Paano ba maging magaling ulit?
Narito ako, nakatulala at nakatitig sa kawalan. Naaalala ko kung gaano ako kagaling sa klase noon.
Noon, kayang-kaya kong sagutin ang bawat tanong, mabilis kong nauunawaan ang mga aralin. Palaging mataas ang aking mga marka, at ramdam ko ang kumpiyansa sa bawat sagot na binibigkas ko. Para bang lahat ay madali, lahat ay abot-kamay.
Ngunit ngayon, tila bumagal ang aking isip. Ang dating sigasig ay napalitan ng pag-aalinlangan. Pilit kong binabalikan ang sigla at talino na dati'y natural na dumadaloy sa akin, ngunit parang may hadlang na pumipigil sa akin na maging ako muli.
Bakit biglang nawala ang aking galing, husay, talino—ang dating ako?
Gusto ko maging magaling ulit.
YOU ARE READING
Note to Self
Non-FictionThis is not just a simple story but a journal of my day-to-day experiences and become motivated every single day. If you want to be motivated, too. Feel free to read this journal. Nothing can stop you. Just read and be motivated.
