Journal #69

1 0 0
                                    

STOP THE GUILT TRIP.

Hindi mo kasalanan kung bakit sila nahihirapan lalo sa mga oras na hindi mo sila matulungan.

Wala kang dapat ikabahala sakaling tinanggihan mo sila sa mga hiling nila. Hindi ka dapat mawasak kapag tinuring ka nilang kaaway dahil pinagdamutan mo sila.

WALANG MALI SA PAGTANGGI.

Hindi ka mali na isipin ang sarili mo at saglit na ilihis ang balikat mo. Doon sila matututo. Na hindi sa bawat oras kailangan mong umalalay.

Hindi mo kasalanan kung pinaganda mo ang buhay mo habang sila nakatitig lang sa'yo. Hindi mo rin pagkakamali kung bakit sila nagkukulang.

Hindi mo rin dapat pigilan ang mga bagay na makapagpapasaya sa'yo dahil inaalala mong sa kabilang banda nakaabang sila sa'yo.

Hindi mo obligasyon na pasayahin at punan ang lahat ng nasa paligid mo.

Huwag kang matakot na magdamot sa mga tagpong ikaw na ang nauubos. Oo, mabuti ang mapagbigay sa mga taong hindi ka inaabuso.

Iwasan mo ang mga taong naaalala ka lang kapag may kailangan sa'yo. Mga taong hinihila ka pababa kasabay nila. Mga taong hindi tinutulungan ang sarili para makausad.

Tandaan mo, HINDI MO KASALANAN lahat ng mga nangyayari sa paligid mo- maganda man o hindi. Wala kang kasalanan sa kanila.

Alam mong nagsikap ka na marating ang kinalalagyan mo. Alam mong nagdaan ka sa maraming pagsubok ng buhay bago mo piniling magpatuloy. Alam mong kinaya mo ang lahat bago mo mabuo ang sarili mo.

HINDI KA MARAMOT. HINDI KA MAKASARILI.

Natuto ka lang na matapos ang matagal na panahon, nalaman mong hindi naman pala masamang unahing mahalin at pahalagahan ang sarili mo.

Note to SelfWhere stories live. Discover now