay pinapasok sya ng guard, yung isa ko pang kasama e may sinabe lang in Japanese Language pero wala syang pinakitang I.D pero pinapasok sya. 

" Your's mam? Please show your I.D

Takte, tagalugin ko na to, baka gumana at papasukin ako.

" Aaah, kuya papasukin nyo ako.. nag dedeliver lang po ako ng balot " PLEASE KUYA PAPASUKIN NYO KO ! Pero wow, pinapasok nga ako ni Kuya. Hahaha ! Tanga tanga ng guard na to.

Nang pagpasok ko sa hallway, wow. Ang ganda ! Ibang iba sa hallway ng akin.... bago pa man ako maglakad biglang may nagsalita.. na dahilan ng pagkataas ng dugo ko sa katawan.



" Pretzel? "

xx END OF SAME LOVE GAMES xx



Please read the SEQUEL called 'SAME OLD US' where Jackie is on Adventure to find her one true PANOT love?

A/n: YAY !! Thanks po sa lahat ng nagbasa at nakasama ko sa SLG Journey ! Pasensya na kung sucks ang story pero babawi ako sa Sequel ! Promise, so are you ready guys? Love y'all stay beautiful xx

Same Love Games | 5SOS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon