Journal #60

2 1 0
                                    

UNFRIENDING IS OKAY.

Walang mali sa pag iwas sa isang tao na nagbibigay ng negative vibe sayo, protektahan natin yung kapayapaan na meron tayo. Wag natin hayaang sirain tayo ng isang kaibigan na hindi pareho ang pakiramdam sayo. Hindi naman porke iniwasan mo sya eh may galit ka na, as we grow old kailangan natin maintindihan na hindi lahat ng tao pareho ang ugali sa umpisa hanggang sa huli. Lahat tayo nagbabago. Maswerte ka kung mas maaga mong maiisip yon. Mas maaagapan mo yung sarili mong masaktan. Mas maswerte ka naman kung may kaibigan kang never ipinaramdam sayo na kulang ka. Na may mali sayo. We all need a friend na kahit anong katangahan o kagagahan ang nagawa mo, dinadala ka sa tama hindi yung ipinagkakalat pa sa iba at gagamitin laban sayo bilang bala.

Isa pa, Matuto tayong maging propesyonal sa mga bagay, kung kakausapin ka ng UN-FRIEND mo sumagot ka ng may respeto, kahit hindi na bilang isang kaibigan, kundi bilang tao.

hindi natin kailangan ng madaming kaibigan, magkaron ka ng isang totoong tao sa tabi mo, ikaw na din ang isa sa pinaka maswerteng tao sa mundo.

Hindi mo kaylangan hanapin sa iba yung ikaw na meron na wala sila dahil ang tunay na kaibigan masayang makita kang umaangat hindi yung hinihila ka palubog.

Negativity blocks the blessing.

Disconnection from negativity can bless your life.

Wag tayong matakot mawalan ng kaibigan, kasi ang totoong kaibigan kahit hindi mo sabihan, hindi ka iiwan.

Note to SelfWhere stories live. Discover now