Journal #34

1 0 0
                                    

Dear self,

Minsan mararamdaman mo talagang mabigo at parang inuutusan ka na nitong sumuko. Akala mo puro ka na lang tagumpay, pero sa isang iglap ay ‘di mo na alam kung ano gagawin mo sa buhay. Dadanas ka ng hirap, ‘di mo na malasahan ang sarap, tapos unti-unti ka nang lumalayo sa iyong pangarap.

Pero sana bumangon ka, palaging may pag-asa. Ang pagkakamali ay pagkatuto, huwag kang papauto sa sinasabi ng mundo, na wala ka ng kwenta kapag nagkamali ka. Tandaan mo, palagi kang may halaga.

Umiikot ang mundo. Kung minsan ka mang tinalikuran nito, darating ang araw na papabor ang mundo sa ‘yo.

Note to SelfWhere stories live. Discover now