Journal #75

2 0 0
                                    

To be honest, ang dami naman talagang trabaho. Siguro, maglakad lakad ka lang sa isang buong araw, impossible na di ka makakita ng 'hiring' signage. Alam mo ang mahirap? Maghanap ng trabaho na in line sa tinapos mo, sa skills mo, sa sweldo, at lalong higit sa nais ng puso mo.

Kapag nakapagtapos ka, nakakapanghinayang na kumuha ng trabaho na hindi akma sa tinapos mo. "Sayang naman yung apat na taon kong inaral tapos ganito rin pala ang magiging trabaho ko."

Kapag usaping skills naman, kung magaling kang mag web design at video editing, eha-hired ka naman nga pero asahan mong irerequired kang tapos ka ng IT course related kung gusto mo maging regular.

Kung pagiging praktikal naman at hanap mo mataas na sweldo, asahan mong pamatay ang trabahong papasukin mo. Yung tatlong oras lang yung tulog mo, minsan yung gabi ay araw at yung araw ay gabi sayo. May laman nga ang bulsa mo pero you are no longer living your life to the fullest kasi gulay kana sa kapagudan.

Kapag pinili mo naman yung gusto ng puso mo, madalas yan yung kung mababa ang sweldo mo or else pleasure at fulfillment nalang yung balik sa mga paghihirap mo.

Nakakapagod rin pala talaga. Mas nakakapagod pala yung ganito.

Marahil ito nga ang sinasabi nilang ADULTING. Nakakalito, ano na ba yung sunod na gagawin na ngayon nakapagtapos na?

Mas mabuti parin talaga yung nagaaral ka, kasi guided ka. Pag natapos kana ng elementary, Junior High School ang sunod, then Senior High, at College. Dito alam mo kung san ka patungo, saan ka pupunta. Pero ngayon na nakapagtapos kana, ang daming daan, ang hirap pumili at ang mahirap pa nun you are on your own na. Wala ng magtuturo sayo, ikaw na ito. SA'YO NA ITO.

Hindi mo alam kung dun ka sa matagal pero sure na proseso o dun na sa madalian kasi alam mong kailangan na talaga.

Kaya siguro kahit yung nga taong alam ang gusto sa buhay ay nahihirapan din sa kung ano na ang gagawin nila.

Sa dami ng option na nakalatag sa harap mo, hirap ka ng pumili dahil marami ka nang dapat iconsider. Hindi nalang ang sarili mo kundi yung mga taong nakapaligid sayo at umaasa rin sa tagumpay mo.

Mapapapikit ka nalang talaga at mapapasabi "Diyos na ang bahala."

Note to SelfWhere stories live. Discover now